Kabanata 18 : WishMy gun is in my car's compartment. Sadly wala ding dalang baril si Ryland. It's on his unit and the other one is in his car's compartment too.
Nagkatinginan kami ni Ryland pagkatapos niyang pulutin ang isang pakete ng droga na nahulog sa bag nung babae.
Bago pa umandar muli ang elevator ay lumabas na kami. Lumiko sa isang pasilyo ang babae at agad naman naming sinundan ni Ryland ng hindi nagpapahalata.
Looks like there's a drug den here o di kaya naman ay may bentahan o mga user dito sa floor na ito.
Ryland was busy on his phone maybe getting some back-up. Hindi naman kami napapansin ng babae at patuloy lamang itong naglalakad. He stopped in front of a door and rang the bell. Hinila ko si Ryland sa sulok para makapagtago.
Sumungaw kami ng bahagya at nakitang pinapasok ng isang lalaki yung babae. Wala namang kapansin sa aming dalawa.
"Tumawag ako ng back-up. They're on their way here. Let's move." He stated and walked towards the unit. Pero hinila ko siya at pinigilan.
"We are unarmed! Paano kung may baril ang mga iyan?" Umiling siya at diretso ang lakad, pilit kong hinihila ang braso niya pero napindot na niya ang doorbell pero walang sumagot o bumukas sa pinto.
"We'll just ask something." Padabog na binuksan ang pinto ng isang lalaki. My heart pounded because he looks like an addict!
"Anong kailangan niyo?" Maangas niyang tanong at sinilip ako sa likuran ni Ryland bago sumilay ang isang ngisi sa kaniya.
"May nakatira ba ditong Serano ang apelyido?" Kumunot ang noo ko, ano ang pinagsasabi nito? Humalakhak ang lalaki at kwinelyuhan si Ryland.
"Bakit? Anong kailangan mo sa akin?" Mukhang nagulat din si Ryland sa ginawa ng lalaki kaya itinaas niya ang kaniyang kamay para bitawan siya nung lalaki.
"I-ikaw ba si Jerome Serano?" Nauutal na tanong ni Ryland. Napalunok ako at napahilamos sa mukha.
"Hindi, bakit mo tinatanong ang kapatid ko? Anong kailangan mo sa kaniya?" Nagkatinginan kami ni Ryland. Agad akong sumingit sa usapan.
"Pinapunta niya kami dito. Uh, bibili sana kami." I am sweating bullets! Ang lakas din ng tibok ng puso ko. Ryland eyed me pero diretso lamang ang tingin ko sa lalaking nasa harapan namin.
"Magkano ba bibilhin niyo? Mabuti pa pumasok na lang kayo." Lumingon sa magkabilaang pasilyo ang lalaki bago niluwagan ang siwang ng pintuan para makapasok kami.
Maingat ang bawat galaw para hindi kami mapaghalataan. Tama nga kami at may nagaganap ditong repacking. Dose-dosenang pakete ng drugs ang nakakalat sa lamesa. Lumabas yung babae sa isang kwarto at ngumisi sa amin.
"Ilan ba bibilhin niyo?" Suminghot siya at bumaling sa aming dalawa. Magkatabi kami ni Ryland sa sofa. Sabay na lumabas sa isang kwarto ang tatlong lalaki na mukhang katatapos lang sa paggamit ng droga. Pinagmasdan nila kaming mabuti habang nangi-ngisi sila sa amin.
"Baka gusto niyo munang subukan? Pero kung ini-refer nga kayo dito ni Jerome ay alam niyo na ang kalidad nito." Inabutan kami ng babae ngunit naitulak ko ito at natapon sa sahig.
"May problema ba ha? At bakit parang takot ka sa droga, miss?" Nag-angat ako ng tingin at ngumisi. Tumayo yung babae at naglakad patungo sa akin bago ako inangat sa pagkakaupo.
BINABASA MO ANG
Signs of Destiny (Justice Series #1)
RomantikJustice Series #1. [UNDER MAJOR REVISION] Rydelle Jovanna Quizon, an officer of the Armed Forces of the Philippines, an honorable and sleek lady, she joins the force to get the justice for her parents that was ambushed by the rebels. Ryland Matteo C...