Kabanata 34

932 20 16
                                    


Kabanata 34 : Turn back time


"If you only knew..." Yumuko siya at may pumatak na luha sa sahig. Lumakas ang kabog ng aking dibdib nnang mag-angat siya muli ng tingin.


He licked his lips and leaned closer to me until his forehead almost touch my shoulder pero bago pa man lumapat ang kaniyang noo sa akin ay may kumatok na sa pinto. Binitawan niya ang hawak sa magkabila ko at naglakad patungo sa pinto.


May tinanggap siyang folder bago muling pumasok. Nag-iwas ako ng tingin bago naglakad patungo sa pinto.



"Uhm," nanatili ang aking kamay sa seradura at hinihintay siyang magsalita pero isang buntong hininga lamang ang pinakawalan niya. Pinihit ko na ang seradura at naglakad paalis.


Nanatili akong tulala sa aking opisina. Hindi ko na namalayan ang paglipas ng oras at nang tignan ko ang orasan ay mag-a-alas sais na.


Tumayo ako sa pagkakaupo at inayos na ang mga nagkalat na papel at itipapon sa basurahan. Nakalugay na ang aking buhok at nakasabit sa aking braso ang aking pantaas na uniporme.


Saktong pagkalabas ko ay ang paglabas din ni Ryland sa kaniyang opisina. I gave him a short salute and marched my way to the stairs.


Habang nasa hagdanan ako ay nagbook na ako ng masasakayan dahil hindi pa rin naayos iyong kotse ko. May sira din sa makina kaya nasa shop pa din.


Napasinghap ako nang mamali ako ng hakbang at tumilapon ang cellphone ko. Nauntog din ako sa pader kaya napahawak ako sa aking noo. Nakarinig ako ng humahangos at may humawak sa aking baywang para iangat ako.



Kinuha din niya ang cellphone at iniabot sa akin. Nakahawak pa din ako sa aking noo nang abutin ko ang cellphone mula kay Ryland.


"Ayos ka lang?" Umangat ang kamay niya para hawiin sana ang aking buhok pero bigla niya din itong ibinaba at nag-iwas ng tingin.


He bit his lower lip and sighed heavily.


"Uh, una na ako." Paalam niya pero hindi pa siya nakakahakbang ay pinigilan ko na.


"Sandali," at napaisip ako kung ano ang sasabihin ko, kung bakit ko siya pinigilan. Nagtaas siya ng kilay at bahagyang ngumuso.


"Salamat pala sa binigay mo kanina." Hinaplos ko ang aking braso at yumuko.


"I'm glad you appreciated it, though. Pero kung ayaw mo talagang binibigyan kita ay titigil na lamang ako." Nakangiti siya nang sabihin iyon pero hindi ko alam kung totoo ba ang mga ito.


Ngumiti ako ng palit at tsaka lamang siya naglakad paalis. Ilang minuto na akong nakatayo at hindi makaalis na tila ba napako na ang aking mga paa sa sahig.


Nagring ang aking cellphone at nakita kong may ilang gasgas at may maliit na basag sa gilid. Iyong binook ko!


Tumakbo ako at ibinulsa na ang cellphone. I ran as fast as I can at muntik pa akong masagasaan kung hindi nakapagpreno ang nagmamaneho. I saw the car and it was Ryland's but I continued on running until I reached where the car I booked was parked.


Signs of Destiny (Justice Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon