Chapter 4: Unexpected

87 45 3
                                    

Zack's Point Of View

"Now, let us all welcome, the newly elected Student Council Auditor, Zack Foster! Let's give him a round of applause." Nakangiting sabi ng emcee na nasa podium at tumingin sa akin.

It's your time to shine
Yan siguro ang ibig sabihin ng mga tingin nya sa akin. Napabuntong hininga nalang ako.

Kahit may agam-agam ay tila ba may sariling buhay ang paa ko, na kusang lumakad papunta sa podium. Kinuha ko ang microphone. Bumuntong hininga ako at sabay umimik.

"G-good day everyone. I am Zack Foster. From Class D-3. The newly elected SC Auditor. I know that being part of the Student Council is a great honor and responsibility and now that I am one of the SC's, I assure you a better performance. Thank you."

Hindi iyon ang dapat at naisip ko na speech para sa proclamation ko, pero lahat ng mga salita at phrases na naisip ko kanina ay bigla na lang nawala na parang bula dahil sa kaba.

Matapos iyon ay nakarinig ako ng palakpak. Matapos noon ay isa pa na nasundan ng isa pa. Nakakabingi ang ingay sa loob ng Gymnasium.

Pero kung paano ng aba ako napunta sa ganitong sitwasyon? Hindi ko inaasahan.


Nakakapagod ang unang araw ng klase. Hindi nga nagbibiro si Sir Ernest, puro nga physical ang gagawin naming. Ngayong unang araw ng klase ay 5 kilometer sprint, 100 push ups, 100 jumping jacks,100 curl ups, 100 pull ups. At ang pinaka-nakakainis sa lahat ay nalatigo ako ni Sir. Sir Ernest's grace is electric shock, kaya naman nung nahulog ako sa monkey bar ay agad nya akong nilatigo. Talagang naramdaman ko ang kuryente sa bawat hibla ng katawan ko.

Nagdidilim na kaya naman binilisan ko pa ang paglalakad .Nang makarating ako sa dorm at nang buksan ko ang pinto ay tumambad sa akin si Colt at 3 tao pa.

Kasama din niya si Tyke, the SC President at dalawang babae pa. So it was me, Colt, Tyke at yung dalawang misteryosong babae pang ngayon ko lang nakita.

"Oh, he's here" rinig kong sabi nung babaeng may light blue na buhok.

AWKWARD

"Uy, Zack nandyan ka na pala." Bati sa akin ni Colt.

"This is Eloisa Arguelles, the SC Vice President..." tukoy ni Colt sa babaeng light blue ang kulay ng buhok.

"I am Eloisa Arguelles, Loi for short, its nice to meet you" sabay inilahad ni Loi ang kamay niya sa harap ko, tanda ng pakikipag shake hands. Tinanggap ko naman.

"And this is Flora Larios, the SC Treasurer." Dagdag ni Colt

Gaya ni Eloisa, pormal ding nagpakilala sa akin si Flora. Nakipag kamay din siya sa akin. Nakatingin din sa akin si Tyke, pinapanood niya ang bawat galaw ko.

"Um, Zack we have something to tell you." Sabi ni Colt sa akin

"Ah, sige ano yon?"

"We are inviting you to join the Student Council." Ngayon ay si Eloisa naman ang umimik.

"H-Ha!!!A-ako?Teka, b-bakit ako?" sa gulat ko ay hindi ko mapigilan ang pagkabulol sa mga salita.

"We are expecting that reaction from you." Sabi naman sa akin ni Tyke. Himala at umimik ang mokong.

"Teka nga muna, out of all students here, bakit ako? Baguhan pa lang ako dito. I'm just a newbie. Why waste an opportunity for me?"

Peculiar: World Of Graces |ONGOING|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon