Chapter 16: Alliance

46 25 2
                                    

Colt's Point Of View

Martes ngayon at maaga na naman kaming nag-umpisa. Wala ngayon si Tyke dahil every Tuesday ang rest day niya. And about our training, we are all showing great outputs lalo na si Zack. Wala siyang flaw sa pakikipaglaban gamit ang magic. Imagine in just few days ay na-master na niya ang composite magic at ngayon ay inaaaral naman niya ang tamang paggamit ng Aberrant Magic. Hindi pa niya namamaster ang ibang type ng magic pero ang galing galing na niya. We didn't make a mistake in choosing him for the catastrophe of our team.

We were about to start our training sessions dahil wala pa rin si Ms. Olivia nang marinig naming tumunog ang speakers na nagkalat sa school. "Paging, Tyke Agustin, Colt Sanvidez, Eloisa Arguelles, Flora Larios, and Zack Foster, Mr. Manalansan wants your presence in his office. I repeat, paging, Tyke Agustin, Colt Sanvidez, Eloisa Arguelles, Flora Larios, and Zack Foster, Mr. Manalansan wants your presence in his office. Thank you."

Nagkatinginan kaming apat. "Bakit kaya?" tanong agad ni Eloisa sa amin na ipinagkibit balikat ko na lamang. I have no idea on what's going on. 

Kahit hindi sigurado ay sumunod na lang kami, naisip ni Zack na sunduin namin si Tyke sa classroom nila pero wala iyon doon, he's probably dealing with that. He's that kind of guy actually. Kapag alam niya na kaya niyang mag-isa ay hindi siya hihingi ng tulong sa ni isa sa amin. Sinasarili niya ang mga bagay-bagay kapag alam niyang isang malaking dagok iyon sa team namin. Lalo na dati sa Frontier, he almost killed himself to make a way for us to escape. He thinks of others before his sake. And I have a bad feeling about this one.

Mga limang minuto pa ang lumipas bago namin narating ang Principals Office and no one was there. "Is this some kind of prank?" wika ni Flora saka sarkastikong tumawa. Sinabi ko naman sa kanila na siguro ay nasa Student Council Office ang mga ito dahil kung wala si Tyke at Mr. Manalansan sa office, nag-uusap ito patungkol sa bagay na kailangan ng privacy.

Nagtungo agad kami sa Student Council Office at nandoon nga sila kasama si Ms. Olivia. Si Tyke naman ang unang nakapansin sa aming apat. "We've been waiting for you. " sabi ni Tyke saka itinuro ang mga stool, sinesenyasan na maupo kami at makinig. Sinunod naman namin ang iniutos niya.

"So, let's start this discussion. And I will be straightforward. Reim Empire wants an Alliance." sabi ni Mr. Manalansan. Tiningnan ko si Tyke and he seems calm about it.

"What?!", si Eloisa ang unang nag-react sa amin.

"They want to form an Alliance with Leam Empire at dahil tayo ang highest performing school ay tayo kaagad ang naisip lapitan ng officials ng Leam Empire. And as you can see, palaging pumapangalawa ang Reim Empire sa atin kung ang Frontier ang pag-uusapan." dagdag pa ni Mr. Manalansan.

"Get to the point Sir." wika ni Olivia na nasa likuran lang ng lalaki.

"Each empire agreed to send three exchange students that will study there for two and a half months." diretsang sabi nito sa amin.

"So you're going to send three among us? Sir! Limang buwan na  lang ay magsisimula na ang Frontier!" reklamo pa ulit ni Eloisa. Hindi naman siya pinansin ni Mr. Manalansan.

"I decided to send the boys. And you won't just study there, you will also participate in their Iktiyar and Tournament. You will also trian there but separated from their particpants. At hindi lang ako sigurado pero malakas ang kutob ko na mga participant din nila ang ipapadala nila." pagpapaliwanag pa ni Mr. Manalansan. Wala namang ni isa sa amin ang nagtangkang umimik.

"Girls, you will train separately from those exchange students kung participant din sila." wika nito habang nakatingin sa dalawang babae. Matapos iyon ay tumingin naman siya sa amin. "Those school doesn't allow legendary grace users, kaya you will pretend using your magiv na natutunan nyo kay Olivia. Olivia, go on, give them the stones."dagdag pa ni Mr. Manalansan. 

Peculiar: World Of Graces |ONGOING|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon