Chapter 41: The War

10 3 1
                                    

Zack's Point Of View

"Pasensya na kayong tatlo. Naipit pa kayo sa gitna ng digmaan. Stay inside tha academy and please stay safe." wika ni Mr. Marquis sa amin habang nakatingin sa labas ng bintana ng opisina niya. 

Kinaumagahan ng pagpunta namin sa dorm ni Samara ay kaagad kaming ipinatawag ni Mr. Marquis sa opisina niya. Sinabi niya sa amin ang lahat ng detalye sa magaganap na digmaan. Mula sa pagtatakwil ng Reim Empire sa Kambala Academy pati na rin sa nangyari kay Tyler. 

Sinabi rin sa amin ni Mr. Marquis na mula nang may mangyari kay Tyler ay hindi pa ito pumapasok sa mga klase nito at nanatili na lang ito sa bahay na ibinigay ni Mr. Marquis kasama si Julius. Noon oras na iyon ay sinubukan namin na tawagan siya pero hindi niya sinasagot ang cellphone niya. 

"No Mr. Marquis, we won't just stand by and watch. We'll participate in the war." tumayo si Tyke at hinarap si Mr. Marquis.

"I want you to decide on this matter. Kayong tatlo mismo, pero kung ako ang tatanungin mas nararapat pa na umalis na kayo, ayaw ko kayong maipit sa pagitan ng Kambala at Kou Empire." pahayag pa ni Mr. Marquis habang hindi inaalis ang tingin sa labas ng opisina niya. 

"If we are to decide, we'll join the war. " tumayo ako at nilapitan si Mr. Marquis. "We have a lot of choices yet we choose to join the war. I also need a word with Zachariaz. We need to end this war no matter what." dahil sa narinig ni Mr. Marquis ay nilingon niya at kalmadong nagtanong. 

"Just who are you Zack?" dahil sa narinig na tanong ni Tyke ay niyaya niya akong lumabas na pero sa halip ay muling hinarap si Mr. Marquis at nagwika. 

"Soon you'll find out. " tugon ko sa kanya saka lumabas ng opisina niya. 

Tinungo naming tatlo ang dorm at nagbihis ng magician clothing. Nagsuot lang ako ng magician robe at isang wizard hat, kinuha ko ang staff ko at lumabas na ng dorm habang hinihintay ang dalawa. 

Nang lumabas si Tyke ay bihis na ito, He wears a long robe with thin silk inside that crosses over his body with a rope around his waist. Colt, on the other hand, wears a long, white off-the-shoulder tunic, even under his academy robes, the collar of which is decorated with golden eyes, as well as triangular gold earrings, a gold headband, and the gladiator-style sandals. 

Wala kaming imik habang naglalakad papalabas ng academy. Hindi na rin muna namin ipinaalam kay Mr. Manalansan at sa ibang tao sa Peculiar Grace Academy na sasama kami sa magaganap na digmaan. Sa halip ay nagmessage kami na mananatili na lang kami sa dorm at saka na lang lalaban kung talagang kinakailangan. 

"Hey, Zack. You're going to unleash your full power now right?" seryosong tanong ni Colt habang patuloy sa paglalakad. 

"When it comes down to it, wala na akong magagawa. Pero sa ngayon, hanggang sa hindi pa kailangan, hindi muna. "  sagot ko naman, habang si Tyke ay sinenyasan ang guard sa gate ng academy. Papunta kami ngayon sa bahay nina Tyler para sunduin siya.

"It's the same for us. Hindi muna kami aakto kung hindi pa kailangan." wika ni Tyke nang makalabas kami sa academy. 

"I have only one purpose for my existence. I need to prevent this world from ending." I said with a straight face, unti-unti na naming natatanaw ang ang bahay ni Tyler. 

Nang makarating kami doon ay sinalubong kami ni Julius. 

"Julius, where's Tyler?" tanong ni Colt sa bata. 

"He's upstairs Kuya Colt, nagbibihis pa po ata si Kuya Tyler. " dahil sa narinig ay ilang minuto pa kamig naghintay bago natanaw si Tyler na naglalakad pababa sa hagdanan. 

Peculiar: World Of Graces |ONGOING|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon