Chapter 6: The Awakening

82 42 6
                                    


Zack's Point Of View

"Firefly Spark!"

"Stitching Vines!"

"Frozen Crystal!"

"Flame and Water Yin Yang!"

Hindi ko na mabilang kung ilang beses nagsabi ng kanya kanyang magic spells ang mga kasama ko, di ko na din mabilang ang mga shards, energy balls at mga weapon na pinakawalan ng mga kasamahan ko. Samantalang ako, nasa likod lang nila, walang magawa.

Palipat lipat ang tingin ko, Colt, Flora, Loi, Tyke. Colt, Flora, Loi, Tyke. 

Agad kong napansin ang kakaibang trait ng mga bush creep. They were in rows and colums. Nalaman ko din according sa identifier na may kakayahang i-heal ng mga bush creep ang kapwa ngunit hindi ang sarili nito. At iyon nga ang napansin niya.

Ang mga bush creep ay lumalaban base sa row at column nila, ang mga bush creep na hindi nasasaktan ay nananatili sa column nila habang ang ibang nasugatan ay mabilis na gumagalaw patungo sa ibang bush creep sa dulong colum para ma-heal. 

Tiyak ko na hindi ito agad napansin ng apat dahil tutok ang atensyon ng mga ito sa pagtalo sa halos walang katapusang puwersa ng mga bush creep. Patuloy lang sila sa paggamit ng mga grace nila . At dun ko lang napansin kung gaano katalino ang mga bush creep. 

Paunti-unting nauubos ang mga bush creep, pero alam ko na bago pa nila tuluyang maubos ang mga ito ay tiyak na ubos na din ang magoi ng mga kasama ko. Sinubukan ko silang balaan pero hindi sila nakinig at sinabing huwag ko silang abalahin. Puwes, ako ang gagawa ng paraan, pero paano?

Nagpatuloy ako sa pag-oobserba ramdam ko ang pagkapagod at pressure sa mga kasama ko, at tama ang hinala ko. Matalino ang mga bush creep at ito nga ang ginamit nilang strategy. Unti unti nang nauubos ang magoi ng mga kasama ko. 

Agad na nagbago ang formation ng mga bush creep, dumoble sila bawat isang column, ito ang paraan nila upang mas pahirapan ang apat. At dumating ang oras na kinakatakutan ko.

Their magoi was depleted.

Ang dating formation ng mga bush creep ay nabago at naging isang malaking bilog na pinapalibutan ang mga kasama ko. Kailangan ko nang kumilos. If I dont act now, we're toast.


Tyke's Point Of View

Hindi maubos ubos ang mga bush creep sa harapan namin. Ramdam ko na ang panghihina ng katawan ko dahil sa unti unting pagkaubos ng magoi sa katawan ko. Unti unti nang nagdidilim ang paningin ko. I need to find my source of magoi, kailangan ko ng lawa o kaya ay apoy, pero, nasa gubat kami.

' Nalintikan na.' naibulong ko na lang sa sarili ko

Gamit ang natitirang magoi sa katawan ko, tumalon ako ng pagkataas-taas at itinutok sa mga bush creep ang palad ko para magpakawala ng flame at water magic ng sabay. Alam kong nakatingin silang apat sakin pero wala na akong pakialam, ako ang kapitan ng team na ito, gagawa ako ng paraan para makaligtas, hindi man ako pero mga kasama ko.

Naramdaman ko na ang kakaibang pakiramdam ng malakas na mahika na gustong kumawala sa mga palad ko, pero iba ito ngayon. Instead of the tingling sensation it used to give me, I felt like a hundred - no maybe thousands of needles are trying to pierce through my palms. Gamit ang natitirang lakas ko buong lakas kong isinigaw ang spell na gagamitin ko.

"Flame and Water Yi-"

Then what happened next was unexpected. Zack from the tree he was staying, jumped higher than me, towards my direction. Sa oras na iyon, ibang iba si Zack, I can sense the strong magoi inside him. And his eyes, his eyes were determined. Gone with his shining brown eyes, his eyes were purple. Nang makapunta siya sa tamang posisyon agad niyang isinigaw ang spell. And I was shocked when I felt his strong magoi.

"Death Magic, Dark Inferno!!!"

Saktong pagbagsak ko sa lupa ay ang pagtama sa isang bush creep ng itim na apoy na nanggaling kay Zack. And thats not all. Ang apoy na tumama sa isang bush creep ay kaagad na tumalbog at tumama pa sa dalawa pang bush creep at ganoon din ang nangyari sa dalawang bush creep na tinamaan niyon. It was like a scene from a dream, the black flame came rushing in through every bush creep, making a quick inferno.

Napatingin ako kay Zack, he remained in mid-air, he floated with that high gravity magic degree kahit na hindi naman ito ang main element ni, Zack. And though unexpected, lumingon sa direksyon nila si Zack, still with the deep purple eyes, he smirked.

Matapos mawala ang mga bush creep ay agad ding nahulog si Zack from mid-air. He was pale, nawalan siya ng malay.

Colt's Point Of View 

Zack passed out, it has been hours since we fought the bush creeps pero wala pa ding malay si Zack. Para hindi kaming mahirapang buhatin siya, naghanap kami ng ilog sa gubat para makakuha si Tyke ng tamang dami ng magoi na kailangan niya. Matapos maibalik ang magoi niya ay ginamit ni Tyke ang grace niya upang lumikha ng stretcher mula sa tubig.

"I can't believe that Zack did all that " basag ni Flora sa naghaharing katahimikan.

"What would you expect? He has the Mythical Grace, duh." sabad agad ni Loi kay Flora.

"Sige Eloisa, artehan mo ako, hindi ka kakain ng mga prutas ko" 

"Ito naman binibiro lang eh."

Hindi ko na lang maiwasang matawa sa dalawang iyon. When we were still in junior high, we were classmates in the A Section, we were 4th Kodors back then, hindi pa lubos kilala ang isa't isa. Madalas itong magsagutan noon sa classroom nila dahil laging magkataliwas ang opinyon at desisyon ng dalawang ito.

May panahon pa kung saan napatawag sa guidance office ang mga ito dahil sa paggamit ng grace sa loob ng classroom at hindi sa tamang facility. Nag away ang mga ito dahil sa hindi sumangayon si Eloisa sa opinyon ni Flora patungkol sa musical play nila.

Napakatagal na panahon na noon, matatawag na mortal enemies ang dalawang ito but now, the both of them was the best of friends.

Natigil na lang ang pagmumuni muni ko at ang paglalakiad naming lahat  nang umimik na naman si Loi.

"Zack...gising ka na pala."





Peculiar: World Of Graces |ONGOING|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon