Zack's Point Of View
Hindi kami nagsayang ng panahon at kaagad na tumalon sa napakalaking butas. Ako ang nasa hulihan namin habang patuloy kami sa paghulog sa tila ba walang katapusang butas. Sa una ay ginamit ko ang aking wind magic para mas mabilis naming maabot si Julius na nakapikit lamang habang hinihintay ang mga susunod na mangyayari. Ikinumpas ko ang hawak ko na staff at may malakas na hangin na umihip sa likuran ni Tyler. Dahilan para maging mas mabilis niyang maabot si Julius. Ilang segundo lamang ang nakalipas ay tuluyan na niya itong naabot, niyakap niya ito at ginamit ko naman ang wind magic ko muli para makalabas kami sa butas.
Habang dahan dahan kaming umaangat ay muli namang inayos ni Tyler ang light sphere barrier na inilagay niya noon kay Julius para hindi ito mawalan ng magoi. "You're safe now, Julius." nakangiting wika ni Tyler na alam kong nagpagaan sa loob ng bata. Nang tuluyan kaming naka-angat sa butas ay kaagad kaming pumunta sa dulo ng linyang ginawa ng mga residente ng 5th Authorization District. Nang makalapag naman kami ay kaagad na nagwika ang isa sa mga kasama ni Lark.
"Based on those staff, I suspect that they are the exchange students from Peculiar Grace Academy. And that guy who creted the sphere barrier is the transfer student from Kou Empire." wika nito.
"Kung ganon... Anong ginagawa nila dito?! " mababakas ang inis at pagkalito sa boses ni Lark.
Si Tyler naman ay tumayo at humarap kay Lark. Nahawi naman ang iilang residente na nasa pagitan ng dalawa. Itinaas ni Tyler ang staff niya, at maya maya pa ay may narinig kaming pagsabog. Kumalat ang usok sa paligid at nang mawala ito ay nakita namin ang isang lagusan. Don't tell me he created a path that leads above this horrible place?!
"Tyler, anong ginagawa mo?!" bulyaw ni Tyke kay Tyler.
"I just opened a path that leads above ground." kalmado ang boses nito na nagwika.
"Anyone who manages to defy Mr. Marquis magoi consumption source, All of you are condemned to death!" sigaw naman ni Lark na inihampas ang latigo nito sa lupa. Kaagad namang nagsilitawan ang napakaraming ugat sa lupa , nagsamasama ito at sa huli ay naging isang malaking uri ng halaman na kawangis ng isang venus fly trap. Napakabilis ng galaw nito na nagtungo sa direksyon ni Tyler.
"Scorching Heat Palms!" sigaw ni Tyler kasabay ng rumaragasang flame thrower papunta sa direksyon ng halaman. Akala ko ay matatapos iyon ni Tyler pero tila wala iyong nagawa dito.
Aatake ang higanteng halaman, at napakabilis ng galaw niyon. Balak nitong kainin ng buhay si Tyler, sa palagay ko. Wala nang ganoong oras para umilag si Tyler kaya sa halip ay sinubukan niyang gumawa ng borg. Pero napakabilis ng mga pangyayari, bago pa mabuo ang borg ay nasa bunganga na si Tyler ng higanteng halaman. Kaagad na bumaon ang higante ring tinik sa katawan ni Tyler. Maya maya pa ay agad siyang ihinagis nito papunta sa direksyon ko."Not enough magoi..." narinig kong bulong ni Tyler.
Kaagad naman akong gumawa ng borg at tinawag si Colt. He specializes on Healing Magic kaya naman mas maigi na kung siya ang kasama ni Tyler. Naintindihan naman agad niya ang balak kong iparating at kaagad na ginamit ang healing magic niya.
Nilingon ako ni Lark na mababakas sa mukha ang inis, muli nitong inihampas sa lupa ang latigo at kaagad na lumabas sa lupa ang napakaraming ugat, isa isa naman nitong inihuhulog sa butas ang mga residente.
Hindi naman ako nagaksaya ng panahon at gumamit ng Space and Time Magic. "Big Dipper Transfer Circle!" sigaw ko sa magic spell at kaagad namang lumabas ang isang malaking portal na kahugis ng constellation na big dipper, kaagad naman akong pumasok roon at lumabas sa loob ng butas. Mabilis na nahuhulog ang mga residente, hindi ko sinayang ang pagkakataon at gumamit ng gravity magic para pigilan ang pagpatak nila. Matapos iyon ay ginamit ko ang parehong wind magic para makalabas ang mga residente sa butas. Sumunod naman ako sa paglabas.
BINABASA MO ANG
Peculiar: World Of Graces |ONGOING|
FanfictionDispersed around the world, there are bizarre people who can control and manipulate magic in itself. These mysterious gifts, known as "Grace," are said to be the gift of life. These gifted people are magical beings that immense great power and skill...