Chapter 35: Darkness

16 12 0
                                    

Zack's Point Of View

Three days had passed mula nang makalabas ako sa infirmary. Noong gabing iyon Colt told me that I suddenly passed out. Sinabi ko naman sa kanila ang naaalala ko bago ako panawan ng ulirat. Nagsunod-sunod ang pagrehistro ng mga bagay bagay sa loob ng ulo ko matapos kong makita si Tyler na umiiyak sa harapan ni, Mr. Marquis. 

Ngayon lang din ako babalik sa regular classes mula noong madamage ko ang dormitory na inilaan para sa amin. Sinabi sa akin ni Tyke na humingi na siya ng tawad kay Mr. Marquis and the director offered a new dormitory himself. 

Sa tatlong araw na nagdaan ay hindi rin pumasok ang dalawa sa klase namin at hindi rin sila nag-training para lang bantayan ako. Both of them told me that I might go rampage again kaya humingi sila ng permiso sa director na babantayan muna ako hanggang sa maging mabauti na ang pakiramdam ko. 

Sa tatlong araw na pananatili namin sa dorm ay walang ginawa ang dalawa maliban na lang sa pag-sasanay ng magoi manipulation technique nila. Habang ako naman ay pabalik-balik sa harapan ng salamin, hinihintay ang pagbalik ng dating hitsura ng mata ko. Pero kahit ilang uli ang gawin ko ay hindi talaga iyon bumalik sa dating anyo niyon. Nanatiling ganoon ang kulay ng pupil ng mata ko. 

Despite the change in my eye, I never went rampage again kahit na paminsanminsan ay sumasagi sa isipan ko ang ilang mga bagay na nagmula sa rukh ni Zachariaz. Kabilang na dito ang komplikadong mga magic spells na madalas ay nagfla-flash sa isipan ko. 

"Zack! We're going now! Bilisan mo." narinig ko ang boses ni Tyke na nagmula sa labas ng dorm. Naka-upo naman ako sa couch habang isinusuot ang black shoes ko. 

"Coming!" sigaw ko habang nagmamadaling lumabas sa pintuan. Naabutan ko si Colt na nakatayo sa likuran ni Tyke na nakatingin sa cellphone habang may nakasalpak na easphones sa tenga niya. Si Tyke naman ay kaagad naglakad at sinundan namin siya ni Colt.

"Zack, how are you feeling?" tanong ni Colt nang naglalakad kami, tinanggal pa niya ang earphones sa kaliwang tainga at liningon ako. 

"Mas maayos na kung ikukumpara noong mga nagdaang araw. Sorry if I troubled you that much." alanganin akong ngumiti at bigla namang pumunta sa likuran ko si Tyke. Hindi naman ako lumingon at sa halip ay nagpatuloy sa paglalakad. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong batukan. 

"Hey! What was that for?" singhal ko sa kanya. 

"Why are you even apologizing?" kunot noo pa din siyang nakatingin sa akin at nangingilabot ako sa tingin niya. That look was his look when I first arrived at Peculiar Grace Academy!

"Because I was trouble?" sa pangalawang pagkakataon ay binatukan na naman nya ako. 

"Do you know why we even excused ourselves in the classes?" tanong niya sa akin habang hindi pa rin inaalis ang malamig na tingin sa akin. Nagkibit balikat naman ako. 

Muli ay binatukan niya uli ako saka nagsimulang maglakad palayo. Narinig ko naman siyang nagsalita habang naglalakad. "It's because you're my friend, baka." Tinabihan naman ako ni Colt sa paglalakad. 

"When did he learn to speak Japanese?" wika ni Colt habang naglalakas kami. Napahawak naman ako sa batok ko at nagpatuloy sa paglalakad. 

Nang makarating kami sa classroom ay naabutan na naming nakaupo si Tyke sa upuan niya at nagbabasa ng notes sa notebook niya. Kaagad na din naman kamig naupo sa kanya-kanya naming puwesto. Hindi naman nagtagal ay dumating na agad si Ms. Loreley.

For the first period ay nagkaroon kami ng pop quiz about magoi manipulation technique and properties of the rukh. Nalaman ko sa isang kaklase ko na itinuro iyon ni Ms. Loreley noong nagdaang tatlong araw na wala kami. Dahil doon ay wala kaming choice kung hindi ang mag-take ng quiz ng walang ibang dala kung hindi ang stock knowledge namin. 

Peculiar: World Of Graces |ONGOING|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon