Colt's Point Of View
"Ibig mo bang sabihin na, isasasama natin siya sa taas?" kunot noo kong tanong kay Tyler.
"Yes."
"Imposible yan, he has parents or at least guardian. Hindi natin siya pwedeng basta basta dalahin sa itaas." pagproprotesta naman ni Zack.
"Hindi kami tumututol pero, hindi oa ito ang tamang oras para gawin yan." segunda pa ni Tyke sa mga sinabi namin.
"Kahit na, he will have a hard time dito, mas mahihirapan lang siya." sabi pa ni Tyler na agad, binuhat ang bata. Sinundan naman namin siya.
Nakalabas na siya ng bahay ng matanda at buhat-buhat pa rin si Julius. Patuloy naman kami sa pagpigil sa kanya pero ayaw nitong magpaawat sa amin. We were still arguing nang biglang nagwika si Zack.
"Guys, yung lagusan, I saw severla shadows, papunta sila dito." medyo mahina ang pagkakasabi ni Zack pero ramdam ko ang tensiyon sa pagsasabi niya niyon. We might get caught.
"What the?! For real?!" Tyler was slightly panicking. He was really dedicated to save Julius from this place.
"They're here for the daily headcount. Lark and his men." sabi ng matanda na naglalakad papunta sa amin.
"Tyler, hand Julius over muna. We'll find a way sooner or later, let's hide first." sabi ni Zack kay Tyler. Wala namang nagawa si Tyler kung hindi ang bitawan si Julius at ibigay sa matandang lalaki.
Nang mapansin ng ibang citizens ng 5th Level Authorization District ang lalaking magician na lumabas sa lagusan ay agad silang nagsitayuan at naglakad papunta sa direksyon nito. Sinundan naman namin ang mga ito at napagdesisyunang magtago sa tabihan ng isang sari-sari store.
Nang makababa ang lalaking magician ay nakumpirma namin na ito ay isa sa first class magician ng Kambala Academy. Lark, he specialises in nature magic. Kapatid siya ni Ms. Loreley at tinuturuan niya ang fourth years sa academy. Bukod pa sa kanya ay mayroon pa siyang kasamang limang non-teaching personnel ng academy, all five of them were second class magicians. Si Lark naman ay hawak na isa ring latigo, na gawa sa baging na mayroong malalaking tinik. Inihampas niya ito sa lupa at kaagad naman na nagsilapitan ang residente sa harapan niya.
Pumila ang mga residente, napakahaba ng pila. Matandang lalaki, matandang babae, mga bata at mga teenager, magkakahiwalay ang pila nila. Muli namang inihampas ni Lark ang latigong hawak nito sa lupa at bigla na lamang nagkaroong ng isang napakalaking hukay sa tabihan ng mga nasa dulong row ng pila. Agad naman silang lumayo roon.
Sa palagay namin ay nasa dalawampung metro ang laki ng butas. Ginamit ng isa sa mga kasama ni Lark ang grace nito para gawing yelo ang paligid ng butas. Hinawakan niya ang bunganga ng butas at ito naman ay dahan-dahang nagyelo. What is that hole for?
"5th Level Authorization District. North District, buhay pa ba kayo?" sigaw ni Lark saka muling inihampas ang latigo sa lupa.
"Tumayo kayo ng maayos!" sigaw pa nito na inihampas na naman ang hawak na latigo sa lupa.
Umalis ang tatlo sa mga kasama nitong second class magician para maglibot. Hawak nila ang mga staff nila at mayroong pure magoi sa dulo nito. Handang pasabugin ano mang oras na mayroong magrebelde. Habang naglilibot naman sila ay kaagad na nagwika si Lark.
"Salamat naman dahil mas maayos ang nagiging takbo ng magic tools sa ibabaw kung ikukumpara sa nangyari kahapon. Dahil na din sa mas pinataas namin ng 3% ang magoi collection rate, malakas ang kutob namin na, may ilan dito na naghihingalo na." sabi pa ni Lark na muli na naman ay inihampas na naman ang hawak na latigo sa lupa. Maya-maya pa ay nagwika ang isa sa tatlong secon class magicians na naglibot.
"Nandito sila lahat, wala ring namatay." sabi nito.
"May mga may sakit ba?" tanong pa ni Lark. Dahil sa narinig ay nagkatinginan kaming apat. Binalingan ko ng tingin si Julius at hawak naman ito ng matandang lalaki. Nakatayo ito, pero pansin ko na nanghihina na si Julius at hinihigpitan na lamang ng matanda ang pagkakakahawak niya dito para hindi ito matumba. Nang tingnan ko Si Tyler ay nakayukom ang mga kamay nito.
"None, Lark." sagot ng second class magician kay Lark. Napabuntonhg hininga naman kaming apat. We all sighed in relief.
Naglalakad na si Lark paalis, na sinundan naman ng lima pang second class magicians. Hindi pa sila nakakalayo namang bigla na lamang natumba si Julius.
"What the?!" narinig kong bumulong sa likuran ko si Tyke.
"Shit. Alam ko na hindi pa siya naheheal ng tuluyan." nasabi ko na lamang sa kanila.
Agad na napalingon si Lark dahil sa narinig. Agad namang lumapit ang second class magician na kausap ni Lark kanina kay Julius. Hinawakan nito ang noo ng bata saka nagsabi, "Lark, one, slated for disposal. "
"Do it." nakangising sagot ni Lark.
"T-teka lang, walang kasalanan ang bata! Please spare him!" sagot ng matandang lalaki kay Lark. Pilit na nagmamakaaawa. Muli ay ngumisi si Lark at mulig umimik.
"Kasalanan?" tanong nito.
Muli ay bumaling ang tingin ko kay Tyler. He was the far most concerned for Julius. Tahimik lamang si Tyler na nakikinig. Mahigpit ang hawak sa staff at nagngingitngit ang ngipin sa galit.
Ang isa naman sa second class magician na kasama ni Lark ay buhat-buhat si Julius. Nasa harapan sila ng butas na nilikha ni Lark kanina. Don't tell me, they are going to throw Julius in that huge hole!?
"Please, maawa kayo sa bata. Wala siyang kasalanan!Ayos lang sa akin kung ako na lang. We were tossed right down here dahil sa mga kasalanan namin pero walang kinalaman doon ang bata." lumuhod ang matanda sa harapan ni Lark habang patuloy pa rin sa pagmamakaawa.
"Walang kasalanan si Julius na dito isilang. Isa lang siyang kaawaawang bata na walang ibang hiniling kung hindi ang makita ang mundo sa itaas. Kaawaan niy po siya. Please." halos halikan na ng matanda ang paa ni Lark sa pagmamakaawa dito.
"I see, but first, you all need to know one thing. You're all livestock that's function is to produce magoi!" hinawakan nito ang braso ni Julius at agad hinagis sa malaking butas.
"Kung sino man na hindi kayang gawin yon, wala nang halaga sa amin."
Hindi ko alam kung ano ang nangyari o ano ang ginagawa namin pero kusa na lang gumalaw ang paa namin para tumalon sa butas at iligtas si Julius.
Author's Note
Hey readers! We're almost halfway sa adventure ni Zack! This one is short but you can comment your feedback! Nasa kalahati na tayo ng paglalakbay ni Zack at ng mga kaibigan niya! I'm hoping for support until this story ends!
Don't forget to vote, comment and share!
You can follow me at my other social media accounts kung gusto mo:
Twitter - @shvtter1
Facebook - Mark Eds
Pinterest - Eds Flores
BINABASA MO ANG
Peculiar: World Of Graces |ONGOING|
FanfictionDispersed around the world, there are bizarre people who can control and manipulate magic in itself. These mysterious gifts, known as "Grace," are said to be the gift of life. These gifted people are magical beings that immense great power and skill...