Chapter 28: History

23 16 0
                                    

Zack's Point Of View

Our conversation with Mr. Marquis went well, well not that well since we almost ended up fighting when he mentioned Ms. Olivia as one of his most remarkable students. But in the end, we got to know each other. Our ties with Mr. Marquis - the school director and the brains behind Kambala Academy - was now stronger. 

Now, pinatawag lahat ng third year students. I heard that this session was special. May bali balitang si Mr. Marquis raw mismo ang magtuturo sa amin, na hindi naman imposibleng mangyari. We were all in the great lecturehall, maraming estudyante na nandirito, karamihan ay third years at mayroon ding ibang year level na interesadong makinig. 

Last night bago ako matulog ay may nabasa akong message galing kay Tyler. Sinabi niya na ipag-tira ko siya ng upuan sa tabihan namin. It didn't make sense last night but now it became clear to me. I remembered what Mr. Marquis told us last night.

"All four of you. If you would like to know more about this place. Then go to the Great Lecture Hall tomorrow at third period. You'll find your precious time well spent. "

"Are you three all right? Ayos lang kayo?" wika sa amin ni Tyler na ngayon lang dumating sa Great Lecture Hall. We are sitting on the first row, to get a better view of the discussion.

"Yeah, the healer magicians healed us non-stop kahit na mga gasgas lang naman ang nakuha namin. " sabi ni Tyke na nagpangiti naman kay Tyler.

Umupo muna si Tyler sa aisle seat, saka nagwika. "I don't know if this is true but, someone said that from now on, we can enter and leave the 5th Level Authorization District as we please."

"I guess after we gave a fuss, napuno na si Mr. Marquis at pinayagan na lang tayo." sarkastikong sabi naman ni Colt.

"Lalo na kay Tyler, he insisted that he would go again and see Julius."dagdag pa ni Colt. He was about to say more pero dumating na si Mr. Marquis kasama si Ms. Loreley na may dalang isang kopita.

"Good morning students." pagbati sa amin ni Mr. Marquis. Bilang paggalang ay tumayo kami at bumati rin sa kanya. He gave us permission para maupo at nang nakaupo na kaming lahat ay kinuha niya ang kopita sa kamay ni Ms. Loreley.

Ipinakita niya ito sa amin. Maya-maya pa ay may kinuha siya sa likuran niya, isang maliit na pocket knife. Itinapat niya ang blade noon sa kanyang braso, binigla niya ito dahilan para lumikha ito ng mababaw na laceration sa braso niya. Mayroon namang sariwang dugo na tumulo sa braso niya. May ilang estudyante na bumaling ng tingin, tila gulat na gulat sa nakita pero kaming apat ay diretsong nakatingin at nagaabang ng susunod na mga pangyayari. 

Kinolekta niya ang dugo niya sa kopita, may ilang minuto niyang hinintay ang napakabagal na pagtulo ng dugo sa braso niya papunta sa kopita. Nang maampat ang pagdurugo ay inabutan siya ni Ms. Loreley ng tissue para punasan ang natirang dugo sa paligid ng sugat. Nang mapunasan iyon ni Mr. Marquis ay iniharap niya ang braso niya kay Ms. Loreley, ginamit naman ni Ms. Loreley ang healing magic niya para kaagad na gumaling ang sugat. May halos dalawang minuto bago tuluyang mawala ang bakas ng laceration sa braso ni Mr. Marquis. Ibinaba naman niya sa lamesa sa unahan ang kopita. He was about to start the lectern.

"Young magicians, sigurado ba kayong kilala niyo na nang maigi ang mga sarili ninyo?" dahil sa narinig ng ibang pang mga estduyante ay mababakas sa kanila ang pagkabigla. Nagpatuloy naman sa pagsasalita si Mr. Marquis.

"Ang mga kapamilya at kaibigan niyo na mahal na mahal ninyo. Ang mga best friend niyo na nakasama niyo na sa tamis at pait ng buhay. Pero minsan ba sumagi sa isipan niyo na ang sarili ninyo ay ibang iba sa ibang tao? Ibang iba kayo sa mga mahal niyo sa buhay. Ngayon, ano sa tingin niyo ang dahilan kung bakit isinilang tayo sa mundong ito na ibang iba sa kanila? Why does magicians like us exists in this world? For what purpose? Ni minsan ba ay sumagi sa isip niyo ang bagay na iyan?" tanong ni Mr. Marquis na mas nagpagulo sa magulo ko nang isipan. What does he mean? Makikita sa mukha ng mga estudyante na nasa loob ng great lecture hall ang pagkalito.

Peculiar: World Of Graces |ONGOING|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon