Chapter 40: Spy Stories

7 6 2
                                    

Zack's Point Of View

"Zack?! W-why are you here?" gilalas si Samara na mababakas ang labis na pagkagulat sa mukha niya. Kahit na tanging ang liwanag na nagmumula sa buwan lang ang tanging tanglaw namin ay hindi nanlalabo sa isipan ko ang araw na pinagsamahan namin. 

"Samara? Hindi pa dapat ako ang magtatanong sayo niyan? You're supposed to be at Peculiar Grace Academy, why are you here? Alam mo bang napakalayo nito mula don?" hindi ko mapigilang mapakamot sa batok ko. 

"It's such a long story. Come to my dorm tomorrow night I'll explain everything. Ang dami kong tanong na gusto kong sagutin mo. I'll better get going now, nagmamadali kasi ako." wala akong nasabi ni isang kataga, nanatili lang akong nakatulala habang pinagmasdang lamunin ng kadiliman si Samara. 

What was that just now?

Wala sa sarili akong bumalik sa dorm. Kumain ng hapunan saka ikinuwento sa dalawa ang  nangyari sa labas ng dorm. 

"Wait, seryoso?" kunot-noong tanong sa akin ni Colt. 

"Oo, she was carrying a luggage and a hand carry bag. Nagmamadali din siya." dagdag ko naman sa pagpapaliwanag ko sa dalawa. 

"Well, that doesn't make sense." tugon naman ni Colt.

"No, Colt, think back. She was a transferee from the Reim Empire. Kambala Academy here is a part of the Reim Empire. I told you to spy on Zack and Samara when she arrived at the academy-"

"Wait, you spied on us!?" singhal ko kay Tyke. I can't believe he ordered Colt to spy on us!

"Yes, don't be mad, it's just a safety precaution." kalmadong tugon naman sa akin ni Tyke na itinaas pa ang paa sa lamesang nasa harapan ng couch na inuupuan namin. 

"What do you mean 'safety precaution'?" nagtatakang tanong ko kay Tyke habang hindi siya hinaharap.

"She may be a spy that this academy sent to spy on us. No, not 'may be', the thing that happened earlier, that's a no-doubter, she is a spy." kalmado pa rin ang tono ng boses ni Tyke na nakayuko lang. Miski si Colt at hindi mataliwas ang mga deduction ni Tyke. 

"How could you even say that with a straight face?!" galit an bulyaw ko sa kanya, tumayo ako at hinarap siya pero hinawakan ni Colt ang laylayan ng damit ko. We were sitting on the couch at pinaggigitnaan namin siya ni Tyke. 

Is he telling me to stop? There's no way I'll stop. Hindi tamang basta-basta na lang siyang magbibintang. 

"Paano mo naman nasasabi yang mga bagay na yan? It's not like you've experienced it. Kung spy man siya, she probably has a reason, she faced a life and death situation in the academy! Don't you understand it!" sa pangangaral ko kay Tyke ay nanatiling nakakapit sa laylayan ng damit ko si Colt habang nakayuko ang ulo. Naramdaman kong mas humigpit ang hawak niya sa laylayan ng damit ko, saka nagwika sa mababang tono ng boses.

"Z-zack, enough already..." 

"No Colt, Tyke doesn't understand! " bulyaw ko pa, I was being swallowed whole by my emotions, but why?

"Zack, I dont understand huh?-" mula sa pagkakatungo ay tumunghay si Tyke na medyo nakatabingi ang ulo ayt diretso ang tingin sa akin, napansin ko namang mas humigpit pa ang kapit ni Colt sa laylayan ng damit ko habang nanatili siyang nakatungo. Napaatras naman ako at hindi matagalan ang mga titig sa akin ni Tyke. His voice is so calm yet cold, if those gazes were daggers, matagal an siguro akong patay. "Do you think I don't understand Zack?" mula sa pagkakaupo ay tumayo ito at hinubad ang suot na damit. KInuha niya ang staff niya at inihampas ang dulo noon sa sahig. 

Peculiar: World Of Graces |ONGOING|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon