Eloisa's Point Of View
Labis ang pag-aalala namin kay Zack nang marinig ko ang usapan ni Mr. Manalansan at ni Ms. Olivia. Kaagad akong bumalik sa training facility noon at sinabi kay Flora ang narinig ko. Hindi kami mapakali nang sandaling iyon. Dumating din kaagad noon si Ms. Olivia at sinimulan ang training namin pero wala kaming dalawa ni Flora sa wisyo dahil sa narinig ko.
Dahil doon ay hindi na namin nagawang makapag-concentrate na miski ang simpleng magi-infuse ng magoi sa mga staff namin ay hindi namin magawa. Napansin naman agad iyon ni Ms. Olivia at iniba ang training regimen namin. Mula sa magoi manipulation ay napunta naman kami sa Grace enhancements. Both of us undergo rigorous training to surpass our grace's limits.
Kinahapunan ay nakita namin si Terrence at ang dalawa pang kasama nito bilang exchange students sa cafeteria. We had a small chit chat but our attention's all diverted into Zack. Mula kasi noong umaga ay hindi na maalis sa isipan ko ang pag-aalala kay Zack at sa dalawa pa. What if madiscover na hindi sila graceless?
KInagabihan naman bago kami matulog ni Flora, bandang alas diyes ay nagsend sa akin ng message sa akin si Tyke thru messenger about Zack. He told us about his sudden rampage and about what happened on the infirmary a moment earlier. Nagulat naman kaming dalawa sa narinig mula kay Tyke. Sinabi din niya sa amin na bigla na lang nag-iba ang kulay ng mata ni Zack. And no doubt that it was like Zachariaz. Malinaw pa sa ala-ala ko ang imahe ni Zachariaz noong piang-usapan namin sa opisina ni Mr. Manalansan si Zack. When Ms. Olivia showed us Zachariaz's hologram, I can remember that his left eye was purple while the right one was yellow.
Everything was like a puzzle but the day after that, Ms. Olivia explained everything to us right away. He told us that Zack has finally awoken thanks to Mr. Zachariaz's rukh. Nagising ang tunay na kapangyarihan ng isang mythical grace owner sa kaibuturan ni Zack, pero wrong timing nga lang dahil nasa loob pa sila ng Kambala Academy.
Kaya naman kung ngayon lang nagising ang tunay na kapangyarihan ni Zack? Anong paliwanag ang mayroon sa nangyari sa laban namin sa Kou Empire studs noong nagkaharap kami sa misyon naming kuhanin ang Sensus Crystals? Ms. Olivia told us that that was just a simple spells that he used. She told us that if the best magicians are troubled to give more than thousands of commands to the rukh, Zack - a mythical grace owner - can easily command the rukh exceeding a billion! That's how strong Zack is!
Dahil sa paliwanag na nakuha namin mula kay Ms. Olivia ay naging kampante na kaming dalawa ni Flora sa mga sumunod pa na araw. Nakatanggap pa ako ng message mula kay Colt na naging mas maayos an ang lagay ni Zack ay ngayon ay nagpapagaling na lang sa bagong issue ng dorm nila . Bawat araw ay nag-uusap kami through messenger at sinasabi naman nila sa akin ang improvement ni Zack. Nang matapos ang ikatlong araw nila sa pagbabantay kay Zack ay pinili na nilang muling bumalik sa regular classes at training.
"Loi, samahan mo naman ako sa cafeteria." lumingon ako at hinanap kung saan nagmula ang pamilyar na boses na narinig ko. Iniikot ko ang paningin ko at nakita si Terrence na papalapit sa direksyon ko.
"Sure. Wala rin akong kasama, nagpapahinga si Flora sa dorm namin. She's not feeling well." It was our breaktime at mag-isa akong naglalakad sa hallway ng third floor. Terrence approaced me mula sa likuran ko na napakadaming estudyante. It has been weeks mula nang nasanay ako sa presensya ni Terrence, madalas kaming magkasama tuwing hindi niya kasama ang dalawa pa niyang kaibigan mula sa Kambala Academy.
Naglakad kami ng halos limang minuto papunta sa cafeteria dahil may kalayuan ito mula sa classroom ko. Nang makarating kami doon ay medyo masikip pa ang loob niyon dahil sa dami ng tao.
"Hintayin mo na lang ako dito. I'll buy you snack. Ano bang gusto mo?" tanong nito sa akin habang dinukot sa bulsa niya ang wallet.
"Talaga? OMG, thanks Terrence! Any kind of bread will do. Thank you talaga!"
BINABASA MO ANG
Peculiar: World Of Graces |ONGOING|
FanfictionDispersed around the world, there are bizarre people who can control and manipulate magic in itself. These mysterious gifts, known as "Grace," are said to be the gift of life. These gifted people are magical beings that immense great power and skill...