Zack's Point Of View
"Pleasure in exchange of freedom?" tanong ni Tyke
"Unfortunately, yes. Nandito na lahat ng kailangan namin, pagkain, babae, alak, lahat nandito na. Pero kapalit noon ang habang buhay naming pagiging alipin sa kamay ng academy-city. We are servants born to serve this academy-city." nakatungo naman ang matanda habang patuloy ang pagpapaliwanag sa amin.
"Is there any way para makabalik kayo sa itaas?"tanong ko naman sa kanya.
"There is no way na makakabalik pa kami sa itaas. Ang council na mismo ang naglagay sa amin dito noong hindi kami nakabayad sa buwis. " sagot naman nito sa akin.
"Mister, can you tell us more about this place?" tanong naman ni Colt.
"Well, this place is eternal hell. Marami sa amin na ipinanganak sa itaas pero dito na namatay. Masasabi na ninyo na inaalay namin ang buhay namin para sa mga taong naninirahan sa ibabaw." pahayag ng matanda.
"That sure is rough." sagot naman ni Tyler.
"It is. Puno-puno ang ibabaw ng naguumapaw na magic tools. Halos magic tools na ang bumubuhay sa tao doon. Mula sa pagpapaikot ng tubig, pagpapalago ng mga tanim, pagpapailaw sa mga street lights. Lahat ng mga iyon ay galing sa mga tao rito. " dagdag pa ng matanda. Mula sa pagkakatungo nito ay hinarap kami nito.
"Pero mas nahihirapan ang mga batang dito ipinanganak sa baba. Wala na silang pag-asang makita ang mundong dapat ginagalawan nila sa itaas nito. Sa totoo lang, ang apo ko... He passed away the day before yesterday dahil sa kakulangan ng magoi. Idagdag pa ang sakit niya sa puso." dirediretso ang pagpapaliwanag nito sa amin.
"We're sorry to hear that." Tyke said. His voice was comforting . Tinanguan naman kami ng lalaki.
Nagpatuloy pa naman ang pag-uusap namin. At napakadami naming nalaman patungkol sa 5th Authorization District. Sinabi sa amin ng matandang lalaki na sa isang araw ay walang namamatay dito. Pero sa kabilang banda ay marami ding mga sanggol ang ipinapanganak. At sa bilang ng mga namamatay ay ito ay madalas na matatanda, bata o di kaya ay mga taong may sakit.
The 5th Authorization District is the main source of magoi of the academy-city. It is true that it is brimming with fantastic magic tools above but below, more than half of the total population suffers. The 5th Authorization District is the driving force of the academy city, ito ang magoi pump na nagsisilbing enerhiya ng mga magic tools para gumana ang mga ito sa ibabaw. Kahit kaming apat ay hindi maiwasang manghina dahil sa unti-unting pagkabawas sa magoi na mayroon kami.
Nang matapos ang pagpapaliwanag ng matanda sa amin ay inanyayahan kami nito kung pwede daw niya kaming ilibot sa 5th District. Pumayag naman kami. We were in the midst of talking nang dumaan kami sa harapan ng isang Sari-sari store. May mga nagiinom sa harapn niyon. Ang isa sa mga lalaki ay may katabing babaeng, pjnaghinalaan ko girlfriend nito. Ito rin ang unang pumansin sa amin.
"Hoy, tanda, bakit may kasama kang mga magicians ha?" base sa pagsasalita ng lalaki ay malaki ang galit na mayroon ito sa mga katulad naming magician.
"Huwag mo sanang masamain, hindi sila miyembro ng council, mga estudyante sila." pagtatanggol ng matanda sa amin. May sinasabi pa ang lalaki pero kaagad na kaming umalis.
Hindi pa kami nakakalayo ay may batang mabilis na tumatakbo papunta sa amin. He has two red long blades sa mga braso nito and he was heading towards us. "Mga bata tumabi kayo!" narinig naming sigaw ng matanda na nasa unahan namin.
BINABASA MO ANG
Peculiar: World Of Graces |ONGOING|
FanfictionDispersed around the world, there are bizarre people who can control and manipulate magic in itself. These mysterious gifts, known as "Grace," are said to be the gift of life. These gifted people are magical beings that immense great power and skill...