Chapter 43: The Beasts and The Mythical Magician

19 5 0
                                    

Halos mapanganga na lang si Marquis sa gulat nang masaksihan ang unti-unting pagkakabitak bitak ng ika-isang barrier. Ang pinakamalaking barrier ay unti-unti nang nabubuwag sa pinagsamang puwersa ng mga bombang pinapasabog ng Kou Empire mula sa itaas sa paggamit ng hot air balloons at catapult pati na rin ang sabay sabay na pagtama ng sibat ng mga sundalong nasa ibaba. 

Marquis was using a sound-clairvoyance magic na nagbigay ng kakayahan sa kaniya na makita ang nangyayari sa digmaan. Nasa underground facility siya ng academy kasama ang lima pang matataas na magicians na siya mismong gumawa ng limang barrier.

"Anong nangyayari!"

"The first barrier is collapsing!"

"They aren't capable of this!"

"Gois only live to be ruled by magicians! How is this happening?!" bulalas ni Marquis na mababakas sa mukha ang matinding pagkainis at pagkamuhi sa nangyayari. 

He's aware the Zachariaz can hear him, for the guy was using much more complicated magic that allows them to hear what he is actually saying but for the meantime he didn't care. 

"They're incompetent, vulgar-" tigagal si Marquis. 

"You are wrong Mr. Director-" narinig niya ang boses ni Zachariaz sa isip niya. "You are highly mistaken Mr. Director. Non-magicians can stand on their own feet and they can thrive for a living with their own power! They don't need to depend on magicians. 

"It's true that there are times that they err... Sa matagal na pamamalagi ko sa mundong ito, sa pagsisilbi at paggabay ko sa Kou Empire... May mga pagkakataon na napupunta sa maling daan na nagiging dahilan ng madugong mga pangyayari. But... WHAT THE HELL IS WRONG WITH THAT!!! "

"Making mistakes, getting hurt... none of that matters as long as people can move forward! The accumulation of individuals who believe in themselves... That is the non-magician power that has been built through hundreds of years!"

 "That is... us... The Kou Empire!"

Nanlumo si Marquis sa kinatatayuan niya nang makita ang tuluyang pagkasira ng barrier. Mas nanlumo pa siya nang makitang sabay sabay na umaabante ang libo-libong sundalo ng kabilang panig. They went forward without hesitation. Yet, Zachariaz continued his monologue.

"I pity your citizens, Mr. Director. They're leaving their own fates in the magicians' hands... They literally have no confidence. They forfeited their abilities to fight for their own sake." 

"You are right Zachariaz, there are hundreds, no... tens of thousands of innocent lives of people that are solely depending on us. But precisely, that should be a magician's country.  We, magicians, can stand on our own feet carrying that huge burden. And with that kind of power that we can create, we can surely defeat you!" bulyaw ko kay Zachariaz na siguradong narinig niya naman. 


Nagpapatuloy si Zack sa paglipad sa paligid nang may nakita siyang kumikinang sa likuran ng mga puno. Nilapitan niya iyon at nagulat sa nakita. It was a huge dark magic tool. 

It has the body of a dark djinn. It was made out of titanium and other dark brilliant gems. Mukha itong isnag higanteng dark djinn pero kung mas pag-iigihan ang pagtingin doon ay isa iyong higanteng magic tool na ginawa ng mga magician ng academy. Mayroon iyong ulong kagaya ng isang leon at katawan ng isang dragon. 

Sa mukha niyon ay may isang malaking tubo sa bandang bibig na mayroong malaking lilang kristal sa dulo. Mabagal namang may namuo roong enerhiya hanggang sa naramdaman ni Zack lumalakas ng lumalakas ang enerhiyang nanggagaling sa magic tool na iyon. 

Peculiar: World Of Graces |ONGOING|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon