Zack's Point Of View
Mabilis na lumipas ang isang buwan na puno ng hirap at saya. Matagal-tagal rin kaming natrap sa body strengthening classes ni Ms. Loreley at sa walang katapusang training para sa Magnus Frontier. Naging kaibigan din namin ang ilan sa mga student-leaders nila na makakalaban namin sa paparating na Magnus Frontier.
The magic classes were super entertaining kahit na ang mga itinuro sa amin doon ay nagawa na naming tatlo noong mga oras na si Ms. Olivia ang nagtra-training sa amin. Halimbawa na dito ay ang Eight Color Magic Sorting Crystal na ipinakita at ipinagamit sa amin ni Ms. Olivia sa PGA. Wala namang pinagbago ang magic types namin, nanatili iyon. Pero ang nakakagulat sa lahat ay ang pangyayari noong unang beses namin sa regular magic class.
"Kayong pito lang pala ang naka-survive sa isang buwan na nagdaan. Hayaan nyo akong ipaliwanag sa inyo ang ang dahilan kung bakit kailangan ninyong pagdaanan ang mahirap at nakakapagod na isang buwan. Go get your staffs." wika ni Ms. Loreley.
We were inside a huge classroom na siguro ay halos kasinglaki ng aming dorm. Mayroon itong malawak na blackboard sa unahan at isang malaking logo ng eight-pointed star sa gitna ng sahig ng classroom. Mayroon namang dalawang mataas na bookshelf sa magkabilang gilid ng classroom at nakasandal doon ang mga staff namin. Agad naman namin iyong kinuha.
"Now, Colt. Use your regular type 5 white magic inside that circle. Sa oras na gamitin mo iyon ay bubuo ng makapal na sphere barrier ang eight-pointed crystal at makikita natin sa loob niyon ang lakas ng magic mo." sabi pa ni Ms. Loreley.
Agad namang pumosisyon si Colt habang hawak ang staf niya na nakatutok sa eight-ponted star. Pumikit siya at sa oras na mumulat siya ay napuno ng napakalakas na hangin ang sphere barrier na tinutukoy ni Ms. Loreley. Nagulat kaming lahat sa output ni Colt.
"W-woah, I never generated this much magic before," Colt said with amusement in his eyes.
"Patunay yan na mas lumakas na ang katawan ninyo," sabi naman ni Ms. Loreley.
"Ang paggamit ninyo ng magic o grace ay sumisingil ng magoi sa katawan ninyo. It takes toll on your body depending on the intensity of your magic or grace usage. Until now the rukh inside your body has been- " nagpapaliwanag pa si Ms. Olivia nang magtanong si Tyke.
"Ms. Loreley! I would like to know what is rukh, We have never heard of that."
"Rukh is the home of souls. While we live, it is every man for themself. But when you die, all go back to one place, This is Rukh. When humans die, their bodies return to the earth don't they? The souls return to Rukh, The home of souls. The rukh is the main source of magoi and the world's largest phenomenon. And only us, magicians can see the rukhs. It's a small bird-figured yellow living thing. You see it, do you? " pagpapaliwanag ni Ms. Loreley sa naging sagot niya sa tanong ni Tyke.
Dahil sa sinabi niya ay napatingin ako sa paligid. There were several rukhs there. Maidedescribe ko iyon, sa isang maliit na hugis ibon sa mga drawing ng mga bata. It's in V shape at palipad lipad lang iyon sa paligid namin. 'You see it do you?'
"Now, back to the topic. The rukh inside your body has been suppressing your magoi output para protektahan ang katawan ninyo.. Sabihin na nating ang rukh ang limiter sa katawan ninyo, but now that your body has became stronger, that limiter has been disabled. Try it Tyke." utos nito kay Tyke, matapos magpaliwanag. Agad naman itong tumalima.
Gaya ng ginawa ni Colt ay itinapat ni Tyke ang staff niya sa eight-pointed star, pumikit at pagdilat ay binanggit ang spell. "Steam Wall!"
Napaatras si Tyke sa nakita niya. The steam filled the huge sphere barrier. There were several cracks sa barrier and hot steam was slowly oozing from within.
BINABASA MO ANG
Peculiar: World Of Graces |ONGOING|
FanfictionDispersed around the world, there are bizarre people who can control and manipulate magic in itself. These mysterious gifts, known as "Grace," are said to be the gift of life. These gifted people are magical beings that immense great power and skill...