Chapter 1
New RecruitMaaga palang sa umaga, nag-jogging na ako sa park. It became a habit eh. Actually, noong bata pa lamang ako, 'di talaga ako mahilig mag-jogging, pero nagsimula ito lahat nung nakita kong nagja-jogging ang pinakagwapo kong neighbor na si Ryan Collab.
Everyday ko siya nakikita sa bintana ng kwarto ko kaya ayun, napilitan akong mag-jogging para makilala ko rin siya.
Malas lang siguro dahil may girlfriend na pala siya. Obviously magkaka-girlfriend 'yon, ang gwapo-gwapo non! Samantalang ako? Eh hopeless. Ang rami-rami kong pimples para mahalin niya ang isang katulad ko. Yes of course I had an ex. Hindi kaya ako hard to get. Pero sobrang tanga ko lang to think na magtatagal kami nung lokong na iyon!
Huminto ako sa pagtakbo para magpahinga. Tao rin ako 'no, na napapagod lagi.
Umupo ako sa bench na malapit sa akin at inilabas ang aking cellphone. Chineck ko ang time, it was already 6:10 in the morning.
Woah! Ang bilis naman ng takbo sa oras! Diba bago-bago lang nag 5:30 am?!
Agad akong nabigla nang may kumalabit sa'kin. As expected, si Ryan lang pala.
I smiled, "Hi Ryan!"
Napangisi siya sabay umupo sa tapat ko, "Hey."
"So how's Tiffany doing?"
By the way, si Tiffany nga pala yung girlfriend ni Ryan. Isang magandang amerikana, while si Ryan naman ay amerikano. Himala lang talagang maintindihan ako ni Ryan kahit hindi naman ito marunong mag tagalog. Minsan nga napapaisip ako... bakit pa sila lumipat?
Eh anong pakialam ko?!
He cleared his throat, "Oh, she's doing great. She's just packing our things up before we travel to London at around 7 o'clock."
"How many days are you going to stay there?"
"Not days, months. Two months to be exact. Tiff has some serious matters to deal with at London."
Serious? Ano kayang klaseng serious ang tinutukoy nito. Gusto ko sanang malaman kaso baka personal issues kaya I'll let this slip through.
Napatango nalang ako at iniwasan ang tingin ko sa kaniya. Sa ilalim ng araw, nakaupo lang kami sa bench na walang sinasabi na para bang hindi kami magkakakilala.
Grabe ang awkward naman! Magsalita ka nga!
Bigla ko agad naisip ang aso nilang si Brodie, tatanungin ko na sana kung kamusta na ba siya, pero bigla siyang sumingit.
"By the way, what time should you go to school?"
Hala! Tama! May pasok nga pala ako ngayon! Ba't ang liit-liit ng memory ko para makalimutan ang pinakaimportanteng bagay?!
Agad akong nagtayo at nagmumukang tanga sa harapan ni Ryan.
"Ah, oo nga pala! I almost forgot about that! Thanks for reminding me. I have to go now, bye! Ingat kayo sa London!"
Hindi na siya nagreply pa't tumawa nalang nang tahimik at kumaway-kaway habang ako'y dali-daling tumakbo pauwi.
Hays! Hindi ako nakapagpaalam sa kaniya ng maayos!
Pagbukas ko palang sa pinto ng aming bahay, agad nagulat si nanay nang tumakbo ako na parang si flash sa stairs patungo sa aking kwarto.
"Huminahon ka nga lang, pet-pet! Baka mamaya madapa ka!" sigaw ng nanay ko.
"Sorry nay!" sagot ko naman bago ako pumasok sa kwarto.
Matapos kong gawin ang aking morning routine, nagpaalam na ako kina nanay at dali-daling lumabas ng bahay.
BINABASA MO ANG
𝐌𝐚𝐠𝐚𝐧𝐝𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐢𝐭 | COMPLETED
RomanceSi Niza Dean Carmen ay isang simpleng babae na may maganda at pangit na buhay. Hindi marunong magluto, laging bagsak sa bawat semester, at walang talento sa pagkanta, subalit may magandang personalidad naman rin siya't may matalik na kaibigang si Ju...