CHAPTER 12

857 33 0
                                    


Chapter 12
Cellphone

Uminom ako ng lemon juice sa cafeteria habang naka-upo lang at nakatulala.

Okay lang ba kung magkakagusto si Juli kay Jerald? Parang nakakatakot ang lokong 'yon... at not to mention si Alexa.

Paano na si Alexa? Ang malditang 'yon gustong-gusto mapapasakaniya si Jerald, eh wala namang gusto sa kaniya. Paano kung si Alexa nalang papuntahin ko sa cafe? Nah nangako na ako eh, sa susunod nalang.

Habang nakatulala, bigla ko nalang napansin si Juli na lumakad palapit sa akin at nakangiti ito.

"Hey Niza." bati niya.

Mahinhin siyang umupo sa tapat ko, "So, natanong mo na ba kay Jerald?" sumpay niya in a cocky way. Tumango ako habang niyogyog ang medium sized plastic cup.

"Ano sabi niya?" tanong ni Juli.

"Hindi niya raw masyado nakita, pero nakasuot raw ito ng red Jansport na bag." sagot ko at ininom muli ang juice.

"That's great! Ang kailangan lang natin ay isusulat sa papel lahat ng taong naka red bag tapos hulaan natin kung alin!"

"Hindi gan'yan ka dali Juli."

Tumawa ng todo si Juli at kinuha ang wallet niya sa bag. Sabihin ko kaya sa kaniya? A deal is a deal naman rin eh. Hindi ko na pwedeng talikurin ang pangako ko.

"Oh, by the way." sabi ni Juli.

"Ano?"

"Niza, pupunta ka ba sa ospital mamaya?" mausisa niyang pagtanong.

Agad naman akong umiling, "H-hindi, kailangan ako ni ate sa bahay eh."

Sa totoo lang, pupunta ako pero masira ang plano pag sabihin kong oo. Malamang sasama ito para makita si kuya.

Juli, malandi kuya kooo....

Kung pwede lang sana yang sabihin.

"Sayang, na miss ko na kuya mo."

Tinaasan ko siya ng kilay. Wow Juli, nahihiya naman ako para sa kaniya.

"S'ya nga pala Juli, may taong gustong makipagkita sayo sa Clarrise Cafe."

Pagtatakang nakatitig siya sa'kin, "Really? Sino?"

I shrugged my shoulder habang nakangiti sa kaniya, "Secret."

Nairita siyang umiwas ng tingin, "Ayaw ko. Hindi ako pupunta."

Tama nga akong 'yan ang sasabihin niya. Si Juli kasi na tipo, hindi madaling madala sa mga ganitong bagay. Dapat may rason akong mapilitan siyang umoo.

"Edi sayang. Malay mo, itong Tao na to'y magugustuhan mo." sabi ko habang nakatingin sa ibang dereksyon.

Agad siyang napatayo, "Wait sino?! Si Peter?!"

I shrugged, "Secret nga diba?"

Seryoso siyang nakatitig sa akin. Hehe malalaman naman rin niya pag magkita sila. Pero teka, ano kayang reaksyon nitong babaeng 'to pag makita si Jerald? Gusto kong malaman.

Kinuha niya ang wallet tapos lumakad na siya, ngunit agad namang huminto at lumingon, "Fine, pupunta ako. May bibilhin lang muna ako saglit." sabi niya't nagsimula na siyang lumakad.

"Sige!" sagot ko lang at kinuha ang mentos na tinago ko sa bulsa.

Hehe naiwan ito ni Jerald sa bench kanina, welp finders keepers!

Bago ko pa man ito mabuksan, nagtataka nalang ako kung bakit biglang lumabo ang aking paningin.

Teka, anyare?

𝐌𝐚𝐠𝐚𝐧𝐝𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐢𝐭 | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon