CHAPTER 11

854 25 0
                                    


Chapter 11
Eavesdrop

Habang naglalakad ako sa hallway ng school, sinusubukan kong iwasan si Michael. Hays, natatakot lang kasi akong malaman kung baka namantsa ko ang sasakyan niya o hindi. Mahal pa naman 'yon na klase. Bwiset babayad talaga ako nito.

Napabuntong hininga nalang ako ng biglang may pumalo sa'kin sa likod.

"Aray! Ano ba?" napabigla ako sa sakit.

Unang taong lumabas sa isip ko ay si Jerald pero 'yon pala'y si Juli. Bakit niya ako pinalo? May nagawa ba ako sa kaniya?

"Ba't 'di mo sinabi sa'kin na pupunta ka pala sa ospital? Sinama mo sana ako."

"Tsk. May paa ka naman diba? 'kaw nalang pala punta d'on? Tutal alam mo naman eh." hays nakakainis ang araw na 'to. Ang sakit-sakit ng pusod ko. Walang hiyang menstruation talaga.

"Niza, okay ka lang ba? Ba't parang galit ka?" pagtataka niya.

"Hindi ako galit, nakakainis lang ang araw ko ngayon."

Pagdating namin sa locker room, agad kong binuksan ang locker ko dahil sa sobrang nakakawalang gana ng dalaw na ito, hindi na ako makapag-antay na makapaglipas ang araw ngayon. Merong nahulog na naman na papel galing sa loob ng locker ko.

Hays. Sino na naman kaya naglagay nito? Kung wala lang siguro akong gusto kay Renz, baka matagal ko na siyang hinanap.

"Hoy! Heto na naman tayo Niza oh! Buti ka pa nga may natanggap na letter. Ako nga ni kahit flowers, wala akong natanggap. Anyway basahin mo na, gusto kong marinig." kinukulit na naman ako nitong si Juli hays.

Ako'y napabuntong sabay bukas sa papel. Kung sana si Renz lang ang nagpapadala nito.

Napataas ako ng kilay habang si Juli naman ay parang batang tumatalon-talon sa sobrang kilig ata.

You look pale today, are you feeling okay? Kamusta nga pala ʘ‿ʘ

"Sana all may secret admirer! Sana all may soon to be jowa! Sana all mahal!" sigaw ng sigaw ni Juli.

"Tumahimik ka nga Juli! Ilang beses ko ba kailangang sabihin sayo na wala akong secret admirer." idiniin kong pagbigkas para maintindihan niya.

"Hm? Are you saying na coincidence na naman 'yan? Eh naulit nga." natameme ako.

"Hay nako Niza, you think too much of Renz. Teka, nasabi mo na ba 'to kay Jerald?"

Huh? Ba't ko pa kailangang sabihin to sa lokong 'yon? May gusto 'yon sayo Juli, hindi sa'kin.

"Bakit naman?" tanong ko.

"Close kayo diba? Baka siya naglagay n'yan."

Siguro tama si Juli. Baka pinapagtripan naman ako ng lokong 'yon para maisip ko na si Renz ang naglagay?

"Sige, pero alam kong hindi siya kaya wag kang aasa ng sobra Juli."

Tumango-tango siya habang tumatawa, "Malay mo lang Niza, malay mo lang."

Kinuha ko na papel at nilagay ito sa loob ng bulsa ko para may maipakita ako kay Jerald. Pero teka, asan nga ba si Jerald? Naalala ko lang nasa loob siya ng classroom habang kinakausap si Alexa.

Sige, uunahin ko nalang sa room baka nandoon pa siya.

Habang naglalakad, hindi ko maiwasan ang masakit na nararamdaman ko sa aking pusod. Grabe ang sakit-sakit naman! Bakit ngayon pa talaga?

Tiniis ko nalang ang sakit at nagpatuloy sa paglalakad, pero maya-maya, biglang nag-vibrate phone ko. Huh? May nag-text? Baka si kuya. Laking gulat ko nang mabasa ang message.

𝐌𝐚𝐠𝐚𝐧𝐝𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐢𝐭 | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon