CHAPTER 14

827 33 0
                                    


Chapter 14:
Paper Bag

Ako ay pinagpalit, pero di yon masakit
Alam ko sa sarili ko na ako mas higit
"Yah" "wait" "uhh" ako mas higit
"Yah" "wait" "uhh" ako mas higit

Ako ay pinagpalit, pero di yon masakit
Alam ko sa sarili ko na ako mas higit
"Yah" "wait" "uhh" ako mas higit
"Yah" "wait" "uhh" ako mas higit....

"Pinagpalit" by JSE ang tumutunog na music sa kotse ni Renz.

Bakit parang feel kong makaka-relate siya sa musikang 'yan kay Adelle? Sinadya ba niya na 'yan ang music?

Napansin kong sumasabay sa beat ang ulo niya pati na rin ang daliri habang nagda-drive.

"Nakikinig ka pala n'yan?" tanong ko habang ngumingisi.

Sinulyapan niya ako habang tumatawa ng tahimik, "I really don't. Nagustuhan ko lang ang beat."

"Pati ang mensahe diba??"

Since pinagpalit ka ni Adelle.

Ngumisi siyang nakatitig sa kalsada, "How do you know that?"

Nagkibit-balikat ako. Wala naman ring sinabi si Michael na hindi ko sabihin. "Sinabi ni Michael sa akin."

Pinagpalit, pinagpalit dun sa malapit
Ikaw na bumitaw sa higpit ng aking pagkapit
Yung puso mo na bakal basic lang nilang na magnet
Para kang kalapati andali mo lang nadagit...

"Adelleen.... isang kalapating nadagit sa kapwa pangit." Pagngingisi ni Renz.
Bigla akong natawa ng sobra sa nasabi niya.

Adelleen pala ang niya. Ba't sinabihan ni Renz na pangit eh feel ko maganda at sexy sa pangalan palang.

Subukan mong ipagkompara ang pangalan ko sa Adelleen... ay wag na, alam na natin kung kanino ang panalo.

"Alam mo Renz, kung ako si Adelleen, hindi ko na ikaw papalitan." pag-amin ko. Ewan ko kung anong lumabas sa kokote ko't nasabi ko 'yon pero gusto ko lang sana ipaparamdam sa kaniya na siya ang mas higit.

Tumawa si Renz, "Ba't mo nasabi?"

"Kasi ang bait-bait mo; magaling mag basketball, mag compose ng lyrics, mag drive ng ganitong klase na sasakyan, at gwa... ah ibig kong sabihin, oo 'yon na."

Gaga! Muntikan ko nang nasabi na gwapo siya, nakakahiya naman.

Napatawa muli si Renz, "Nope, hindi pa 'yon lahat. Hindi mo tinapos."

"Anong hindi? 'Yon na nga."

Umiiling siya habang nakangiti, "Nah, you have to say it."

"Basta sa letrang G nagsimula, ayaw kong sabihin, nakakahiya!" umiwas ako ng tingin.

Narinig ko siyang umalik-ik at umungot, "Thanks, it really made my day."

Kahit hindi ko masyadong narinig ang pagpapasalamat niya, masaya na rin akong malaman na napagaan ko ang loob niya kahit papaano.

Hays... Namumula na naman ako.

Pagdating namin sa school, pumarada siya sa may parking area at sabay na kaming bumaba.

𝐌𝐚𝐠𝐚𝐧𝐝𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐢𝐭 | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon