"Tumpak ganern! And we are done!" masiglang sigaw ni Renaldo nang matapos niya na akong mapaganda.
Napatawa nalang ako ng tahimik sa reaksyon niya't dahan-dahang tumayo na ako patungo sa malaking salamin para tingnan mo ang aking sarili.
Aba't nabighani na naman ako sa napakagandang progressing ginawa ni Renaldo sa aking itsura.
Oo, napakaraming mga taong tumulong sa kaniya nung nand'on ako sa Emrys mansion pero kahit siya lang nga mag-isa ngayon ay parang walang kaibahan.
At sa muli ay napatulala ako ni Renaldo sa aking sarili sa salamin.
Grabe ang sobrang galing naman ni Renaldo pagdating sa meykap. Hindi-hindi ko talaga maitulad ang kaniyang talentalo sa iba.
Subalit hanggang ngayon, nananatili parin ang katanungan sa isip ko.
Bakit nandito si Renaldo??
Gustong-gusto ko talagang tanungin si Juli eh pero alam kong ipapakita na naman niya ang walang kwentang signature hand gesture namin.
Tatanungin ko na rin sana si Renaldo pero napapansin ko ring iniiwasan niya ako na para bang iibahin niya agad ang topic na malayo sa kalilituhan ko.
Talagang may balak talaga sina Juli ah. Nakakainis lang dahil gustong-gusto ko nang malaman kung ano bang meron?!
"Let's go!" nakangiting sabi ni Juli at sumabay na kami palabas ng kwarto ni Renaldo.
Nagpaalam na rin ako kay Renaldo.
"Maraming salamat Renaldo, sana magkita pa tayo ulit."
Tumawa siya, "Of course magkita tayo ulit."
Talaga ba??
Tinaasan ko siya ng kilay, "Huh? Kailan??"
Hindi siya sumagot at napangisi lang siya. Unti-unti niyang inangat ang kaniyang kaliwang kamay at ipinakita sa aking ang code namin ni Juli na hand gesture {🤙}.
Aba't pati rin siya?!
Lumingon ako kay Juli na nakangisi lang at si Jerald naman ay naglalaro parin ng phone nito.
Hays! Ayaw niyong ipaalam?? Fine! Edi wag!
Iritang nagmasahe ako sa aking ulo sabay buntong sa inis at dumeresto nalang kami pabalik sa kotse ni Jerald.
Sa buong biyahe, nakatulala lang ako. Hindi dahil maraming tumatakbo sa isip ko kundi dahil naka-blindfold ako.
Oo, naka l*tseng blindfold ako!
Gusto niyo bang malaman kung bakit ako naka-blindfold?? Well minamalas nga naman dahil hinding-hindi nila sasabihin kung bakit!
"Bakit ako naka-blindfold?!" iritang tugon ko sa kanila Juli.
BINABASA MO ANG
𝐌𝐚𝐠𝐚𝐧𝐝𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐢𝐭 | COMPLETED
RomanceSi Niza Dean Carmen ay isang simpleng babae na may maganda at pangit na buhay. Hindi marunong magluto, laging bagsak sa bawat semester, at walang talento sa pagkanta, subalit may magandang personalidad naman rin siya't may matalik na kaibigang si Ju...