CHAPTER 7

965 26 0
                                    

**************************************

WARNING!!!
THIS CHAPTER MAY INCLUDE R16-18. PLEASE SKIP THAT PART OR THIS WHOLE CHAPTER IF YOU ARE NOT INTO IT.
READ AT YOUR OWN RISKS!
MARAMING SALAMAT PO!

**************************************

Chapter 7
Kuya Has Return

Maya-maya, biglang may kumatok sa pinto. Agad akong tumayo at binuksan ito. As expected, si Juli. Nung napalipat ang tingin ko sa kanyang dinala, tumalon ako sa sobrang saya.

Yes! May Lechon manok!

Agad kong niyakap si Juli ng mahigpit at niyakap rin niya ako.

Pagkatapos ay binigyan ko siya ng daan upang makapasok at isinara ko na rin ang pinto.

"Nay, si Juli, naparito para bisitahin ka." sabi ko kay nanay.

"Magandang umaga po sa inyo. May dala po akong lechon para mapagsaluhan natin." sabi naman ni Juli habang nakangiti.

"Maraming salamat Juli." sagot ni nanay.

Actually, nagising na si nanay noong umalis si ate. Nakakadiri nga lang nung dinala ko si nanay sa CR para umihi, napatanong siya kung bakit ang raming malalagkit na basa sa paligid.

Shit 'di man lang nilinis nila ate ang rumi nila. Hindi nalang ako nagsagot.

Nilagay na ni Juli ang Lechon sa isang plato habang ako naman ang naglalagay ng mga kutsara at tinidor.

Agad kong naalala na may pasok ngayon.

"Juli, diba may pasok ngayon?"

"Oo."

"Paano na ikaw?"

"Nagpa-excuse ako."

Napatingin ako sa kaniya, "Excuse? Anong excuse mo?"

"Simple lang, sabi ko na ospital nanay ko." sabi niya habang ngumingiti.

Agad ko itong sinampal sa balikad, "Gago ka Juli! Ano nang excuse ko ngayon?!"

Tumawa ito, "Hay nako pet-pet, di ka talaga mabiro ano?"

Pagkatapos naming kumain, hindi nagtagal at natulog na si nanay habang kami ni Juli ay nakaupo lamang sa tapat niya na nakatitig sa TV.

Nung muntikan nang magpikit ang mga mata ko sa kakaantok, agad nagsalita si Juli, "May napapansin ka ba kay Jerald?"

Napatingin ako sa kaniya, "Huh? Jerald? Anong meron sa kaniya?"

She shrugged her shoulders, "Ewan ko ba, pero parang umiiba ang ugali pag kinakausap ako."

Hindi na ako nag-reply pa at napataas nalang ako ng kilay. Kung alam mo lang talaga Juli na may gusto 'yon sayo.

Umiling agad ito, "Ugh whatever, so what if ganun ugali niya pag kausap ako? Sira-ulo lang siguro 'yon." ngumiti nalang ako.

Come to think of it, ano kayang mangyari pag naging sila? Maging maganda ba ang kanila relasyon? Yieee, nakikilig ako!

"By the way pet-pet, may tanong ako." sabi ni Juli.

"Ano?"

Sumandal ito sa upuan na may sabay na bunting hinga, "Hay nako, hindi ka talaga mahilig umamin 'no?"

"Huh? Ng alin?" Nakapagtataka kong tanong. Pero kahit papaano, hindi ko gustong marinig ang susunod niyang sasabihin.

Sinulyapan niya ako, "Na may gusto ka kay Renz."

𝐌𝐚𝐠𝐚𝐧𝐝𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐢𝐭 | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon