Chapter 8
Letter3:00 am palang sa umaga nag-jogging na ako sa park. Halos naikot ko na nga ang buong kapit-bahay namin.
Takbo lang ako ng takbo hanggang sa unti-unti ko nang malimutan ang mga pangyayari kagabi, kahit kanina.
Walang hiya, nakahiga pa talaga sila sa sofa na nakahubad lahat. Nakalimutan atang may kapatid si ate tsk.
Habang tumatakbo, ako'y napasilip sa orasan. Shit malapit nang mag six! Kung sana lang pwedeng mag-absent pero inaasahan ako ni kuya eh.
Huminto ako sa pagtakbo at nagpahinga muna sa may malapit na bench.
Pag-upo ko, pinagmasdan ko ang mga ulap. Akalain mo ang cloudy pala ngayon. Sana nga, lagi ito ang weather kasi nakakawala ng stress. Lagi nalang kasing sunny eh.
Habang nakatulala rito, pakiramdam ko parang ang sarap hindi na bumalik sa bahay at magpahinga nalang dito.
Pero alam kong hindi pwede kaya tumayo na ako at bumalik agad sa bahay.
Wala na ako nagulat pa nang makitang nakatulog parin ang dalawang baboy sa sofa. Halatang napagod itong mga 'to sa ginawa nila kagabi. Nakakadiri nga sila, mga walang modo.
Agad kong iniwasan ang pagtitig sa kanila at nagpatuloy na ako sa aking paglalakad patungo sa itaas.
Tulad ng aking daily routine, hinubad ko na ang damit kong puno ng pawis at pumasok na ako sa banyo para maligo. Sa tuwing ako'y naliligo, hinuhuni ko ang Chivalry is Dead na kinanta ni Michael the other night.
Grabe, iba talaga ang boses niya. Ang sarap-sarap pakinggan. Ang lamig-lamig.
Tama talaga siya, parang may bahagi sa akin na gusto siyang halikan. Teka, bakit nga ba?
Bigla kong narinig ang malakas na engine ng sports car sa labas ng bintana. Agad kong naisip sina Michael.
Teka, sa kanila ba 'yon?
Tumingin ako sa maliit na bintana na nasa itaas ng toilet bowl. Siguro sa sobrang mausisa kong ugali, pinatong ko ang aking paa sa toilet bowl upang makita kung sino.
Hindi nagtagal at hinanap ko kung saan galing ang malakas na engine. Aba, biglang may gwapong lalaking nakasuot ng black jeans at maluwag na white shirt na lumabas sa pula na sports car.
Oh my gosh! Si Renz!
Isinara niya ang pintuan tapos pumunta siya sa kabilang side ng car. Baka si Michael ang nasa kabila.
Agad niya itong binuksan at sa sobrang gulat ko, binigyan niya ng daan ang isang magandang binibini na lumabas. Nakasuot ito ng maiksi na black skirt tapos isang sobrang fitting na white crop-top habang nakababa ang mahaba na wavy hair nito.
Teka, Sino siya? Ba't ang matchy-matchy ng mga suot nila? Could it be na mag-jowa sila?
Umiling-iling ako ng husto sa naisip ko. Hindi pet-pet, hindi. Walang sila. Diba sabi ni Jerald na tutulungan niya akong mapalapit kay Renz?
Kinagat ko ang aking labi, tinitiis ang selos. Bwiset, bakit ang sakit.
Nag-uusap lang sila habang tumatawa ang babae. Anong sinabi ni Renz? Nang makita kong hinawakan ni Renz ang pisngi ng babae, sinubukan kong umakyat pa upang makita ng malapit. Pero dahil naapakan ko ang soap na nakapatong sa toilet, nadulas ako.
"Agh, bwiset! Ang sakit naman ng lubot ko!" sigaw ko habang hinahawakan ang likod ko.
Mahina akong tumayo at umakyat para tumingin muli pero sa sobrang bagal ng aking galawan, nakita ko nalang na umandar ang sports car at umalis.
BINABASA MO ANG
𝐌𝐚𝐠𝐚𝐧𝐝𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐢𝐭 | COMPLETED
RomanceSi Niza Dean Carmen ay isang simpleng babae na may maganda at pangit na buhay. Hindi marunong magluto, laging bagsak sa bawat semester, at walang talento sa pagkanta, subalit may magandang personalidad naman rin siya't may matalik na kaibigang si Ju...