Niza's PoV:
Haysss ano nang gagawin ko??
Nabigla ako nang marinig kong ngumisi si Tyler sa likod, "I didn't really recognise you."
Humarap ako sa kaniya at napakamot na rin sa aking ulo, "Ahaha... Kahit nga rin ako eh."
Sabay kaming napatawa at tumingin ako sa pagkain na hawak-hawak ko.
Ano 'to? Mukhang masarap pero hindi ko kabisado ang itsura.
Lumpya na hindi luto?
Humarap ako muli sa kaniya, "Nga pala Tyler, anong plano?"
Lumapit ako sa lamesa at nilapag dito ang plato at umupo na ako. Siya'y napa-upo na rin sa harapan ko. Inantay ko siyang mag salita.
"So the party will start at 6, which means everyone will be here at 5. Blah, blah, blah." sa rami-rami niyang sinabi, tumango-tango lang ako sabay kain saaa... Lumpya thingy gamit aking kamay.
Agad ko siyang ipinahinto nang makuha niya atensyon ko, "Teka, teka, ipapakilala mo ako sa lahat ng mga pinsan mo, lolo at lola mo, pati kaibigan mo? Sa lahat talaga?"
Tumango siya sabay sabi, "Lahat."
Syempre nang marinig ko iyon, nagsisimula na akong manerbyos.
Grabe sabi lang niya na magpanggap kami sa papa niya pero bakit biglang sa lahat na?!
Tinaasan ko siya ng kilay, "Akala ko ba sa papa mo lang tayo magpanggap?"
Napakibit siya, "They're 'bout to find sooner anyways so let's just keep it clean."
Hayss ewan ko nalang kung anong mangyayari mamaya pero sana hindi ako mapahiya...
Tumango nalang ako sabay hinga ng malalim, "Sige."
Jusko! Mukhang mahaba-haba ang party mamaya..
"Oh and Niza."
"Ano?"
"Try to speak in english and talk smart once the party begins, ang appearance mo kasi, bagay na bagay sa bad girl type. Try to be confident." suhestyon niya na may ngiti.
Ano 'kha mo?! Ako?? Mag eenglish?! Jusko may malas pa bang mangyayari ngayon?!
Biglaan, may tumawag sa akin. Syempre mas lalo akong nakabahan dahil walang iba kundi si Chael ang tumatawag.
Pagsilip ko, jusko at minamalas nga naman. Hindi lang basta-basta tawag kundi face time ang gusto ni Chael!
Paano na 'to! Anong sasabihin ko?? Anong gagawin ko?!
BINABASA MO ANG
𝐌𝐚𝐠𝐚𝐧𝐝𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐢𝐭 | COMPLETED
RomanceSi Niza Dean Carmen ay isang simpleng babae na may maganda at pangit na buhay. Hindi marunong magluto, laging bagsak sa bawat semester, at walang talento sa pagkanta, subalit may magandang personalidad naman rin siya't may matalik na kaibigang si Ju...