CHAPTER 2

1.6K 40 4
                                    


Chapter 2
Popcorn

What the heck?!

Lahat sila nagtatawanan at nagbibiruan pati na rin si Jerald habang ako'y nakaupo lang doing nothing while playing with my food.

Hays, ba't feel ko ang raming mga mata nakatitig sa akin?

Nakakahiya naman 'to, sana hindi nalang pumayag itong si Jerald.

I glanced at Jerald who's currently laughing his ass out. Come to think of it, close pala siya sa V5? Bakit hindi siya kasali sa kanila? It kind of makes me wonder, Paano siya naging close sa kanila?

Sana all close...

I sighed and glanced back at my food.
Hays nakakawalang gana. Tumingin si Jerald sa akin at hinawakan niya ang kamay ko to get my attention.

Pagtingin ko sa kaniya, he asked, "Okay ka lang? Parang ang tahimik mo ngayon ah."

Ah hindi ba masyadong halata Jerald? Na OP na ako dito! Eh hindi mo man lang ako ipinakilala sa kanila!

Kung pwede lang sanang sabihin 'yon.

I titter, "Ah ganun ba? Sorry masakit lang kasi lalamunan ko."

Kasali na ata ako sa honor's list ng mga sinungaling...

"Are you sure? Hindi mo rin kinain ang nabili ko para sayo."

Kung makasalita 'to parang siya ang nagbayad...

"Okay lang, pera ko naman rin ito eh."

"Niza, right?"

Huh??

Tumingin ako sa taong nagtanong. It was Michael!

"We haven't properly introduced ourselves yet." sabi niya sabay inom ng isang glass ng alak na tinatago lang nila sa bag para hindi mahuli ng principal. It's not like I've known it before pero 'yon yung narinig ko eh.

"The name's Michael as you've heard. That one sitting next to you is Jason and next to him, Alex. The other is Harvy. And right here next to me is Renz." sumpay niya habang tinuturo ang ibang member ng V5.

Still I was awed. Renz pala ang pangalan niya? Ang hot naman! Pero hindi siya tumingin sa akin though. Inom lang siya ng inom habang nakatitig sa phone nito. Speaking of, baka may katext. Sino kaya?

"So J, what's up with Niza? Girlfriend mo?" biglang tanong ng katabi kong si Jason.

Grabe! Sa lahat ng tanong, 'yan pa talaga?!

Ano kayang sasagutin ni Jerald? Psh! Malamang hindi. Aasa ka pa sa wala.

He smirked at inakbay ako, pulling me close to him while caressing my shoulder, "Been longing to hear that question. And yes, she is."

Ano raw?!

Bigla kong naramdaman ang lakas ng kutob ko habang nag hihiyawan sina Jason, Harvy, at Alex. Si Michael naman, he chortled then looked away as he drank his alcohol. Samantalang si Renz, same as usual, nakaharap sa phone niya. Is he an emo or something? O 'di kaya introvert? Or is he experiencing depression?

Habang naghihiyawan sina Harvy, Jason, at Alex, Jerald called out to Renz while snapping his fingers several times infront of his face. Renz glanced at his snapping fingers tapos tumingin naman siya sa mukha ni Jerald with a questioning look.

"Anyare bro? You seem so quiet today. Kanina pang nakatitig si Niza sayo oh." tanong ni Jerald.

Hoy! Lokong 'to! Ba't pa niya sinabi 'yon?! Baka kung anong isipin ni Renz!

𝐌𝐚𝐠𝐚𝐧𝐝𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐢𝐭 | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon