"I miss you."
Nang marinig ko iyon, biglang lumakas ang pagtibok ng puso ko.
Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman pero hindi ko rin nagugustuhan.
Eh dapat nga nasanay na ako sa mga kalokohang sinasabi ni Chael pero bakit parang umiba na ang pakiramdam ko ngayon??
"D-dito ka ba matutulog?" agad kong pinalit ang topic.
"Why not?" tinaasan niya ako ng kilay habang nakangisi.
Mokong toh! Tinatanong pa niya kung bakit!
"Kung gusto mong matulog rito, d'on ka humiga sa higaan ni Dean." saad ko.
Kinuha ko ang aking notebook para gawin ang aking mga takdang aralin.
Ito nalang muna gawin ko, hindi ako makakapag-aral ng maayos dahil sa kaniya. Bukas na rin kasi kailangang mapasa eh.
"What if I don't want to?" napa-upo si Michael at kumakamang siya patungo sa dulo ng kama kung saan malapit siya sa'kin.
"Edi sa sahig ka matulog." pinilit kong hindi siyang tignan.
Lumingon siya ng saglit sa kama at balik sa'kin, "Bakit? Magkasya naman tayong dalawa in your bed."
Grabe paano ako makakapagpokus nito pag nilalandian ako ng mokong toh?!
Hays nauuhaw ako!
Agad akong tumayo at dabog na dumeretso sa pintuan, "Teka lang, bababa lang ako ng saglit!"
Narinig ko siyang ngumisi sa likod, "Okay."
Bago pa man ako lumabas, humarap ako muli sa kaniya, "G-gusto mo rin ba ng mainom?"
Dahan-dahan niyang pinatong ang kaniyang ulo sa kamay niya't habang nakangiti at nakatitig sa'kin, "Gusto ko ikaw."
Aba! Nagawa pa niyang sabihin yon!
Namula ako, "Bahala ka nga d'yan!"
Tumawa lang siya, "Just joking. Sige, a water will do."
At sinara ko na ang pinto.
Ano ba tong nararamdaman ko? Bakit nadadala ako sa simpleng salita lang ni Michael..
Simula nung hinalikan ko siya, parang hinahanap-hanap ko na siya lagi na para bang hindi ako mapakali.
Napailing ako ng husto. Hays! Pet-pet gumising ka! Ganito rin ang ginawa ni Carlo sayo! Wag kang magpapadala!
Oo, Carlo ang pangalan ng ex ko. Siya ang una at huling boyfriend ko. Bigla lang kasi siyang umiba.. dahil meron na pala siyang iba noong kami pa.
Sabi ni Juli sa'kin na iba na raw ang mga gwapo ngayon. Parehas lang naman sina Michael pagdating sa itsura, kaya kailangan kong mag-ingat. Hindi dapat ako magpadagit.
Sawa na akong masaktan.
Bumaba ako patungo sa kusina at kumuha ng dalawang baso para sa'kin at kay Michael. Hindi ko alam kung anong temperature ang gusto niya kaya hinalo ko nalang ito ng mainit at malamig.
Pagkatapos ay agad na akong lumakad pabalik. Nang mabuksan ko ang pintuan, gulat na gulat ako nang makitang binabasa ni Michael ang diary ko.
Anak ng tinapa! Ang diary ko!!
"Ang gwapo niya na para bang-" agad kong binawi ang diary ko sa kaniya.
"Akin na nga yan!"
Napangisi siya, "Hehe gwapo na parang anghel? I'm flattered."
BINABASA MO ANG
𝐌𝐚𝐠𝐚𝐧𝐝𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐢𝐭 | COMPLETED
RomanceSi Niza Dean Carmen ay isang simpleng babae na may maganda at pangit na buhay. Hindi marunong magluto, laging bagsak sa bawat semester, at walang talento sa pagkanta, subalit may magandang personalidad naman rin siya't may matalik na kaibigang si Ju...