CHAPTER 4

1.1K 43 0
                                    


Chapter 4
I Like Jerald

Dito nalang ako aantay kay Jerald...

Habang nakaupo lang sa bench, lumilingon-lingon parin ako sa paligid.

Asan na nga ba yung lalaking 'yon? Umuwi na? Grabe hindi ba siya marunong mag-antay?

"Sinong hinahanap mo?" biglang tanong ni Michael habang sinusuot ang sports shoes nito.

"Ah, si Jerald, sabi kasi niya magkita raw kami, may sasabihin daw." sagot ko habang nakatingin sa kaniya.

"Really? Baka umuwi na."

I looked away. Yeah, baka nga. It was partly my fault though... hindi nalang sana ako sumama kay Michael. I mean, makapag-aral naman ako sa sarili ko. Ano kayang sasabihin niya?

Biglaang napansin kong nakaharap ang coach sa amin at pinituhan kami. Si Michael ata tinatawag niya.

"Michael! You're up!" sigaw nito.

Tumango na si Michael at tumayo, bago siya umalis, tumingin muna siya sa akin, "Titingin ka ha? Wag kang aalis."

Ulol anong pakialam niya pag aalis ako?

Tumango nalang ako with a thumbs up. Tumawa na rin ito at nagpatuloy  na siya sa paglalakad patungo sa court.

During sa practice, my attention was on my phone, pero most of the time, kay Renz. Hindi ko alam kung may sira ba ang mata ko o wala pero parang lagi nalang ito nagashi-shift from my phone to his. I think hindi ko lang talaga mapigilan sarili ko sa pagiging conscious.

Napansin ba niya ako? Tumitingin ba siya sa'kin? Ano kayang tingin niya sa hairstyle ko ngayon?

I'm filled with random questions that I'm so desperate to be answered.

At exactly 3 o'clock sharp, the competition began. Sa totoo lang, hindi ko talaga alam ang totoong concept ng game. Ang alam ko lang, kailangan ang isa sa inyong team ay makaka-shoot sa kabilang ring. I've seen my brother do it before. Everytime mag away kami idadaan niya lagi sa basketball, kaya lagi akong natatalo.

While they were gathered in a group at nag-uusap about sa game, biglang tumunog ang phone ko. Nung nakita ko ang message.

Shit! Nag text si Juli!

From Juli:

"Hey, I knew about the results. Akala mo makakatakas ka sa'kin ha?! See you at your home then."

Ugh! I'm screwed! Dapat ako maunang makarating sa bahay. Malay ko bang sabihin niya lahat ito kay nanay. Papagalitan na naman niya ako...

Biglang may tumabi sa akin at inakbayan ako, "Niza! I thought you wouldn't come!"

"J-Jerald?! Ba't ka nandito??"

"Ulol! Diba sabi ko that we would meet here?"

"A-akala ko kasi umu-" agad akong napaputol sa aking pagsasalita nang may biglang sumingit.

"Jerald! Tayo susunod, tara na!" sigaw ng kaniyang kakampe.

Teka, kasali pala si Jerald sa competition? Eh bakit hindi alam ni Michael? Or baka alam niya tapos hindi lang niya sinabi?

"Sige!" sagot nito.

"Maglaro muna ako ha. Dito ka lang muna." sumpay pa niya habang nakatitig sa akin.

Tumango ako. Pag-alis niya, hindi ko maiwasang isipin... sino kaya ang mananalo sa kanila? I never thought na magkalaban sina Michael at Renz kay Jerald.

𝐌𝐚𝐠𝐚𝐧𝐝𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐢𝐭 | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon