Chapter 10
AdelleBack to Niza's Pov:
Pagkatapos naming kumain, ginamit muna namin ang natirang oras para lumakad sa flower park na malapit lang rin sa open market.
May natira pa kasi kaming isang oras bago mag 9:00 pm kaya we strolled around muna.
Habang naglalakad, marami kaming napapansin ni Michael na nagde-date sa flower park, dahil lang siguro d'on, nahihiya kami ni Michael na mag-usap sa isa't-isa. Pero alam ko walang ikakahiya kasi friends lang kami eh. Nothing more.
I think it's best na hindi muna kami magsalita ni Michael at titigan muna ang mga magagandang bulaklak. Tutal wala naman rin kaming mapag-usapan eh.
Nang madatnan namin ang isang bata na kumakain ng qwek-qwek, hindi ko napigilan ang sarili at napatawa ako ng mahina.
Agad siyang napansin ni Michael at napatanong, "Why are you laughing?"
Umiling ako habang tinitiis ang pagtawa. "Wala. Naalala ko lang nung inantay mo ang sisiw na gumising sa balot."
"Malay mo! I don't want to eat it alive!"
pagtatanggol niya."Sabing patay na nga 'yon eh!"
Lumingon ako ng saglit sa mga bulaklak at agad ko namang naisip na may tanong ako para kay Michael kaya lumingon ako muli sa kaniya, "S'ya nga pala Michael, may half ka?"
Tinaasan niya ako ng kilay, "Half?"
Tumango ako, "Oo, half. Kasi pag mag-salita ka mas maraming english tapos kaunti lang ng tagalog, at hindi mo alam kung anong lasa ng qwek-qwek."
Gusto ko pa sanang tanongin kung bakit ang gwapo-gwapo niya pero nakakahiya. Ayoko nga!
Tumawa si Michael at tumingin siya sa paligid, "Heh. Good observation. And yes, I'm half american. Dad ko, Filipino habang si mom naman ay american. Mostly I speak english kasi bata palang ako, tinuturuan na akong magsalita ng ganito."
Nabighani akong nakatitig sa kaniya. Ah kaya pala. Sana all amerikano. Heh, hindi ko inakalang magkaroon ako ng kaibigan na amerikano, isa pa, ang gwapo-gwapo niya!
Bahagyang napangiti ako sa kaniya, "Kaya pala ang sobrang ganda ng accent mo. Alam mo, natatakot na ako para sayo."
Napaharao siya sa'kin sa nasabi ko, "Huh? Why?"
"Eh kasi matalino ka pa naman kaso wala kang alam sa mga pagkain rito. 'Di mo alam, may mag-poison sayo sa pamamaraan ng balot."
Tumingin siya sa'kin na parang hindi siya naniniwala, "Really Niza?"
"Hoy! Posible kaya 'yan ha!"
Tumawa siya ng malakas, "Whatever, it's not like gusto kong kumain ng balot anyway."
Tumawa na rin ako, "Mukhang naawa ka lang sa sisiw eh."
Maya-maya napatulala ako sa fireflies nang madatnan namin ito. Teka, bakit may fireflies dito? Diba sa may bukid lang yan sila? At least 'yon yung narinig ko.
"Michael, may girlfriend na ba si Renz?" agad ko lang natanong na biglang lumabas sa bunganga ko.
Gago ba't ko 'yon natanong?! Ang sobrang tanga ko naman!
Lumingon ako kay Michael nang tumigil siya sa paglakad. Eh? May nasabi ba akong masama? Ba't siya tumigil?
"Why? May gusto ka ba sa kaniya?" tanong niya sa'kin na parang seryoso siyang malaman ang sagot.
"Ah... H-hindi naman! Bakit ako magkakagusto sa kaniya? Pero oo gwapo siya— ay joke lang! Hindi gwapo! Anong gwapo? Hahaha!" sabi ko bago tumawa ng malakas.
BINABASA MO ANG
𝐌𝐚𝐠𝐚𝐧𝐝𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐢𝐭 | COMPLETED
RomanceSi Niza Dean Carmen ay isang simpleng babae na may maganda at pangit na buhay. Hindi marunong magluto, laging bagsak sa bawat semester, at walang talento sa pagkanta, subalit may magandang personalidad naman rin siya't may matalik na kaibigang si Ju...