Chapter 22:
BakitNang mag-isang metrong layo ang aming labi sa isa't-isa, biglaang narinig namin ang boses ni Alex na sumisigaw sa kabilang parte ng garden.
"Chael, asan ka ba?! Tapos na si Renz sa lyrics, we should give it a go!"
Sabay kaming napalingon sa Arbor tunnel at nagsisiguradong hindi sila papasok rito.
Bago pa man makasagot si Michael, agad kong tinabon ang kaniyang bibig.
"Chael, where you at?!" pagpatuloy ni Alex.
"Jeez, let's just head back Lex, they're probably in the pool area or something." narinig naming suhestyon ni Harvey.
Habang inaantay ang sagot ni Alex, agad kong naramdaman ang labi ni Michael na gumagalaw sa kamay ko, "Niza... I can't breathe..." sabi niya.
"Shhh, wag kangang maingay." sagot ko lang kay Michael.
Mabuti nalang at sumang-ayon si Alex sa sinabi ni Harvey, "Yeah, maybe you're right. Let's go." narinig naming sabi ni Alex at maya-maya, wala na kaming narinig na ingay.
Napabuntong hininga ako at tinanggal ko na ang kamay sa bibig ni Michael.
Grabe muntikan na 'yon! Baka kung anong maisip nila pag makita kami ni Michael sa ganitong posisyon!
Agad ako umalis sa itaas ni Michael para makabangon siya. Balak ko na sanang tumayo ng biglang hinawakan niya muli ang aking pisngi at sumandal siya palapit sa'kin.
Akala ko hahalikan niya ako sa labi pero nagulat parin ako ng binigyan niya ako ng isang light kiss sa forehead.
Bigla ko nalang naramdaman ang buong katawan kong uminit ng maramdaman ang kaniyang labi sa aking noo.
Bakit...
Hindi nagtagal at paunti-unti na rin siyang umatras sa halik at tinitigan ako.
Habang nagugulat parin sa kaniyang ginawa, ngumiti lang siya, "Thanks, Niza."
Thanks?? Sa saan??
Lumipat ang kaniyang kamay sa kamay ko at tinulungan akong tumayo habang nakatulala parin ako.
"Tara, balik na tayo." suhestyon niya at nagsimula na siyang lumakad palabas ng Arbor tunnel.
Naiwang nakatayo parin ako do'n habang tinitigan siyang umalis.
Bakit... bakit niya ako hinalikan sa noo?
FLASHBACK...
"Just think of me as Renz for now and say my name like you mean it. Just once."
END OF FLASHBACK...
Naiwan akong napatulala hanggang sa makabalik ako sa aking kwarto.
Dahan-dahan kong hinubad ang damit na sinuot ko at nilagay ito sa basket. Agad kong binuksan ang shower at hinayaang bumuhos ang tubig sa aking mukha.
Hanggang ngayon... maiinit parin ang katawan ko... malakas parin ang tibok ng puso ko.
Hanggang ngayon, nalilito parin ako.
Bakit niya ako hinalikan sa noo? Pwede namang hindi niya 'yon gawin.
Oo bago niya y'on magawa, nagpanggap akong isipin na siya si Renz dahil 'yon sabi niya sa'kin eh. Pero hindi ko inakalang seseryosohin niya.
Sineryoso ba niya talaga ang nangyari kanina?
Ano kayang iniisip niya nung muntik na kaming maghalikan?
BINABASA MO ANG
𝐌𝐚𝐠𝐚𝐧𝐝𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐢𝐭 | COMPLETED
RomantiekSi Niza Dean Carmen ay isang simpleng babae na may maganda at pangit na buhay. Hindi marunong magluto, laging bagsak sa bawat semester, at walang talento sa pagkanta, subalit may magandang personalidad naman rin siya't may matalik na kaibigang si Ju...