CHAPTER 19

785 41 18
                                    


Chapter 19:
Champaign

"So ang sabi ng daga, take that you pussy cat!" biro ni Alex at nagtawanan kaming lahat sa dining room.

Napatawa nalang ako ng tahimik, hindi ko kasi masyado naintindihan ang biro niya pero sige nalang. Go with the flow.

Habang nagtatawanan kami, hindi ko maiwasang mapalingon kay Renz, umiiling siya habang nakangiti. Grabe bakit napaka prince charming ang mukha niya. Ang swerte na sana ni Adelleen, hays kung ako lang sana si Adelleen...

Biglang tumayo si Michael at napaharap kaming lahat sa kaniya. Ang hindi ko lang maiintindihan ay kung bakit nakasimangot parin ito hanggang ngayon. Ano bang problema?

"What's the matter Chael?" pagtatakang tanong ni Harvey sa kaniya.

Umiling si Michael at lumakad na ito paalis, "I need some fresh air."

Nang mawala na siya sa paningin, naiwan parin kaming tahik sa dining room. Anong nangyari sa kaniya? Tinirhan naman namin siya ng omelette ah.

Napabuntong hininga si Harvey, "What a pain."

"Bakit? Ano palang problema?" pag-alala kong tanong.

Ewan ko lang kung bakit pero pagsabi ko nun, lahat ng mga mata nila'y nakatitig sa akin.

"If you wish to know so much, why don't you go and find out yourself." mahinahong saad ni Jason.

"Yeah Niza, nasa top floor balcony si Chael. He always goes there whenever he's feeling down." pagpaliwanag ni Alex.

Pupunta ba ako?

Lumingon ako kay Renz at umaasang may sasabihin rin siya sa'kin ngunit ngumiti lang siya at nagkibit-balikat.

Anong ibig sabihin nun??

Agad akong humarap sa kanila Harvey, "Teka bakit ako? Eh kayo?"

Nagkibit-balikat si Alex, "We tried, pero hindi talaga gagana. Baka ikaw ang solusyon."

Eh? Bakit ako? Porket ako lang ang babae dito.

"Pero-"

"Just try." singit ni Renz sabay hawak sa aking balikat.

Nang marinig ko 'yon, nabigyan ako ng lakas. Lakas ng tama talaga pagdating sa kaniya.

Tumango nalang ako at tumayo para puntahan si Michael sa itaas.

"We'll be here!" narinig kong sigaw ni Harvey sa likod.

Habang naglalakad, napaisip ako kung anong dapat sabihin. Kasi pag nalulumbay ang isang tao, dapat bantayan mo ang mga sinasabi mo. Isang mali na salita man lang ang lumabas sa bunganga mo, mas lalo siyang mapalungkot.

Kaya anong dapat sasabihin ko?

Nang makarinig na ako sa top floor, nakakita ako ng isang malaking glass door na nakasarado. At do'n ko rin nakita si Michael na nakasandal lang sa dulo ng balcony habang nakatitig sa malayo.

Ayun siya...

Lumakad ako patungo rito at dahan-dahan itong binuksan. Nang magawa ko 'yon, mabuti at hindi niya ako narinig. Nagpatuloy ako sa paglalakad at huminto sa tapat niya pero wala parin akong sinasabi.

Alam kong napansin na niya ako, pero nanatiling tahimik parin siya't walang balak na magsasalita.

Sige pet-pet, paano mo 'to simulan??

Agad kong nilanghap ng malalim ang hangin, "Hm... Kaya mo pala 'to piniling puntahan. Makapagpahinga ka ng maayos." sabi ko na parang bulong na rin.

𝐌𝐚𝐠𝐚𝐧𝐝𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐢𝐭 | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon