**************************************
WARNING!!!
THIS CHAPTER MAY INCLUDE R16-18. PLEASE SKIP THAT PART OR THIS WHOLE CHAPTER IF YOU ARE NOT INTO IT.
READ AT YOUR OWN RISKS!
MARAMING SALAMAT PO!**************************************
Chapter 6
Waiting ShedIlang minuto na ang naglipas ay wala talagang bus na dumadaan sa Shinto St.
Teka, bakit parang kami lang ang tao dito? Bakit walang sasakyan na dumadaan o kahit man lang mga taong lumalakad? Nasaan na kaya sila?
Siguro nasa bahay. Hays gusto ko nang umuwi.
Tumingin ako kay Michael. Nakatitig lang parin ito sa phone. Agad may ideyang lumabas sa isipan ko.
"Ah, Michael." tawag ko sa kaniya.
Binaba niya ang phone at hinarap ako, "What?"
"Kumakanta ka diba?"
"Yeah, what about it?"
"W-wala lang. Baka pwedeng makarinig sa boses mo? Sabi kasi nila na magaling raw kayong kumanta."
He chuckled, "You sound like a kid craving for milk, but sure, I will. Pero."
Hays! Meron nalang ba laging kapalit ngayon??
"You'll have to treat me sa largest night market bukas." sumpay niya.
Huh?! Night market?! Ba't gusto niya do'n? Paano kung hindi ako payagan ni nanay??
"Deal?" tanong niya.
Napatingin ako sa malayo habang pinag-isipan kung sasagutin ko ba o hindi. Meron pa ba akong pera?
Napakamot ako sa ulo. "Sige na nga, deal." sagot ko.
Napangiti si Michael. Maya-maya he cleared his throat habang nakatitig ito sa ibang direksyon.
Hindi nag tagal at nagsimula na itong kumanta. Nung marinig ko boses niya, napairita ako. Napatitig ako sa kaniya na para siya baliw.
Gagong lalaki 'to ah! Pinapaglaruan ako!
"Oof! Barbie, sabi ko na! Sabi ko na barbie!" kanta niya habang pumipiyok.
Sa dalang galit kong ito, hinampas ko siya ng panyo sa kaniya braso ng malakas at napataas ito ng kamay para depensahan niya ang kaniyang sarili na may dalang ngiti sa kaniyang mukha.
"Ibang kanta! Ayusin mo!" Sabi ko na parang sigaw na rin.
Napatawa ito ng malakas, "Fine."
Muli itong tumingin sa ibang dereksyon as he cleared his throat. Sa totoo lang, alam ko na maganda boses niya pero nung sinimulan niyang buksan ang kaniyang bibig, ako'y nabighani.
Ito ba talaga boses niya??
Nagsimula siya sa mahina at mabagal na tono, "Girl, just let your hair down. Let's paint the whole town. Life is our playground, yeah."
Nung una kong marinig ang linyang 'yon, agad tumahimik at napakalma ang paligid ko. Hindi ako makapaniwala na sa lahat ng kanta'y chivalry is dead by Trevor Wesley ang pinili niyang kantahin.
"But I'm not a kid no more. So I must open doors and make you feel like the lady you are." sumpay niya.
Grabe ang sarap ng boses niya na para bang napahinto ang lahat; na para bang wala ng ibang maririnig kundi ang nag-iisang musika na galing sa kaniyang bibig.
BINABASA MO ANG
𝐌𝐚𝐠𝐚𝐧𝐝𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐢𝐭 | COMPLETED
Storie d'amoreSi Niza Dean Carmen ay isang simpleng babae na may maganda at pangit na buhay. Hindi marunong magluto, laging bagsak sa bawat semester, at walang talento sa pagkanta, subalit may magandang personalidad naman rin siya't may matalik na kaibigang si Ju...