Niza's PoV:
"Waaahh!!! Kailangan niyo ba talagang umalis?!" pagmakaawa ko kina ate at kuya sa airport.
So nung umalis na si Michael sa bahay, agad kaming nagbihis para ihatid sina kuya at ate sa airport. Sabi kasi raw nila na ngayon na daw sila kailangang umalis papuntang America.
"Kailangan na kasi pet-pet, magpakabait ka ha? Wag mong pahirapan si nanay, tulungan mo siya lagi ha?" saad ni kuya sa'kin.
"Pet-pet, don't worry. We will bring you souvenirs every after 2 weeks." sabi ni ate sa akin.
"Promise yan ah?" pagsisigurado ko habang humihikbi.
Ngumiti si ate, "Of course."
Maya-maya, sabay na silang pumasok sa loob ng airport habang kumakaway sa amin. Masigla rin kaming kumakaway ni nanay.
Nang mawala na sila sa paningin. Napatulo parin ang luha ko. May parte nga sa'kin na nagseselos.
Ano kaya ang pakiramdam pag nasa America?
Napatingin ako kay nanay na kanina pang humahagulgol.
Ngumisi ako, "Wag kang mag-alala nay. Alam kong walang mangyaring masama sa kanila. Kaya umuwi na tayo, wala ko pa kasi napakain si Dean eh." Lumakad na kami ni nanay at pumara ng taxi.
Pag-uwi namin, agad kong nilagyan ng pagkain ang plato ni Dean at masigla niya itong kinain. Tumingin ako sa lalagyan ng pagkain niya.
Naku lagot, konti nalang ang laman ng pagkain sa lalagyan ni Dean! Marami atang pinapakain sina ate sa kaniya nung wala ako.
Magkano kaya ang isa nito? Sa lalagyan palang at sa taong nagbili na si Michael, halatang mahal na mahal toh.
Humingi kaya ako ng bago kay Michael?
Ay l*tse wag na! Nakakahiya naman!
Nang maisip ko si Chael, biglang lumakas ang tibok ng puso ko.
Hehe akalain mong boyfriend ko na pala si Chael.
Ba't nga pala ako umoo agad? Yiee maisip ko lang nga siya nakikilig na ako!
"Oh pet-pet! Ano ka ba? Nayabo na ang mga pagkain sa pusa oh!" sigaw ni nanay sa'kin.
Pagtingin ko sa lalagyan, agad ko tong binaliktad at pinunit ang mga nahulog.
Pokus Niza pokus!
Pero napa-isip rin ako. Since magkita kami sa school bukas halatang didikit yon sa'kin tsaka pa'no na ang mga tsismis??
Famous kasi si Chael at ang V4. Halatang maraming magsasalita ng masama sa akin, madamay na rin si Juli.
Hays anong klaseng love story toh?? Parang katulad sa wattpad!
Kinabukasan, parang 6 am palang ata sa umaga at may kumatok na ng malakas sa pintuan ko.
Hays oo alam kong Lunes ngayon pero diba walang pasok?? Sabi daw nila Juli sa'kin na holiday daw ngayon.
Iniwasan kong humarap sa pintuan at tinabunan ang aking ulo ng unan.
"Nay, ang aga pa naman oh?! Patulogin mo muna ako please!" saad ko at inasahan siyang umalis.
"Bahala ka nga pet-pet, kanina pang nag-antay sa labas itong boyfriend mo oh!" aniya sa'kin.
Boyfriend?! Si Chael?!?!
Agad akong napatayo at dali-daling binuksan ang pinto. Akala ko nga nasa baba si Chael pero nung Ito ay mabuksan, nakatayo lang talaga siya sa harap ko't may hawak-hawak pa na bouquets.
BINABASA MO ANG
𝐌𝐚𝐠𝐚𝐧𝐝𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐢𝐭 | COMPLETED
RomanceSi Niza Dean Carmen ay isang simpleng babae na may maganda at pangit na buhay. Hindi marunong magluto, laging bagsak sa bawat semester, at walang talento sa pagkanta, subalit may magandang personalidad naman rin siya't may matalik na kaibigang si Ju...