Chapter 16:
BasementPagbungad ng araw sa aking mukha, ako'y napagising.
Teka, nasa'n ako?
Pagdilat ko sa'king mga mata'y nakasalubong ko ang maputing kisame na hindi naman rin ang kulay ng kisame sa kwarto ko. Napalingon ako sa kanan, may slide door patungo sa balkonahe.
Nasa'n ba ako? Nasa hotel?
Lumingon naman ako pakaliwa, may isang human size na salamin at ang katabi nito ay ang drawer na punong-puno ng panlalaki na gamit.
Jusko kaninong kwarto ba 'to?! Ang laki-laki ng kama at sobrang bouncy na parang amoy.... lalaki.
Nang maalala ko ang mga naganap kagabi, agad akong napaupo sa gulat.
Hala tama! Galing ako kina Juli kagabi! Tsaka... muntikan na rin akong... mabastos.
Yumuko ako para tingnan ang damit na napunit ng lasenggero ngunit nagulat ako ng makitang nakasuot na ako ng large gray shirt na panlalaki.
Sinong nagbihis sa akin?!
Teka lang, nakasuot pa ba ako ng bra at panty?
Ay oo, mabuti naman.
Napabuntong hininga nalang ako't sinubukang tumayo ngunit agad sumakit ang kaliwang bahagi ng hita ko.
Agh muntik ko ng makalimutan na sinaksak pala ako ng gagong 'yon!
Itinaas ko ng kaunti ang shirt para tingnan ito. Sa gulat, nakasuot na pala ako ng bandage at mukhang mamahalin ito.
Jusko nakakatakot na nito... sino ang nagsuot nito sa'kin at kaninong letseng bahay 'to?!
Pinilit kong tumayo at at dahan-dahang binuksan ang pintuan palabas ng kwarto. Sinilip ko muna kung may tao na sa labas, pero wala. Sa'n na nga ba ang mga tao rito?
Nang makarinig ako ng mga boses na nagtatawanan at musika na tumutugtog ng malakas sa may dulo, agad kong sinara ang pintuan at lumakad patungo rito.
Baka sila ang may-ari, magpasalamat nalang ako't umuwi na agad.
Nang ako'y makarating, sumandal muna ako sa pinto at sinubukang makinig sa kanilang pinag-usapan.
Naku ano ba tong pintuan nila, sound proof? Wala ako masyadong marinig.
Sinimulan kong buksan ang pintuan ng kaunti para hindi nila mapansin at sumilip ako.
Pagsilip ko, biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko't nagulat sa aking nakita; ang mga V5!
Pero teka, bakit apat lang sila? Asan si Jason??
Ilang segundo, biglang may humila sa pintuan at nabuksan ito. Maundlot ako napaatras at napatitig sa lalaking 'yon; nako lagot! Nahuli ako ni Jason!
"Hey Renz, looks like your sleeping beauty is awake." kalmadong saad ni Jason at napatitig silang lahat sa akin.
Agad kong niyakap ang sarili ko at pilit na hindi sila titigan, "P-patawad. Hindi ko sinadyang disturbohin kayo."
"Oh it's okay, the door is downstairs by the way." pagngisi ni Alex.
Napansin kong sinuntok ito ni Michael sa balikat, "what in the actual fuck are you saying?"
"Bro, it's kind of unfair! Dinala ni Renz ang girlfriend niya, I should have brought Jane here too!" panghihinayang ni Alex.
Girlfriend niya siguro si Jane...
Agad namang sumingit si Renz, "She's not my girlfriend."
Nang marinig ko 'yon, ewan ko ba kung bakit pero masakit, inakala kong magpanggap siya tulad sa ginawa ni Jerald nung una naming pagkita. Pero agad niya binawi.
BINABASA MO ANG
𝐌𝐚𝐠𝐚𝐧𝐝𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐢𝐭 | COMPLETED
Roman d'amourSi Niza Dean Carmen ay isang simpleng babae na may maganda at pangit na buhay. Hindi marunong magluto, laging bagsak sa bawat semester, at walang talento sa pagkanta, subalit may magandang personalidad naman rin siya't may matalik na kaibigang si Ju...