Niza's PoV:
Pilit nating iniwasan
Ganitong mga tanungan
At kahit 'di sigurado
Tinuloy natin ang ating ugnayanNgayo'y naubos na'ng kwentuhan
Nagsimula nang magsisihan
Lahat ay parang lumabo
'Di alam kung sa'n tutungoNakatulala lang ako sa may bintana habang nakatitig sa malakas na ulan, nakikinig ng kanta ni Ysabelle Cuevas sa title ng Hindi Tayo Pwede.
Hays... umuulan na naman ng malakas.
Parang nababasa talaga ng ulan ang nararamdaman ko...
Sabi ko na nga ba
Dapat no'ng una pa lamang
'Di na umasa
'Di naniwalaUnti-unting bumuhos ang luha ko pagdating sa chorus ng kanta.
Hindi tayo pwede
Pinagtagpo pero 'di tinadhana
Hindi na posible
Ang mga puso'y huwag nating pahirapan
Suko na sa laban
Hindi tayo pwedeBiglang tumunog ang phone ko. Agad huminto ang pagtibok ng puso ko sapagkat wala nang ibang tumatawag sa akin kundi si Chael lang.
Dahan-dahan akong tumayo para hinaan ang music sa aking computer at hinarap ang phone ko.
Hindi lang basta-basta tawag, kundi face time.
Sasagutin ko ba?
Napahinga ako ng malalim, pinunas ang mga luha ko, at dahan-dahang sinagot ito.
Nang ito'y nasagot, agad bumungad ang mukha ni Chael. Ang nag-iisang lalaki sa puso ko'y masigla't nakangiti sa'kin nang makaharap ako.
Ba't nakayanan pa niyang ngumiti...
"Hey Niza." pagbati niya sa mahinhin na tono.
"Hello."
"Akala ko tulog ka na, why are you still awake?" pagngisi niya.
Sa bawat ngiting pinapakita niya sa'kin, mas lalong sumasakit ang puso ko...
Ang sakit na pumapanggap siyang walang nangyari sa kanila ni Amber..
"Hindi ako makatulog." sagot ko lang sa mababa na tono.
"Hehe you should really sleep a lo-"
Hindi ko na natiis pa at sumingit na ako.
"Chael tama na..." bulong ko't unti-unti namang tumulo ang luha ko.
Umiiyak na naman ako...
"Why? What's wrong?" pag-alala niyang tanong.
"Chael wag ka nang magpanggap.. tama na... masakit na." saad ko habang humihikbi.
"Niza, what are you talking about??" pagtataka niya sa akin.
Umiling-iling ako, "Alam ko na nakasama mo si Amber sa kama kanina!"
Agad siyang nagulat nang sumigaw ako.
Nagtatakang tumingin parin siya sa'kin, "What??"
"Tinawagan ako ni Amber kanina... Walang hiya ka Chael, bakit mo 'to nagawa sa akin?!" hindi ko na talaga natiis at napasigaw na ako sa kaniya.
"Niza, hindi ko naintindihan-"
"Wag ka nang magsinungaling pa!"
Natameme siya ng saglit at biglang pinalit ang kaniyang ekspresyon galing sa pag-tataka at nagpalit sa galit.
BINABASA MO ANG
𝐌𝐚𝐠𝐚𝐧𝐝𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐢𝐭 | COMPLETED
RomantizmSi Niza Dean Carmen ay isang simpleng babae na may maganda at pangit na buhay. Hindi marunong magluto, laging bagsak sa bawat semester, at walang talento sa pagkanta, subalit may magandang personalidad naman rin siya't may matalik na kaibigang si Ju...