Ch 30: Okay lang ako

648 30 5
                                    

Niza's PoV:

Hays! Salamat at natapos na rin ang klase namin. Grabe nakakapagod, ang sakit-sakit na ng ulo ko sa kakatake ng tests.

Gusto ko nang matulog...

Bigla akong tinapik ni Juli sa balikat at napalingon ako sa kaniya.

"Sasama ka ba?" masiglang niyang pagtanong.

Eh?? Anong ibig niyang sabihin? Wala kasi ako nakinig.

"Sa saan?"

"Mag cine kami ni Jerald, gusto mong sumabay?"

"Ah... Eh.."

Cine? Pero masakit na ulo ko eh.. pero matagal ko na ring pangarap na manood muli sa sinehan. Ano kayang movie?

"Yeah Niza, tanggalin mo muna yang stress na yan and have fun!" positibong tugon ni Jerald sa'kin.

Natameme ako ng saglit at agad naman akong tumango, "Sige, tara!"

Pagdating namin sa mall, dumeretso muna kami sa department store para magbili ng junkfoods na pwede naming makakain sa loob ng cine.

"Ito oh masarap... Ay ito rin! O baka ito? Ano gusto mo Niza? Babe ito kaya?" walang pagtigil na pagsasalita ni Juli habang pumipili ng junkfoods.

Napatanga naman ako habang naghahanap sila ng junkfoods. Pwede lang naman isang large popcorn, sapat na. Hindi naman rin masyado kumakain si Juli eh, ewan ko nalang sa Jerald na toh.

Nagbuntong-hininga ako at sumasayaw na parang tanga nang maisip ko ang sayaw namin ni Michael.

First dance ko yon, actually matagal ko nang pangarap na mapasayaw ng lalaki sa dancefloor, siya lang talaga ang tumupad ng pangarap ko sa mga kalokohang ginagawa niya.

Oo, nakabadtrip talaga ang mga sweet talks niya, pero parang umeecho ang mga salita niya sa taenga ko kahit wala naman siya rito.

Kailan kaya kami muli magkita...

Habang nakatulala sa malayo, bigla akong nagising nang makita ko si Michael na naglalakad sa labas ng department store.

Teka, si Michael na talaga yon??

Pero...

Gulat na gulat akong makita na may kasama siyang babae. Biglang bumigat ang puso ko. Ang lapit-lapit naman nila sa isa't-isa.

Si Michael ba talaga yan?

Bakit.. bakit may kasama siyang babae?

"Oy Niza! Tara na." sigaw ni Juli sa likod ko.

Agad akong lumingon sa kaniya, "Sige."

Habang naglalakad kami papuntang sinehan, patuloy-tuloy lang ako sa pag iling.

Hindi, hindi, hind, hindi!

Imposible si Michael yon! Baka... Baka isang gwapong lalaki lang na kamukha niya!

Oo, baka kamukha lang niya!

Nagulat ako nang biglang huminto sina Juli, "Bakit tayo huminto?"

Tinuro ni Juli ang timezone, "Diba si Michael yon?"

Sabay kaming tumingin ni Jerald sa bandang tinuro ni Juli.

"Oh d*mn tama nga!" reaksyon ni Jerald.

So si Michael talaga yon? Akala ko nananaginip lang ako...

Tumitig ako ng maigi sa mukha ng babae.

Teka, siya yung ginawang wallpaper sa lock screen ni Michael ah...

Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko per biglang napatigil ang pagtakbo ng puso ko.

𝐌𝐚𝐠𝐚𝐧𝐝𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐢𝐭 | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon