Ch 32: Sugat

756 25 13
                                    

Niza's PoV:

Takbo lang ako nang takbo paikot ng yacht. Ayoko kasing mahuli ni Michael.

"Niza, stop running! Baka madulas ka!" saad ni Juli sa akin nang madaanan ko siya.

Nang madatnan ko ang hagdanan, agad akong tumakbo patungo sa 2nd floor. Lumingon-lingon ako sa ibaba para hanapin si Michael pero wala siya.

Eh? Nasa'n na ba yon??

Habang hinahanap ko siya, bigla nalang may humawak sa aking kamay at hinila ako palapit sa kaniya.

"Gotcha!" sigaw niya.

"Huh?! Paano ka nakarating agad dito?!" pagtataka ko nang malaman na si Michael pala.

"Well while you were running around the yacht, alam ko namang aakyat ka rito kaya, dito nalang kita inantay." pagpaliwanag niya.

Walang hiya, para akong tanga na tumatakbo sa wala! Akala ko pa naman hinahabol niya ako!

"Hey lovebirds, kain na!" sigaw ni Harvey sa amin sa baba.

"Sige!" sagot ko.

Bababa na sana ako nang hinila naman niya ako palapit muli sa kaniya. Inis akong lumingon.

"Am I forgiven?" pagsisigurado niya.

Kahit na pinaliwanag niya sa akin kung bakit niya kasama si Amber nung gabi na yon, hindi ibig sabihin mapapatawad ko lang siya ng basta-basta.

Gusto ko rin sana makita kung hanggang saan aabot ang sorry ng mo'kong toh.

Binawi ko ang aking kamay, "Hindi."

Dumeretso na ako pababa. Narinig ko siyang napangisi sa likod ko.

"Oh come on!"

Hindi ko na siya pinansin pa. Nang makarating na ako sa dining area, nakaupo na ron sina Juli at Jerald, Harvey, Jason, at si Alex.

Pero nasa'n si Renz?

Dahan-dahan akong umupo sa may bakanteng upuan at tumabi si Michael sa akin.

"Please do enjoy our well cooked french beef steak. The most recipe of our chef." positibong tugon ni Dontero sa amin habang siniserve ang mga pagkain namin sa kaniyang mga assistants.

Nabighani kaming lahat sa sobrang sarap ng beef steak nang malanghap namin ang amoy.

Omg amoy palang, nakakagutom na!

Kukuha na sana ako ng tinidor at kutsara pero nagulat akong makita na may iba't-ibang klase ito.

Jusko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Jusko... Parang pinapalito lang ang mga tao nito eh anong kaibahan?? Parehas lang lahat! Tinidor are tinidor! Kutsara ay kutsara!

Napabuntong-hininga akong nakatitig sa mga utensils na wala namang kaibahan.

Siguro napansin agad ito ni Michael kaya siya napatanong, "Need any help?"

𝐌𝐚𝐠𝐚𝐧𝐝𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐢𝐭 | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon