Ch 39: iPhone

604 28 16
                                    

Habang naglalakad pabalik sa sasakyan ni Chael, agad akong napahinto nang mapansin kong naiwan ang kuwintas.

"T-teka lang Chael, naiwan ko ang kuwintas sa Ferris Wheel!" hindi na ako nag-antay pa sa kaniyang magsalita at dali-dali ako tumakbo pabalik.

Naku po sana hindi yon ninakaw...

Bigaang dumilim ang paligid at parang napahina ako sa pagtakbo.

A-ano toh??

Napansin kong kada takbo ko paharap, parang nabalik ako sa parking lot. Napahinto nalang ako nang marinig kong tumatawa si Chael sa likod.

Dahan-dahan akong lumingon at nang makita ko, agad sumakit ang dibdib ko. Masaya siyang nag-uusap kay Amber, pero teka, bakit nandito si Amber??

Sinigaw ko ang pangalan niya, "Chael!"

Tiningnan niya ako ng masama, "Who the f*ck are you?"

Huh? Ba't hindi niya ako kilala??

"Chael, ako 'to si Niza, girlfriend mo."

"Tsk! Get get lost, I love Amber, not you."

Nang marinig ko iyon nagpatulo ang luha ko.

"Hindi... hindi.. hindi!!" bulong ko hangang sa napabangon ako sa kama.

Habang humihingal-ngal, pinagmasdan ko ang paligid. Nasa kwarto ako. Agad kong hinawakan ang kuwintas na binigay sa akin ni Chael kagabi, at napasaya ako nang mahawakan ko ito.

Hayss salamat at nananaginip lang ako. Pero grabe ah, ang pawis-pawis ko na.

Sa bandang dulo ng aking mata, may napansin akong nakabalot sa green na box at nakalapag ito sa aking study table.

Huh? Kanino galing yan?

Dali-dali akong at inangat ito para tingnan ng maigi, biglang binuksan ni nanay ang pinto at napansin niyang nabaguhan ako.

"Galing yan sa boyfriend mo, maaga palang mga alas-4 dumating na siya rito para ihatid yan sayo."

Natameme ako. Eh? Para sa akin? Ano kayang laman nito?

Sa kakatitig sa box, hindi na makapag-antay si nanay na makita ang laman nito, "Oh ano pang hinihintay mo?? Buksan mo na."

Dahan-dahan kong binuksan ang box. Habang ginagawa ko ito, napaisip ako na baka pabango, alahas, at iba pang masuauot sa mga babae subalit gulat na gulat ako nang makitang... brand new iPhone ang nasa loob nito.

"Oh my ghad para sa akin 'to?!" gulat akong napa atras at nilapitan ito ni nanay.

"Aba ang bait-bait naman ng boyfriend mo, niregaluhan ka pa ng bagong telepono." mahinahong tugon ni nanay sa akin.

Umiling-iling ako, "Nay hindi mo naintindihan, isa yan sa pinakamamahaling cellphone sa buong mundo. H-hindi ko pwedeng matanggap yan sa sobrang mahal!"

Napabuntong hininga si nanay, "Hay nako pet-pet, regalo yan ng jowa mo. Be happy, tsaka may letter pa nga rito oh." saad ni nanay at inabot sa akin ang nakatiklop na papel.

Lumakad na si nanay palabas ng aking kwarto at inumpisahan ko na sa pagbabasa.

Hey babe,

I'm sure nagulat ka sa regalo ko haha sana nga nand'yan pa ako para makita ang reaksyon mo, but time was ticking kaya I had no other choice but to flee.

Don't worry about returning it, because I bought that phone especially for you since wala kang phone. Gusto ko lang sana makapag-keep in-touch with you for the next 3 to 4 years.

𝐌𝐚𝐠𝐚𝐧𝐝𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐢𝐭 | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon