"Hello Queeny!" ang bati ng nga ka-schoolmate ko
"Hello!" ang wala ding sawang pagbati ko sakanila.
Alangan namang isnobin ko? Baka ano pang masabi sa akin. Well, sa lahat naman ng pangyayari may masasabi ang tao, masama o mabuti man yan.
"Goodmorning naman sa pinaka magandang babae sa mundo dyan!" pabalitang sabi ni Ashley na bestfriend ko.
"And goodmorning to my ugly bestfriend here!" sigaw ko at nagtawanan ang nakarinig.
Hinampas niya ako ng malakas.
"Aray naman! Di ba pwedeng mag joke?" bineletan niya lang ako.
"Hindi pwede. Hahaha!"
Nag-usap pa kami ng nag-usap dahil wala siya ng isang linggo dahil sa pagbabakasyon niya. Ang taray nga, dahil nakapag bakasyon pa. Pero ayos lang, madami akong nakuhang pasalubong mula sakanya. Hahahaha. Joke.
"Ayan na siya. Ohmy tabi tabi!" bulungan ng mga babae at nag siupuan.
Agad na nalipat ang tingin ko sa pintuan. Pumasok si Vince at mas lalong lumakas ang bulung-bulungan.
"Jusko. Bagong gupit. Ang pogi!"
"Kanin please."
"Hindi ko kinaya. Ang gwapo!"
Nanatili ang tingin ko sakanya. Bagong gupit at pogi nga. Kaso ang sama naman ng ugali. Hindi namamansin.
"Excuse me." kahit hindi siya nakangiti ay ang pogi pa din niya. Nakakainis lang dahil kahit kelan ay hindi siya tumingin sa akin.
"Excuse me." nakakasora talaga na nakakangiti siya sa ibang babae pero ako hindi manlang nginitian.
"Excuse me!" napatigil ko pag iisip ng sumigaw siya.
"H-hoy Ash tabi." sabi ko kay Ashley dahil siya pala ang nakaharang sa upuan ni Vince.
"Ay sorry!" sabi ni Ashley at tumabi upuan ko.
"Hello. Kanina pa ako salita ng salita doon tapos ikaw nakatunganga lang sakan--" agad kong tinakpan ang bibig niya.
"Pwede ba. Naririnig ka niyan." bulong ko sakanya.
"Whatever bes."
Hindi ako makalingon ng maayos sa kanang bahagi ko. Dahil nandoon si Vince.
"Okay class! Pakipasa yung papers sa kanang bahagi niyo." sabi ni Sir Arth.
Ohmygod. Hinga Queeny! Inabot ko ang papel ko kay Vince pero hindi niya ito pinansin.
"Vince yung papel namin." tinignan niya lang ako at bumalik a ginagawa niya.
"Pucha sige." Sabi ko dahil naasar ako.
"Harold pakikuha nga."at marahas na binigay sakanya ang papel kaya tumama kay Vince.
"Ay te! Easy. Nasasaktan yung bebe ko." sabi ni Harold. Ang harot talaga ng bading na to!
Nag-bell na at nagsitayuan kaming lahat. Inaantay ko si Ashley na matapos mag ayos ng gamit.
"Uy Vince mamaya ah." sabi ng kaklase kong si Princess.
Humawak sa batok si Vince. "Okay lang ba? Sige. Tetext nalang kita." sabi ni Vince.
"Sure.
"Hoy 'te! Hanggang tingin ka nalang ba?" sabi ni Ashley sa balikat ko.
"Diba sabi nila kapag tumitig ka daw sa isang tao, titingin din sila sayo?" sabi ko habang nakatingin pa din sa nag uusap na si Vince at Princess.
"Wag kana mag assume na titignan ka ni Vince bes. Hindi ka niyan makita, para siyang bulag. Kaya move on! Tara na." sabi nito at hinila ako palabas ng classroom.
