Dahil saturday ngayon, nag-plano kaming mag sho-shopping kami. Kaming tatlo ni Anna at Ashley at sumama ang mokong kong boyfriend. Siya na daw magdadala ng gamit na ibibili ko. Tumanggi ako pero well. Masipag talaga siya.
"Nag-gym ka ba kagabi?" tanong ni Ashley sakanya.
"Hindi eh. Bakit?" sabi ni Harvey habang unti-unting hinawakan ang kamay ko.
"Ready ka na, madami dami siguro ang dadalin mo ngayon." sabi ni Ashley at tumawa na parang baliw.
"Sumama ako kasi bibit-bitin ko ang mga pinamili ni Queeny, hindi ninyong dalawa. Ba't di niyo tawagan ang boyfriend niyo? Anna ikaw? Asan si Migo?" napa-ngisi nalang ako sa itchura niya dahil seryoso siya sa sinasabi niya. Para siyang tatay na pinapagalitan ang anak.
"Busy. Busy sa ibang babae." may pagkabitter sa tono niya. Napa-iling ako at pinagsabihan siya tungkol kay Migo.
Nagsimula na kaming mag-shopping. Madami dami ang tao ngayon kaya binilisan namin. Si Harvey mukhang nag-eenjoy sa ginagawa namin. I mean.. ginagawa ko.
"Do you like this or this?" sabay turo ko sa dalawa kong hawak na dress na pink pero magka-iba ang design.
"Nah, ayoko nito. Masyadong maikli. Eto nalang." sabi niya at kumuha ng isang purple na dress na puno ng sequence.
"Ang taray, may taste ah." sabi ko dahil maganda nga naman iyon. Kinindatan niya lang ako.
Sumunod ay pumunta kami sa Vans at namili ng parehong design para daw kunwari couple shoes. What the heck. Siya pa ang naka-isip nun imbis na ako. Humiwalay yung dalawa sa min dahil nakaka-langgam daw. At ang sabi ng mokong sakanila.
"Edi good." oh diba baliw. Siya lang ang sumama siya pa may ganang magsabi ng ganun kina Ashley.
"Hindi ka ba napapagod?" sabi ko dahil hindi mo makikita sa itchura niyang pagod na siya at bored na bored sa ginagawa namin.
Umiling siya. "Feeling ko mag-asawa na tayo. Ako yung tinatanong mo kung ano ba yung mas bagay sayo na suotin. Yung ganun. Nakakakilig!" piniyok niya ang boses niya sa dulong parte. Tumawa ako at hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay niya kahit madami siyang dala.
"Akin na nga yung iba." sabi ko.
"Hindi na! Malapit na tayo sa parking lot eh." sabi niya at tuluyan na nga kaming nakalabas ng mall.
"Panira ka talaga ng moment. Kinikilig ako bigla mong iba-block, kainis!" sabi nito at kumunot ang noo.
"Osige na, ulit na."
"Eto. Yung tipong magka-holding hands tayo kapag naglalakad. Ihahatid kita sa bahay niyo. Well, sa future sa bahay na natin kita ihahatid, at syempre kasama ako!" ngumiti ng malaki ang loko. Nanahimik ako doon at pinapabayaan siyang magsalita ng magsalita sa mga imagination niya.
"Tapos kapag tapos kana maligo--" nanlaki ang mata ko sa narinig ko.
"Ang bastos mo talaga kahit kelan!" sabi ko at hinampas siya. Nag-maang maangan ang mukha niya.
"Hala siya! Hindi pa kasi ako tapos. Oh panira ka nanaman eh." sabi niya at binitawan ang kamay ko para buksan ang compartment ng kotse niya.
"Oh sige na ulit na." sabi ko at binuksan ang pintuan ng kotse niya para makapasok na ako.
"Oh oh oh! Excited ka ba? Ako mag-bubukas niyan! Panira ka talaga ng diskarte. Bumalik ka sa pwesto mo, dali. Ako na magbubukas para sayo." halos mamatay ako sa kakangiti dahil sa pinag-sasabi niya. Ano nga bang kinain namin kanina bakit ganito 'to?
Binuksan niya ang pintuan ng kotse at dahan dahan akong lumapit papunta doon.
"Yung ganito din, pagbubuksan kita ng pinto kasi itinuturing kitang prinsesa." bahagya pa niyang hinawakan ang ulo ko para di ako mauntog.
Nang makapasok na siya sa kotse ay pinagpatuloy niya ang imagination niya. Hay, baliw!
"Kapag tapos ka na maligo at mag-bibihis na sasabihin mo saking ako ang mag prepare ng dress mo. O kaya ako yung pipili. Sabay tayong kakain, sabay tayong matutulog, sabay tayong mag-mall. Sabay tayo sa lahat ng bagay! Actually, ang sarap ngang sabihin sayo na wag mo na akong tawagin para pumili sa dress mo." kumunot ang noo ko sa sinabi niya at bumaling.
"Hmmm? Bakit?"
"Kasi lahat naman ng piliin mo bagay sayo. Parang ako, bagay sayo!" sabay tumawa siya ng malakas. Napatawa na din tuloy ako.
"Wag mong paliparin ang kotse please, gusto ko pang mabuhay." sabi ko sakanya dahil nakikipag-unahan siya.
"Alright alright." sabi niya at dinahan dahan ang pagpapatakbo sa kotse.
Nag-kwentuhan pa kami tungkol sa mga bagay na naiisip namin. Kung tahimik naman ay sinusulyap-sulyapan niya ako. Napapa-ngiti ako kapag sabi kaming napapatingin sa isa't isa.
Pumikit ako ng mariin dahil biglang nag-black ang paningin ko. Medyo kumirot din ang ulo ko.
"Queeny, okay ka lang?" sabi niya at hinawakan ang kamay ko.
Tumango-tango ako at dumilat. Natagpuan ng mata ko ang nag-aalala niyang mukha.
"Anong nangyari?" sabi niya ay hinigpitan pa lalo ang pagkakahawak niya sa akin.
"Wala, sumakit lang yung ulo ko. Mag-drive ka ng maayos dyan. Ayos lang talaga ako." sabi ko at ngumiti sakanya.
Maka-ilang ulit nangyari iyon sa loob ng kotse. Hindi ko na pinapahalata kay Harvey ang nangyayari dahil baka mag-freak out siya. Tuwing pipikit ako ay nawawala at pagkaraan ng ilang minuto pagkadilat ko ay babalik nanaman.
Anong nangyayari sa mata ko?