Simula nang scene namin sa clinic ni Vince ay palagi na niya akong nginingitian at binabati. Minsan siya yung nagbibitbit ng kaunti kong gamit. Naging close kami. Kahit sa upuan naming may bakante ay doon na siya umuupo. Kinakausap niya ako at nag bibigay ng komento niya tungkol sa lessons namin.
"Ha ha ha ha!" plastik kong tawa sakanya dahil nagtuturo siya sa akin ng Math. "Wala akong maintindihan." sabi ko. Hindi naman sa mangmang ako, pero nahirapan talaga ko sa topic ngayon sa Math. Nakakatamad iexplain ano yung topic dahil Math ito. Oh well.
"Focus kasi!" iritado niyang sabi sa akin.
"Ano ba tong ginagawa ko?! Nagfofocus naman ako dyan ah. Ikaw may kasalanan, ngiti ng ngiti kasi habang nagtuturo." pabulong na sabi ko sa huling pangungusap.
"Heh! Mukha kang bubuyog! Oh eto na ulit." sabi niya at itinuro sa akin ang nasa papel niya.
Nararamdaman kong nakangiti ang mga kak-klase ko dahil sa ginagawa namin ni Vince. Lahat kasi sila ay alam ng tungkol sa pagkagusto ko kay Vince. Etong batong to lang ang hindi nakakaramdam.
"Uy, una na ako! Bye." paalam ni Vince. Agad naghiyawan ang mga kaklase kong nakarinig non.
"Uy ano ba kayo!" saway ko dito. "Oo sige, ingat ka." tumango lang siya at umalis. Sumulyap pa siya dito habang papalabas na siya.
"Ohmygod! Totoo ba to?!" OA na sigaw ni Anna habang hawak ako sa balikat.
"The unnoticeable girl becomes noticeable!" sabay hagikgik na tawa nitong dalawang babae.
"Oh sige pagkaisahan niyo pa ako! Mga baliw." sabi ko at ngumiti ng malaki.
"Tara sa rooftop! Madami kang ike-kwento!" sabay hila nila sa akin.
Dahil sa medyo palagi kaming magkasama ni Vince ay hindi ko na nakakasama itong dalawang ito. Sinasama ko naman silang dalawa kaso ayaw nila dahil alone time daw naming dalawa iyon.
Nang nakarating kami ng rooftop at agad na pinaulanan ako ng tanong ng dalawang to.
"So anong progress?" tanong ni Ashley na nakahalumbaba.
"Actually, wala naman. Parang normal na kaibigan lang. May ibinigay siyang parang slumbook ata to. " sabi ko habang kinuha ito sa bag ko. "Kailangan daw yan sa project ng kapatid niya. Sinagutan ko na yan at kayo din daw."
"Wow ano to?! Elementary days?" sabat ni Ashley.
"Hindi naman sakanya yan. Kaya okay lang. Oh sagutan niyo na yan."
"Oo ako muna." sagot ni Anna at kumuha ng ballpen.
"Oh ako nama magtatanong. So ano kinikilig ka ba sakanya? Sa tingin mo the feeling is mutual?" tumango ako ng dahan dahan.
"Kyaaaaaaaah!" sigaw nilang dalawa.
"Paano mo nasabi?"
"Normal ba sa isang guy na magtanong anong favorite mong ganito at ganyan. Pangalan ng magulang mo. Dalin ang iba mo pang gamit. Tapos minsan nagtatanong din siya tungkol sa inyong dalawa. Then, nagpapayo ako sakanya." nakita ko ang kislap sa mga mata nitong dalawa.
"Oh eh ikaw Anna? Kamusta kayo ni Migo?" ngiti ko sakanya.
"Mabait naman minsan." kibit balikat niya.
"Alam mo ba Quenny! Ang dami daming letter niyan sa locker niya! Admirers and stalkers!" tawa ni Ashley at binatukan naman siya ni Anna.
"Nakakahiya nga eh!" sagot ni Anna.
Tinapos namin ng araw sa pag ke-kwentuhan sa mga nangyari ng di kami magkakasama.
Pagkarating ko sa bahay ay naglinis ako kaagad. Tapos ay kinuha ko ang sulat ni Vince sa akin.
Ang nakalagay sa papel na. "Ang ganda nito! --->" ay siya ang nagsulat. Sinulat niya iyon nang katabi niya ako.
