Harvey's POV
Nag December na at ibigsabihin christmas break na. Ang nakakalungkot nga lang ay wala si Queeny ngayon dahil pumunta sila ng Cebu. Nakakalungkot talaga.
"Miss mo na?" tanong ni Keith sa akin habang nanonood kami ng tv sakanila. Bukod kasi sa hindi ko siya makakasama ngayong christmas break ay hindi ko din siya nakita ng ilang araw.
"Oo dre. Lovesick ata 'to." pag-iinarte ko at tumawa.
Tumatawag naman siya kapag gabi. Pero gusto ko na siyang mayakap agad. Nakakamiss din ang babaeng iyon.
Sa buong mag-hapon ay nag skateboard lang kaming tatlo nina Keith at Migo. Tapos basketball kahit papaano. Tinignan ko ang relo ko at nakitang alas-nwebe na ng gabi. Dibali, kina Migo naman ako matutulog.
Inaliw ko nalang muna ang sarili ko dahil ayokong magisip ng kung ano anong bagay. Si Queeny kasi ay mga alas-otso natawag., eh alas-nwebe na.
"Oh dre! Di ka tinawagan?" gulat na sabi ni Migo dahil wala yung phone sa tenga ko. Umiling ako. "Anyare dun." nag kibit balikat lang ako sakanya.
Umuwi na kami sa bahay ni Migo. Nakakain at nakahugas na kami ng plato pero walang Queeny na tumatawag. Di na ako naka-tiis at ako nalang ang tumawag sakanya.
Ilang beses itong nag-ring pero walang sumasagot. Ilang beses na din akong tumatawag pero wala pa ding sumasagot. Nag-aalala na ako pero wala akong magawa.
"Uh dre." bumaling ako kay Migo na tumawag sa akin.
"Oh bakit?"
"Mag-open ka ng fb mo." sabi niya at nag-iwas ng tingin. Kinabahan ako bigla.
Nag open ako ng fb at nag scroll ng nag scroll hanggang na may namataan akong isang picture. Dahil sa sobrang bilis ko sa pag scroll nalagpasan ko yun kaya binalikan ko.
Napamura ako ng ilang beses. Kumunot yung noo ko dahil sa nakita ko.
"Kelan pa 'to?" tanong ko kay Migo at iniharap sakanya ang phone ko. Hindi ko matignan ng maayos dahil nasasaktan ako.
"Last 10 minutes ago."
"Kaya pala di sinasagot ang tawag ko!" sabi ko dinial ulit ang number ni Queeny.
"Hayop, ayaw sagutin ang phone." sabi ko at inilagay ang gilid ng kamay ko sa bibig.
"Ahhhhh!" sigaw ko at binato ang phone ko sa kama ni Migo.
"Pre, relax." sabi nito habang inaabot sa akin yung phone kong tumalbog sa baba.
"Hindi dre! Ayokong mag-relax kasi hindi ko matanggap, ayaw mag register sa utak ko yung nakita ko. Hindi ako makapag relax na nakita ko yung babaeng mahal ko hinahawakan lang ng iba. Ay hindi pala! Hinahawakan hawakan lang sa bewang ni Vince! Ang hayop ahas talaga. " pagwawala ko. Hayop talaga, kapag nakita ko siya sasapakin ko siya nng matindi!
Ang sakit boy!
--
Pagkatapos nang nangyari nung isang araw ay naka patay na palagi ang phone ko. Nasa bar kami gabi gabi ni Keith at Migo, who cares!
"Hi." sabay kindat sa akin ng isang babae. Tinaas ko ang kamay ko.
"I'm sorry but I'm taken." sabi ko at ibinalik ang tingin sa vodka na nasa harapan ko. Nagmartsa paalis yung babae sa harap ko.
"Iinom mo lang yan!" kantwa ni Keith at nag apir kami.
Ilang bote na din ng Jack Daniels ang naiinom ko. I think 4? Isama mo pa ang vodka. Gusto ko magpakalasing!
Ang tibay ni Queeny, nakakaya niyang wala ako sa tabi niya samantalang ako halos mamatay na kung ilang miuto palang siya nawala.
Nahilo at inihiga ang ulo ko sa counter sa bar. At ang huli kong naaalala ay umiiyak ako.
