U8

86 4 2
                                    

Halos manginig ang labi ko sa galit kay Theo. Yung galit ko napupunta sa iyak. Nakakainis!

"Bwisit talaga yang si Theo! Wala ng magandang naidulot!" nanginginig kong bulong.

"Hala te?!" nagugulat na baling sa akin ni Anna. "Broken hearted?" umiling ako sakanya at ipinakita ang screen ng cellphone ko.

Nagbabasa ako ng wattpad. Yung How to Steal the Badboy. Nakakainis talaga yang si Theo! Si Gabe talaga ang bagay kay Kelly eh.

"Jusko. Akala ko naman totoong buhay na may problema ka." sabay ikot ng mata ni Anna.

"Asan si Ashley?" tanong ko habang nag re-retouch. Dahil nabasa yung mukha ko sa iyak. Nawala tuloy yung powder.

"Ewan ko ba. Baka late lang." tumango at naghanap pa din ng story sa wattpad.

"Hoys aalis na ako. I mean, pupunta na ako sa upuan ko. Andyan na prince charming mo." bulong niya at humagikgik.

Napatingin ako sa may pintuan at iniluwa nito sa Vince.

"Hello Anna!" bati niya sa likod. "Uhm. Hi Queeny."tumingin ako sakanya at ngumiti.

"Hello din."

"Anong nangyari sayo? Bakit ka umiiyak ha? Sinong umaway sayo?" ngumiti ako dahil nakita kong nag aalala siya.

"Wala. Nadala lang ng kwento sa wattpad. Alam mo naman. Hahaha!"

"Ah. Akala ko naman napano ka. Nagawa mo yung sa physics?"  tanong niya at umupo sa tabi ko.

Naturuan nanaman kami at nag-away dahil sa subjects na yan. Natapos ang klase at niyaya akong mag aral ni Vince.

"Hoy Vince. Baka ikaw kaya mo ako niyaya dahil gusto mo ng alone time. Yuck, madiri ka please." sabi ko kunwari sakanya.

"Haha! Baliw. May tatanong lang ako. Ay oo nga pala, asan na yung slumnote?" kinuha ko sa bag ko ang slumnote ng kapatid niya at ibinigay sakanya.

"I wanna meet her soon. Can I?" tanong kong nakangiti. Ang alam ko lang sa kapatid niya ay pangalan. Si Aryanna.

"Gusto mo ngayon na?" nag isip ako ng gagawin ko ngayon araw, pero wala naman pala. Gusto ko ding makita ang bahay nila. 

"Sure. Tara na." sabi ko at nauna akong maglakad sakanya. Magpapaalam muna ako kay mommy.

Pumunta kami sa office at nag paalam. Ano ano pang misa ang sinabi ni mommy. Papayagan din naman pala.

Si Vince ay mayaman din. Pero hindi kapantay namin. Kumbaga, tama lang. Kahit kelan hindi ko siya nakitang nag suot ng sobrang mamahalin na uniform or damit. Marunong din siya sa buhay.

UnnoticeableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon