Nakatulala lang ako sa kisame ng kwarto ko. May nararamdaman ako tungkol kay Vince, pero ayaw ma-proseso sa utak ko. At syempre.. ayaw tanggapin ng puso ko.
Nag ring ang phone ko at nakitang si Anna ang natawag. Napaluha ako bigla. Wag ngayon Anna. Wag ngayon.
Hinayaan ko lang iyon na nag ri-ring. Gusto ko ipahinga ang sistema ko. Parang nawalan ako ng lakas sa naiisip ko.
Kinabukasan ay hindi ko nababati ang mga naghe-hello sa akin sa school. Wala ako sa mood ngayon.
"Goodmorning dre." sabi ni Ashley na nasa pintuan. Tinanguan ko lamang siya.
"Okay ka lang?" sabi niya pagkaupo ko sa upuan ko. Napapikit ako. Pucha naman. Sa lahat ng tanong iyon pa?!
"Okay lang. Wag ka maingay. Nasakit ulo ko." pagsisinungaling ko. Gusto kong sabihin kay Ashley ang problema, pero hahanap ako ng tyempo.
Lumakas ang bulung-bulungan at alam kong kakapasok palang ni Vince sa room.
Hindi ko siya nilingon nung naramdaman kong nasa upuan niya na siya. Kung dati, abot ngiti ang bati ko sakanya, ngayon hindi na.
"Queeny." tawag niya sa pangalan ko. Hindi ako lumingon sakanya.
Nang naramdaman niyang hindi ako nagsasalita ay nanahimik siya. Sana naman hindi siya manhid! Lahat nalang ng pagkakataon, manhid siya! Batong bato.
Lumipat siya sa katabi kong upuan. Hindi ko pa din siya pinapansin. Nang maamoy ko ang pabango niyang gustong gusto ko, ay halos gusto ko nang umiyak. Kaya ang ginawa ko ay tumayo ako at kinuha ang bag ko. Hindi ko kayang kasama siya!
"Quenny, saan ka pupunta?" sabi niya at hinawakan ako sa wrist ko.
"Ayoko dito. Naiinitan ako." sabi kong malamig sakanya at hindi tinitignan. Pumiglas ako sa hawak niya at pinakawalan niya ako.
Umupo akong katabi ni Harvey.
"Uy. Hi!" bati niya.Ngitian ko lang siya ng tipid. Natutulala nanaman ako. Kausap ni Vince ngayon si Anna.
"Okay lang yan. Makakahanap ka din ng iba." biglaan niyang sabi. Napatulala ako saglit at unti-unting tumingin sakanya. Naka-ngiti siya ng malungkot sa akin.
"Gusto kita. Pero nung nakita kong may iba kang gusto, tumigil na ako. Hindi ko na kayang masaktan. Pero sa tuwing ngingiti ka, nakakalimutan kong nag mo-move on nga pala ako." sabi niya ng naka-ngiti. Nag-init ang gilid ng mata ko at nagsimula nang tumulo ang luha ko. Hindi ko alam na ganito ang nangyayari kay Harvey. Simula nung naging close kami ni Vince ay hindi ko na siya nakakausap. Nakakasakit pala ako ng tao.
"Sorry. Sorry.. Hindi ko alam. Hindi ko alam na nasasaktan kita. Sorry.." sabi ko habang naiyak.
"Alam mo, sabi ko sa sarili ko. Pag nakita kitang umiyak, titigil ako sa pag mo-move on at ako ang magiging sandalan mo. Kahit ganoon ay maging noticeable naman ako sa paningin mo." humagulgol ako sakanya at niyakap niya ako sa ulo.
"Uy wag kang umiyak diyan! Papangit ka niyan." nakakaloko niya sabi.
"Sorry Harvey. Sorry." paulit ulit kong sabi.
"Ang kulit kulit! Wag na sabing umiyak." sabi niya at pinupunasan ang mukha ko.
"Queeny. Ohmygod Harvey anong ginawa mo?!" hysterical na sabi ni Anna. Pumihit ako at nakitang nag aalala siya sa akin.
"Queeny, anong nangyari? Wag kana umiyak." malakas na sabi ni Anna kaya napatingin sa gawi namin yung mga kaklase ko.
"Wag nang tanungin. Hayaan niyo siya umiyak. Nag pa-practice kami eh." sabi ni Harvey at iniharap ako sakanya.
"Oh game. Iyak kana ulit." sabi niya at hinampas ko siya.
Kahit anong sakit at lungkot ang gawin ko kay Harvey, hindi niya ako iniwan. Hindi siya nagalit. Hindi ko siya napansin dahil sa iba ako ang nakatingin. Nakakatawa lang dahil nararamdaman kong nararamdaman niya din ang nararamdaman ko.
Nang mag lunch kami ay gumaan ang loob ko kahit papaano.
"Aba naman! Hindi ko siya nakita dahil nagalit nga ako dun sa kaklase ko. Harang harang kasi. Siya tuloy nasuntok ko. "tumawa ako sa kwento niya.
"Well. Badboy ka pala dati?" tanong at sinagot niya ako ng pabalang.
"Uh, actually. Baboy ata?" napatakip nalang ako ng kamay ko sa noo ko.
"Oh oh! Joke lang. 'To naman. Hindi ah! Bawal maging bad." sabi niya ng naka-ngiti. Ang loko malinis at maputi ang ngipin, pantay pantay pa.
"Queeny!" sabay hampas niya sa table sa canteen. Napatingin tuloy yung ibang estudyante.
"Oh? Ano ba! Ingay ingay mo." sabi niya at humagikgik.
"Ikaw haaaa. Tinitignan mo ako mabuti. Ano ba yan! Kaya ayokong lalapit sayo eh. Alam ko kasing maiinlove ka sa mga ngiti ko. " sabay sandal niya sa upuan at humalukipkip.
"Ako? Ako pa talaga ha?" turo ko sa sarili ko at tumango lang siya habang naka-ngiti. "Excuse me, sino kaya ang nainlove sa mga ngiti ng isang Natividad?" pagmamayabang ko sakanya.
Kinurot niya ang ilong ko at hinila ako patayo.
"Tameme po ako." sabi niya at sabay kaming naglakad. Bago pa man ako makalabas sa canteen ay may marahas ng humila sa braso ko.
"V-vince." sabi ko.
"Can we talk?" sabi niya sa akin. Nilingon ko si Harvey na nanonood sa amin. Tumango siya at ngumiti.
Lumapit muna ako sakanya. "May lilinawin lang ako sakanya. Mag-uusap lang kami. And please, wag kang ngumiti na para bang masaya ka. Sandali lang 'to babalik ako. Sabay tayo pumasok."
"Mag-aantay ako Queeny. Mag aantay ako." sabi niya sa akin na nakapagpatunaw sa puso ko.