U16

66 3 0
                                    

Quenny's POV

Nag-pa book ako ng flight kaagad dahil sa nalaman ko. Ano ba 'tong nagawa ko? Napatakip ako ng noo nung naalala kong tumawag si Migo sa akin.

"Oh Migo?" gulat kong sabi sakanya dahil ngayon lang siya tumawag sa akin. Kakagising ko lang noon.

"Queeny, di ka ba pwedeng umuwi? Si Harvey kasi palaging nag-iinom. Hindi naman 'to ganoon. Simula lang nung nakita yung picture mo." Nanlaki ang mata ko.

"Anong p-picture?" natahimik ang kabilang linya at narinig kong bumuntong hininga si Migo.

"Yung picture niyo ni Vince. Naka-hawak pa sa bewang mo. Nagwala talaga si Harvey doon. Tapos hindi mo pa sinasagot ang tawag niya." napapikit ako at inalala ang nangyari kahapon.

"Hindi ko.. hindi ko alam na naka-hawak siya sa bewang ko." Grabe naman! Hindi ko maalala.

"Tignan mo sa Facebook yung picture niyo."

"Okay okay. Mag papa-book lang ako ng flight Migo. Sorry."

Nakita ko ang picture sa facebook na ti-nag ng kaibigan ni Vince sa akin sa Cebu. Hindi ko alam na nasa Cebu siya. Nakapag usap na kami at maayos na kaming dalawa. Nagpa-picture siya at dahil tipsy na ako ay hindi ko na namalayan yung nangyari.

Alas otso na ng makarating ako sa amin. Nagpasundo ako kay Migo.

"Anong nangyare? Nasan siya ngayon?" tanong ko dito.

"Nasa bar na. Dalawang araw ng di kumakain yan, puro beer lang." naiiyak akong bumaling sakanya.

"Ayos lang ba siya?" umiling siya at napatakip ako ng mukha ko. Naiiyak ako dahil sa nagawa ko. Dapat kasi di ako uminom ng madami doon.

Kaagad kaming bumaba ni Migo ng makarating kami sa Bar. Nasa kotse ang baggage ko dahil gusto ko na talagang daluhan si Harvey. Pumasok kami sa maingay na bar. Hinanap kaagad ng mata ko si Harvey. Nasaan na yun?

Pati si Migo nawala na din! Hinanap ko ang bawat sulok ng bar at nakita siya sa bar counter. Agad ko siyang nilapitan.

Hindi niya ako nakikita dahil naka talikod lang siya sa akin at naka-yuko ang ulo. Hinawakanko ang likod niya at tinawag siya.

"Harvey.." tawag ko sakanya sa tenga dahil sobrang ingay sa bar.

Iniangat niya ang ulo niya at tumingin sa akin. Pumikit siya ng ilang beses pa.

"This is Queeny." sabi ko at tuluyan na siyang umupo ng maayos.

Hindi niya ako pinansin at tumingin lang siya sa dance floor. Para akong tanga doon na naka tunganga sakanya dahil hindi pa din siya gumagalaw doon.

"Harvey lumabas na tayo dito please. Tara na!" sabi ko at hinawakan ang kamay niya. Tinignan niya lang ako at nagpatianod sa pagkakahila ko sakanya.

Nakasalubong ko si Migo.

"Migo, aalis kami. Pupunta muna kami sa kahit anong resto tapos uuwi kami sainyo, pwede ba?" tumango siya at tinapik si Harvey na wala pa ding imik.

Naka-labas na kami at bumaling ako sakanya.

"Naka-kotse ka?" tumango siya at binitawan ang kamay ko. Nauna siyang mag-lakad sa akin at sinundan ko siya papuntang kotse niya.

Pumasok siya sa driver's seat at ako naman sa shotgun seat. Hindi niya pa din pinapa-andar ang kotse at hinayaan ko siya.

"Lasing ka ba? Wag ka mag-drive kung lasing ka." tumingin siya sa akin.

"Hindi ako lasing. Nagsawa na ako sa alak. Nagpapahinga lang ako doon kanina." sabi niya iniwas ang tingin sa akin.


"I'm sorry." mahina kong sabi sakanya.

"Okay." sabi niya ng hindi pa din ako tinitignan.

"I will explain Harvey." sabi ko habang nananalanging tumingin siya sa akin. Magulo ang buhok niya pero maayos ang damit niya. And I find it hot.

"Yes please.." sabi niya din ng mahina.

"N-nasa bar din ako nung gabing iyon. Kasama ko ang mga pinsan ko. Tapos aksidenteng naka-bangga ko si Vince. Then nag-usap kami at nag-kaayos kami. Sabi niya picture daw pero hindi ko alam na ganun ang ginawa niya. I'm sorry." sabi ko at yumuko. Naiiyak nanaman ako.

"Hindi mo sinasagot ang phone mo."

"Nakalimutan ko ang phone ko." sabi ko. Tumikhim siya.

"Alam mo bang halos mamatay ako nung di ka tumatawag. Alam mo bang di ako makatulog? Alam mo bang di ko mabitawan ang phone ko kasi nag-aantay ako ng tawag o text mo? Alam mo bang halos mabasag ko lahat ng gamit nina Migo sa bahay nung nakita ko yung picture na yun? Ang sakit nun Queeny." sabi niya na nakapag paiyak sa akin ng tuluyan. Hinampas niya yung maninela at pumikit at ipinahinga ang ulo niya sa sandalan.

"I'm sorry. Sobrang pagod lang ako. I'm sorry di mauulit." sabi ko habang umiiyak. Para akong bata na umiiyak sa gilid niya.

Umiyak ako ng umiyak doon.

"I'm sorry if you feel that I don't love you. I'm sorry." sabi ko at inilagay ang palad ko sa mukha ko.

Naramdaman kong gumalaw siya habang umiiyak ako. Naramdamn ko ding hinawakan niya ang kamay kong nakatakip sa palad ko at inilagay niya sa bewang iyon at niyakap ako.

"I'm sorry. Wag ka na umiyak." sabi nito at isiniksik ko ang mukha ko sa leeg niya.

Umiyak ako ng umiyak sa leeg niya. Iniharap niya ako sakanya.

"Wag kana umiyak please." sabi niya at pinunasan niya ang mata at pisngi ko. Tumango ako ng parang bata sakanya.

"I am thankful that you are my girlfriend. Nandito ka kaagad para daluhan ako. I love you." sabi niya at niyakap uli ako.

No Harvey, I am more thankful that you are boyfriend.

UnnoticeableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon