Noong weekends ay hindi ako lumabas ng bahay at nag-kulong. Nagpaka lunod lang ako sa pagbabasa sa wattpad at sa gawa ni Jonaxx.
Nang pumasok ako kinabukasan ay ganoon pa din ang scenario. Batian ng goodmorning etc etc. Pagkapasok ko ng room ay may malaking naka sulat sa whiteboard na walang klase ngayong umaga.
Hinila ako ni Ashley at ng naging kaibigan na namin na si Anna.
"I've been texting and calling you!" bungad na sermon sa akin ni Ashley pagka-upo sa bench.
"I told you, I'm on airplane mode. I don't want to talk to anybody." umikot naman ng 360 ang mata niya.
"Bakit ba kasi naka-airplane mode ka?" tanong ni Anna habang nagsusulat.
Hindi ako sumagot sa tanong niya.
"Mukhang alam ko na yung dahilan. Sabagay, kung saakin mangyayari yun baka hindi nako lumabas ng bahay." komento ni Anna.
"Please lang, ayoko munang pag-usapan." sumasakit lang ang ulo ko kapag naiisip ko kung ano yung nangyari noong nakaraang friday.
"Ow. Okay." kibit balikat ni Ashley. "So, anong ginawa mo nung sabado at linggo?"
"Well, nagbasa ako ng story ni Jonaxx. I just started to read the Until Trilogy." tumili naman ang dalawa.
"Elijah Montefalco!" sigaw ni Ashley.
"Azrael Montefalco!" sigaw naman ni Anna. Napa-ngiti nalang ako sa kabaliwan nila. Kung ako din ay tatanungin, naaadik na din ako sa dalawang iyon.
Nilabas ko ang phone ko at tinuloy ang naiwan pang chapters.
Napatingin ako sa direksyon nina Vince at Princess. Nakita kong tumawa si Vince sa kung anong sinabi ni Princess. Kumirot ang puso ko.
Nagbabasa ka diba?! Gosh, ba't pa ako tumingin.
"Wag mong saktan ang sarili mo." sabi ni Ashley ng naka-tingin din sakanila. Iniharap nilang dalawa ang mukha ko sakanila.
"Mag-fangirl nalang tayo sa mga Montefalco." ecxited na sabi ni Anna.
I'm so grateful mayroon akong Ashley at Anna sa buhay. Alam nilang malungkot ako kaya eto, pinapasaya nila akong dalawa.
Natapos ang isang oras na puro tilian sa mga naaalalang scenes sa libro. Well, nag-enjoy naman ako.
Napatingin si Vince sa bahagi namin. Ngumiti siya. Hindi ko alam kung ako ba yung nginitian niya.
"Girls! May sasabihin ako sainyo. Pero secret lang natin 'to ah?" sabi ni Anna. Lumapit siya sa mukha namin.
"Kasi crush ko si Migo." napa taas ako ng kilay.
"Ohmygod! Si Migo yung pinaka-pogi?!" malakas na bulalas ni Ash.
"Oo sige nga. Paano magiging secret kung isisigaw mo?" ipina ere ni Anna ang kamay niya. Agad na nag peace sign si Ash.
"Babaero yun Anna. Ingat ka." sabi ko dahil muntik na din akong mabiktima noon.
"Crush lang naman eh." sabi niya.
" Sana hindi mapunta sa love." sabi ko at tumango siya agad.
"Tsaka hindi din naman ako mapapansin nun." busangot na sabi niya.
Nagkatinginan kami ni Ashley. Nag taas baba kami ng kilay. Time for make over Anna!
"O-oy! Ano yang binabalak niyo?" takot na sabi ni Anna. Ngumiti lang kami sakanya.
"Wala naman. Free kaba sa Saturday?" tanong ni Ash at agad ding tumango si Anna.
"Good. Tara balik na tayo sa room." anyaya niya at tumayo na kami.
Pagkapasok namin sa room ay nag hiwa-hiwalay na kami dahil may kanya-kanyang kinausap.
"Oh be. Tignan mo mabuti tapos sabihin mo kung okay na yan." sabay bigay ni Harold ng draft para sa project namin.
"Sige sasabihin ko nalang sayo kung anong problema." ngiti ko sakanya at bumalik sa pagsusulat. Pero narinig ko kaagad ang pangalan ko na tinatawag ni Ashley na nasa pintuan. Ininguso niya ang nasa likod ko.
Bumaling ako sa likod at nakitang kausap ni Anna si Migo. Ngumiti nalang ako at pinanoood sila. Pero may kumalabit sa akin sa ulo kaya humarap ako. Bumungad sa akin ang pulang rosas.
"O-oh H-harvey."gulat na sabi ko.
"Oh para sa'yo." at narinig ko kaagad ang tili sa buong klase.
"Hala, para sa akin?" umiling siya at sinagot ako.
"Hindi. Para sa dingding na katabi mo.." sumimangot ako sakanya. "Oh oh joke lang. Hahahaha ayan na, kuhanin mo na! Badtrip ka naman nakakahiya na oh."
Ngumiti ako sakanya at nagpasalamat. Si Harvey ang ideal guy ng lahat. Matalino, maloko, mabait, palatawa, matangkad, maputi, maka-Diyos. Tinanggap ko iyon dahil ayokong makaramdam ng pagkapahiya si Harvey. Dahil naramdaman ko nang ma-reject.
Tinitigan ko ang rose at namangha sa ganda nito. Hindi ko alam kung may gusto ba sa akin si Harvey o nanloloko lang pero napangiti ako. Mayroon pa din palang nakakakita sa akin.
Napatingin ako sa harapan at nakitang matalim akong tinitignan ni Vince.
Why? Did I finally caught your attention?
