"Hey Anna!" tawag namin ni Ashley sakanya habang nasa Coffee shop siya.
"Tara na."
Saturday ngayon at ang balak namin ni Ashley ay mag pa make-over para kay Anna. Gusto namin na kahit papaano ay mapansin siya ni Migo kahit ganoon yon.
"Saan tayo pupunta?" tanong niya habang katabi kami sa kotse namin.
"Mall. Chill honey." sagot ni Ashley.
"Akala ko talaga may balak kayong kidnapin ako." sabay halakhak niya.
"Well. Hindi namin magagawa yun. " sabi ko habang bumababa sa sasakyan dahil nandito na pala kami. Yung coffee shop kasi ay malapit lang dito kaya mabilis kaming naka rating.
Tumingin ako sa style ni Anna. Palagi siyang naka vans na sapatos, naka t-shirts at pantalon. Bagay naman sakanya yun, kaso para mapansin siya ni Migo ay kailangang nasa uso siya ngayon. Tipong shorts at crop top or halter. Hindi puro t-shirts.
Una ay kumain muna kami para tuloy tuloy na ang gagawin namin.
"Saan tayo pupunta?" tanong niya ng mapunta kami sa mga stall na pampaganda.
"Make-over!" sigaw naming dalawa ni Ashley at tumawa ng napatingin sa amin ang tao. Pumasok kami sa isang stall na pang make over talaga. Madalas akong mag paayos dito.
"Oh hi Honey!" bati sakin ng bading na si Marky at hinalikan ako sa pisngi. Binati niya din si Ashley.
"So, Marky. Ikaw na ang bahala dito sa kaibigan ko. Siya si Anna. Anna si Marky." ngumiti si Anna dito at nakita ang pink nyang braces.
"Hello darling!" bati ni Marky dito. "Ako na bahala dito. Hahaha!" sabi niya at iniupo si Anna sa isang upuan.
"My treat!" sigaw ko at naupo kung saan may nag ma-manicure.
Namili ako ng design para sa kamay at paa ko. Tapos ay nag surf at nag picture sa instagram.
"Bibili ba tayo ng damit para kay Anna?" tanong ng katabi kong si Ashley. Bumaling ako sakanya.
"Nah. Mayroon na ako dyang damit sa stocks ni Harold." ngumisi siya.
"Iba talaga pag Natividad." umirap nalang ako sakanya.
"Marky, hipster or dresses okie?"
"Yes ma'am." sabi niya.
Tinakpan ko ng unan ang mukha ko. Mayroon akong sariling unan dahil nga palagi ako dito.
