SPECIAL CHAPTER

103 6 4
                                        

TADAAAAA!!! Happy 1.05K reads. Harujusko, kilig is me. :') Special chaptyyy for you.

--
Queeny

"Ashley, stop disturbing me!" sigaw ko at binatuhan siya ng isang lapis. Kanina pa siya ingay ng ingay at kanina pa siya asar ng asar.

"Get over with your paintings Queeny, have some fun!" suhestyon niyang nakapag-pairap sa akin.

"I am having fun here Ash." banayad kong tugon.

Simula nung nawala si Harvey ay binalak kong maging artistic. Sinubukan kong alisin siya sa sistema ko sa ilang buwan na naka-lipas pero matindi ang lalaking ito, hindi talaga aalis sa puso at isipan ko. Hindi ko na iyon maiaalis sa parte ko sa buhay.

"Ang swerte ni Harvey sayo." napa-ngiti ako sa sinabi ni Ashley sa likod ko.

"Bakit? Dahil sobrang ganda ko kasi?" umiling siya. Tumawa ako. "Eh ano?"

"After 1 and a half year, eto ka pa rin sakanya. Eto ka pa rin at patuloy na minamahal siya kahit wala na siya," parang baril na pinutok sa puso ko ang pagkasabi niyang wala na si Harvey. Yes, tanggap ko na wala na siya pero hindi pa buong puso.

Binitawan ko ang lapis na hawak ko at hinarap siya. "You know Ash, kapag nainlove ka ng sobra sobra, malalaman mo bakit ako ganito. Nakita mo ang lahat ng nangyari sa amin ni Harvey. Saksi ka sa lahat lahat ng nangyari. Minsan nga iniisip ko, may kambal kaya si Harvey?" tumawa ako sa naitanong ko at nag flash sa utak ko ang mga nangyari sa amin.

Nang mag-fieldtrip kami ay magkatabi kaming dalawa ni Harvey. Ipinatong ko ang aking ulo sakanya at ganoon rin ang ginawa niya. Alas 5 pasado palang ng umaga kaya wala pa kaming lakas para mag-kulitan. Nang nakita niya ako kanina ay niyakap niya ako at inilagay sa balikat ko ang ulo niya. Matutulog daw siya, kaya napa-iling ako. Bwisit sa buhay. Pero nakakakilig.

"Ny, kiss." bulong niya sa akin. Inilapit ko ang pisngi ko sakanya at hinalikan niya ito kaagad. Teka, pwede palabas ng kilig saglit? GUSTO KO NANG MAG-WALA. ITO ANG PINAKA-GUSTO KONG SIDE NIYA. Minsan lang yan kaya lubos-lubos na.

"Fieldtrip 'to hoy. Mga batang 'to ginagawang hotel ang bus." nanlaki ang mata ko at kaagarang sinilip ang nag-salita. Si Ashley. Pumasa ere ang middle finger ni Harvey sakanya.

"Vey, ang sama mo! Bawal yun eh. Bad." sabi ko at binaba ang kamay niya. Na-badtrip ako sa ginawa niya kaya lumayo ako sakanya at sinandal ang ulo sa bintana. Napaka-kulit. Nung isang beses ko pa siya sinabihan na masama yun dahil ginawa niya din iyon kay Migo.

"Uyyyyyy. Sorry na." sabi niya at hinarap-harap ako sakanya. Pumikit ako at hindi nalang siya pinansin. "Hay, nawala antok ko. Cactus kasi itong si Ashley, panira moment! Aray!" Bulong niya at narinig ko ang tampal ni Ashley sakanya. Gusto kong matawa pero galit pa pala ako.

"Ang ingay ingay mo, badtrip na nga ang bebe ko pag nagising yan edi mas badtrip!" ramdam kong nag-ambaan ang dalawa. Mga baliw, peste matutulog na nga lang ako.

"Hoy nget, gising ka na. Dito na tayo." sabi ni Harvey sa gilid ko. Agad akong napa-dilat, hindi pa naman ako nakakaidlip ah?

"Joke lang." automatic na sinuntok ko siya. Nandito pa din ang bus kung nasaan ito kanina! Sarap pektusan sa lungs eh. "Sorry na."

Buong byahe ay nakasandal ang ulo ko sa bintana. Badtrip, dapat pala di ako nagpakipot kanina! Ako tuloy nahihirapan ngayon! Naririnig ko ang hagikgik ng baliw sa gilid ko. Agad ko siyang tinignan. Nakatingin siya sa akin. Nakatakip ang bibig niya ng braso niya.

"Hay, ang mga babae talaga." gusto ko siyang tadyakan pero yung puso ko biglang natunaw nang inilapit niya ang sarili niya sa akin at dahan dahang inilagay sa balikat niya ang ulo ko. Papalag sana ako kaso masakit na talaga yung leeg ko!

"Oh ano? Tulala forever?" pampagising ni Ashley sa akin.

"Sorry, may naalala lang ako. Natatandaan mo pa nung nag-punta tayo ng boracay?" tumango siya. Napa-ngiti nalang ako.

"Ang kulit mo naman kasi eh!" nag-aaway ang dalawa nanaman sa likod ko. Parang sila yung couple eh. Sila yung palaging mag-kaaway.

"Naka-bikini si Queeny!" tuya ni Ashley. Napa-irap ako. Hindi naman ako nakabikini sa loob.

"Hoy babae! Hoy Queeny!" liningon ko si Harvey.

"Oh ano?" Baling ko sakanya. Agad siyang pumunta sa pwesto ko at hinawakan ng mariin ang kamay ko.

"Naka-bikini ka sa loob niyan?" turo niya sa damit ko.

"Oo, bakit?" pang-aasar ko din.

"Aba! Bakit hindi ko alam? Bawal yan. Wag mo aalisin yang t-shirt mo ha? Sasapukin kita," amba niya sa akin. Tumawa ako ng tumawa.

"Joke lang. 'To." Sabi ko at tumawa nanaman.

"Kung joke yang sinabi mo, tong sapok na sinabi ko hindi joke! Halika dito!"

UnnoticeableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon