Nauna akong mag-lakad sakanya papuntang labas.
"So, anong pag-uusapan natin?" sabi ko at hinarap siya.
"I'm sorry." biglaan niyang sabi kaya nag-iwas ako ng tingin. Nakakahiya dahil tumitingin yung ibang tao sa amin.
"It's fine." maikli kong tugon at tinignan siya ng naka-kunot ang noo.
Nakayuko siya at hindi tumitingin sa akin.
"A-alam kong mali. Pero, ngayon ko lang na-realize na, mahal kita." sabi niya na ikinagulat ko. Bumilis ang tibok ng puso ko sa narinig ko. Nag-angat siya ng tingin sa akin at nakita kong namumula ang mata niya. Sumikip ang dibdib ko.
"Ang tanga tanga ko kasi pinakawalan pa kita. Hindi ko nakitang nandyan ka. Alam mo bang halos ikamatay ko nung nalaman kong kayo na pala ni Harvey? Parang 'wow' biglaan. Nasaktan din ako kasi doon ko na-realize na, may nararamdaman ako para sayo." tumingala siya at nag pahid ng luha niya.
"Nakakabading ka grabe. Napapaiyak mo ako." tinitigan ko lamang siya doon. "Alam mo, gabi-gabi akong nananalangin na sana alagaan ka niya, na sana gawin niya yung dapat kong--"
"Wala kang dapat gawin noon." pagpuputol ko sakanya. "Pinapatawad na kita, Vince. Mahal ko si Harvey at hinding-hindi magbabago yun. At alam mo sa sarili mong lahat ng hinihiling mo ay gagawin niya kahit hindi mo siya utusan." huminga ako ng malalim dahil may nagbabadyang luha sa mata ko.
"At kung pwede ba, please lang. Wag mong sabihing mahal mo ako ngayon kung kelan ako nawala. Please, kung gusto mong maging mag-kaibigan tayo wag ganun. Nakakawalang respeto kay Harvey." sabi ko at nagulat ako ng ngumiti siyang sarkastiko.
"You're such a heartless Queeny. Paano mo nagagawang sabihin sa akin yan ng harap-harapan?" napa-taas ang kilay ko sa sinabi niya.
"If you want me to be your friend then do it. But if you want to lose me again as a friend, I will do it for you Vince." sabi ko at tinalikuran siya.
"Bakit hindi mo aminin sa sarili mo ang pagkakamali mo Queeny?" napatigil ako sa paglalakad ng sumigaw siya. Nagtinginan ang mga estudyante sa amin.
"Kaya mo sinagot si Harvey kasi gusto mo akong kalimutan, kasi ginamit mo siya para mag-move on ka." halos manginig ang labi ko sa narinig ko sakanya. Nag-singhapan ang mga tao sa paligid.
"Ang kapal ng mukha mo!" sabi ko at sinugod siya. "Wag mo akong itulad sayo na gumagamit ng tao. Hindi ako ganoon! Kung sino man ang nang-gamit sa ting dalawa ikaw yon! Wag mo akong gagawan ng kwento!" sabi ko at hinampas-hampas siya.
Grabe! Siya pa may ganang mang-ganyan! Samantalang siya naman ang nang-gamit sa amin!
"Bakit? Totoo naman ah? May nakakapag-move on ba ng dalawang buwan? Wala Queeny! Ikaw lang ang nakakagawa non!" sinampal ko siya ng malakas. Halos manginig ang kamay ko sa sakit.
"Gusto mo ng totoo? Nakapag-move on ako kaagad dahil wala ka palang kwentang mahalin! Nakapag-move on ako kaagad dahil isa ka palang malaking pagkakamali! Isa ka palang malaking basura sa buhay ko Vince! Utang na loob, kung gusto mong mang-sira ng relasyon ng tao dito, wag kami!" Natahimik ang paligid sa sinabi ko.
"At oo nga pala, binabawi ko na din ang pagpapatawad sayo. Hindi ka din pala worth it sa pagpapatawad." sabi ko at tinalikuran siyang tuluyan.
Sinalubong ako ng kaibigan kong galing canteen at ni Harvey. Agad silang dumalo sa akin.
"Wrong idea na sumama at maki-pag usap sakanya!" biglaan kong sabi at naunang maglakad papuntang building namin.
Nagtinginan ang dalawa kong kaibigan. Binalingan kong si Harvey na tahimik na nagmamasid sa pagsasalita ko.
"Ano bang nangyare?" sabi ni Anna.
"Ginamit ko lang daw si Harvey para move on mula sakanya." napamura ako ng maliliit. Umupo ako ng padabog sa upuan ko sa likod ng makapasok na kami sa room.
"Hala, grabe." sabi nitong dalawa at nag-komento sa ginawa ni Vince.
Napansin kong tahimik si Harvey kaya tinapik ko siya.
"Ano? Tunganga ka lang diyan?" sabi ko sakanya. Tumingin siya sa akin at bumaling.
"Totoo ba yung sinabi ni Vince?" sabi niya na ikinagulat kong husto. Napatawa ako sa iritasyon sa tanong niya.
"So naniniwala ka don?" sabi ko ng mapait. "Sa lahat ng maniniwala bakit ikaw pa." sabi ko at frustrated na tumalikod mula sa sakanya at lumayo.
"Hey." sunod nito sa akin. Lumabas ang dalawa ng makitang galit ako.
"Don't you trust me?" sabi ko sakanya at tinitigan siya. Pumungay ang mga mata niya.
"I t-trust you." umiling ako at bumagsak ang butil ng luha ko.
"Listen, I already warned you about this thing. I want you to take the chance. And now, I am inlove you. Hear me? I am inlove with you." sabi kong mahina.
Ngumiti ang loko ng pagkalaki-laki.
"I think that's enough for explanation. I am deeply inlove with you too, Queeny."