Still Harvey's POV until chapter 15! :)
--Pinuntahan ko si Queeny sa bahay nila. Dinalhan ko siya nang pagkain at gamot.
Sumalubong sa akin ang mommy niya.
"Hello dear." bati nito sa akin. Nginitian ko lamang ang mommy ni Queeny dahil nahihiya ako konti. Konti lang naman!
"Well, I'm Queenzie Natividad. You can call me Tita Queen." ngiti nanaman niya sa akin.
"Hello po tita!" bati ko dito. Halatang halata na mommy ni Queeny ito dahil halos kamukha na niya si Tita.
"Sobrang laki mo na. Parang dati, dinala ka dito ng daddy mo mga 4 years old ka lang, ngayon binata ka na." nagulat ako sa sinabi ni Tita.
"Magkakilala po ang pamilya niyo at pamilya ko?" tanong ko kay Tita.
"Oo. Hindi ba nasabi ng daddy mong may plano kami?" umiling ako. "Nevermind, malalaman niyo din yon paglaki laki niyo pa. Haha!"
"Asan po si Queeny?" tanong ko dahil namimiss ko na ang prinsesa ko.
"Andoon si Queeny sa kwarto niya. Pagka-akyat mo sa hagdan, mag left ka lang. Isa lang ang kwarto doon at iyon ang kwarto niya." sabi nito sa akin.
"Salamat po tita." sabi ko at aambang tatayo pero natigilan ako nang may sinabi siya sa akin.
"Tell your Papa na kinakamusta siya ng Natividad. And please, gusto na namin ng apo."nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Tita.
"Tita! Hala po. Bata pa po kami. Tsaka hindi ko g-girlfriend si Queeny." siniko niya ko.
"Destiny dear. Magtiwala ka sa destiny. Sige, alis na ako! First base honey. " sabi niya at kinindatan ako.
Natatawa akong umakyat sa second floor nang bahay nina Queeny. Kumaliwa ako at kumatok sa pintuang kulay pink.
"Come in." sigaw ni Queeny sa loob. Pinihit ko ang doorknob at pumasok.
Nakita kong naka hoodie si Queeny habang naka-comforter. Pumasok ako nang tuluyan at hindi sinara ang pintuan. Kinilabutan talaga ako sa sinabi ni Tita.
"Hello!" bati ko at inilagay ang pagkaing dala ko sa table niya.
"Uy! Anong ginagawa mo dito?" tanong niya. Barahin ko kaya?
"Pinuntahan ko nanay mo. At yung maid niyo, obvious ba a--" hindi ko na natuloy ang sinabi ko dahil binato niya ako nang unan niya.
"Hirap mo kausap. Pilisopo!" sabay irap niya.
"Hoy Prinsesa! Ang tanga naman kasi nung tanong mo! Oh oh oh masakeeeeeeeeeet!" sigaw ko dahil piningot niya ako sa tenga.
"Masaket?!" ulit niya at umirap ako.
"Ay hindi. Masarap. Paulit-ulit? Ah ah ah! Tama na! Aguyyy!" reklamo ko habang hinahawakan ang tenga ko.
"Ikaw! May sakit ka na nga ang brutal brutal mo pa din!" reklamo ko at humiga sa kama niya.
"Ang lamig!" reklamo niya. Tumayo ako at pinuntahan ang aircon niya.
"Paano di lalamig naka full to?!" reklamo ko at hininaan iyon. "Hug nalang tayo para di malamig." sabi ko at tumawa! Binato nanaman niya ako ng unan. Hilig mambato, di marunong sumalo! ((Double meaning pards *winks*))
"Flirt mo oy!" sabi niya.
"May sinabi sa akin mommy mo." biglaan kong sabi habang natatawa. Umupo ako sa kama niya.
"Oh ano? Wow ah. Close na kayo?" tumango ako ipinagpatuloy ang sinasabi ko.
"Sabi niya gusto na daw niya ng apo! Hahahahahahahaha!" tawa ko nang malakas at hinawakan ang tyan ko.
Nanlaki ang mata ni Queeny at namula.
"Hoy! Masamang biro yan." sabi niya habang kinakain yung apple kong dala sakanya.
"Well, mukhang di nagbibiro ang nanay mo." at humalakhak nanaman ako.
Tinitigan ko siya at unti unting inilapit ang mukha ko sakanya. Nanliit ang mata niya.
"Hoy Harveng! Tigilan mo ako." sabi niya at lumayo. Tumawa ako sa reaksyon niya.
"At ikaw! Paano ka nga pala nakapasok sa bahay namin?"
"Connections and charming." sabay kindat ko sakanya. Binigyan niya ako nang nandidiring mukha.
Nag kwentuhan kami at pinainom ko siya ng gamot niya.
"Promise mo sakin, magpapagaling ka kaagad ha?" malambing kong sabi sakanya.
"Wow ano to?! Boyfriend kita bigla?" kunot noo niyang baling sa akin pagkatapos inumin yung gamot niya.
"Alam mo! Panira ka talaga. Kainis. Dyan ka na nga." sabi ko at tumayo. Inarte overload. Nakakabading kasi tong si Queeny!
Pero bago pa ako makatayo ay hinawakan niya ang kamay ko. Napatingin ako doon.
"Oh ngayon pipigilan mo ako?" sabi ko at umirap.
"In your dreams. Oh yung baso nakalimutan mo. Ibaba mo na yan ah?" sabi niya at iniaabot yung baso sa akin.
Badtrip akala ko pipigilan ako sa pag da-drama ko.
Kinuha ko yung baso at umupo ulit. Itinuktok ko sa ulo niya yung baso.
"Korni mo. Basta, magpagaling ah? Promise mo muna?" ngumiti siya ng matamis sa akin.
"Opo tay! Ay ay. Hahaha. Opo opo magpapagaling ako." ngumiti ako at tumayo.
"Good. Goodnight!" sabi ko at hinalikan siya sa noo. Ngumiti at pumikit siya.
"Thank you." sabi niya pagkadilat.
Inlove na talaga ako. Wala nang ayawan 'to. Takte!
