Wakas

132 6 7
                                    

Kung wala kayo, hindi mag-papatuloy ito. Maraming salamat at magkita-kita tayo sa susunod kong istorya! Salamat at salamat! *Hugs*

Queeny's POV

Nakatulala lang ako sa tv sa kwarto ko. Nakatuon ang mata ko don, pero wala akong naririnig at walang naiintindihan sa pinapanood ko. Pinalipat-lipat ko ang mga palabas don, pero dahil wala talagang napasok sa utak ko ay binato ko ang remote.

"AHHHHHHH!" sigaw at bumuhos nanaman ang luha ko. Wala na akong ginawang mabuti sa nakalipas na isang taon.

Palagi akong nasa kwarto at walang kinikibong tao. Minsanan lang kumain dahil wala talaga akong gana. Nag-click ang pintuan sa kwarto ko at narinig ko ang pag-aalala ni mommy.

"Queeny, hush. Ohmygod. Anak, di ka ba naawa sa sarili mo? Ashley, can you call the nurse?" agad akong humindi sa suhestyon ni mommy. Ayoko ng nurse! Ayoko ng kahit sino!

"Hindi ko na alam ang gagawin ko sayo! I'm so tired of everything. Pagod na ako sa ginagawa mo. Kung ikaw, hindi ka napapagod kaming lahat dito sa bahay pagod na pagod na! Maawa ka naman sa amin!" bulyaw ni mommy.

Tumingin ako kay Ashley na nasa pintuan. Dito na siya natulog simula nung insidente. Nakita kong lumalim ang eyebags niya at hindi ko na siyang nakitang masaya. Sumilip naman si Anna at ngumiti ng tipid sa akin. Silang dalawa ay natutulog sa pinagawang kwarto ni.. ni Harvey. Napamura ako ng iilan dahil sa naisip ko.

Itinakip ko ang palad ko sa mukha ko at umiyak nanaman. Hindi ako napapagod umiyak. Katulad kasi 'to ng pagmamahal ko sakanya. Hindi napapagod. Hindi nawawala kahit anong gawin ko.

"Mag-swimming kami Queeny, gusto mo sumama kahit manood ka lang? Na-miss ka na namin." ngiti ni Anna pero may kalungkutan sa mata niya. Tumango ako at sinabing susunod ako.

Pinalis ko ang comforter na nasa katawan ko at umupo pa ng saglit sa kama ko. I think I should lossen up. Forget the bad memories and start a new one. Nang mapalapit ako sa tukador ko ay namataan ko ang cellphone ni Harvey. Bumalik sa akin ang libo-libong ala-ala. Libong libong saya at sakit na naidulot niya sa akin. Kinuha ko ang earphone at inilagay ito sa cellphone niya. 

Pumunta ako sa gallery niya at pinindot ang isang video niya. Isa sa mga pinaka-paboritong kong video sa lahat. Paulit-ulit ko na itong napanood pero hindi pa din ako nagsasawa.

Nang makalabas ako sa swimming pool area ay namataan ko yung dalawang nag-uusap. Kumaway sila sa akin at tango lamang ang naibigay ko sakanila, umupo ako sa isang bench doon at pinanood ang video niya.

"Ang ganda dito grabe! Nakikita mo 'to? Eto na yung venue ng kasal natin. Dito tayo magsisimula. Dito tayo magkakapamilya at sa wakas baby! Tapos na natin ang bucket list natin. Ang saya dito pero at the same time ay nakakalungkot dahil wala ka." ngumuso siya at nagpo-pose ng kung ano anong mukha. Napatawa ako pero napapatak ang luha ko. Hindi pa din sila napapagod kakapatak.

Ifinocus niya ang lugar kung saan ang gagawin ang kasal namin. "Ahhhhh!" Pang-gugulat niya sa video. "Mahal na mahal na mahal kita Queeny. Mahal na mahal. Excited na ako sa kasal natin! Iisipin ko palang na naka-gown ka kinikilig na ako. Tapos pag nagka-baby tayo aalagaan ko. Yung babae kasingganda mo at syempre naman yung lalaki kasing pogi ko! Tseh, kokontra ka nanaman sa sinasabi ko. See you in two days honey, bebe ko, baby, mwa! I love you so much. Pa-kiss sa noo." sabi niya at inilapit ang nguso sa camera.

UnnoticeableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon