Harvey's POV
Hanggang ngayon nasa garden pa din kaming dalawa. Nakatingala lang siya sa taas habang yakap yakap ang sariling tuhod at nagpapahid ng luha niya.
"Akala ko, ako yung nginingitian niya. Hindi pala. Si Anna pala." sabi niya bigla. "Alam mo ba? Kaya niya ako kinlose dahil lang gusto niya mapalit kay Anna, at para sa akin, sobrang sakit nun. Sobra sobra." sabi niya at nagsimulang humagulgol.
"We should not expect Queeny. Sana inalam mo muna eh. Pero kasalanan din naman niya." sabi ko at niyakap siya.
"Hindi ko alam kung tama bang pinaganda ko si Anna eh. Matutuwa ba ako o hindi? Kasi sa tingin ko, ako yung dahilan kung bakit nagkagusto nang ganoon si Vince sakanya. At pucha! Bestfriend ko pa Harvey! Bestfriend ko pa." hinimas ko ang likod niya at kinuha ang tubig na nasa tabi ko.
"Iyon pala ang dahilan kung bakit nag-away si Migo at Vince noon? Dahil kay Anna? Grabe, ang manhid manhid ko naman at hindi ko agad napansin iyon." sabi niya at umiyak nanaman.
Alam ko na iyon nung una palang, lalaki ako. At siguro kung may bumabakod din kay Quenny ay aawayin ko din. Nandoon ako nang panahon na iyon, nahuli lang si Queeny nang dating kaya hindi niya alam ang pangyayari.
Sa una palang nakita kong nakatingin si Vince sa kamay ni Anna at ni Migo. Naging maganda si Anna. At alam ko ding nagkagusto si Vince dito. Sinugod ni Vince si Migo kahit walang ginagawa si Migo. Edi halata nga.
Nandoon din ako nang pumasok si Quenny at nag alburoto at nagtampo. Halos mag-alburoto din ako nung binuhat ni Vince si Queeny. Alam ko ding may gusto si Quenny kay Vince. Ang galing ko noh? Lahat alam ko. Well, si Vince lang ang bobo dahil alam na nang lahat na may gusto si Quenny sakanya pero batong bato pa din.
Sabi ko sa sarili ko, hahayaan ko si Queeny na maging masaya. At once na makita kong umiyak siya dahil sa bading na yan, ako na mag-aalaga sakanya. Liligawan ko siya.
"Oh wag ka ngang umiyak. Nakakainis ka. Ako yung nandito pero umiiyak ka pa din sa ibang lalaki?" pabirong sabi ko sakanya kahit totoo yun.
Aba, ang loko! Pinapaiyak lang yung itinuring kong prinsesa sa buong buhay ko. Sasapakin ko talaga siya kapag nakita ko siya. Mukha siyang bading na nang-gamit ng babae para sa kagustuhan niya.
"Sorry Harvey." sabi niya at niyakap din ako.
Sobrang sarap sa pakiramdam na yakapin ako ni Quenny ng ganito. Tipong mahigpit na para bang sinasabing ayaw niya akong pakawalan at dito muna ako. Pero masakit din isipin na kaya niya ang niyakap dahil nasasaktan siya sa ibang lalaki.
Hinawakan ko ang mukha niyang punong-puno ng luha at pinunasan iyon.
"Itinuturing kitang prinsesa, pero pinapaiyak ka na parang basura. Wag kana umiyak okay? Andito naman ako Queeny. Andito ako. Ayoko nang iiyak ka ah? Please?" malambing kong sabi sakanya. At tumango lang siya at niyakap ako.
Kinabukasan ay di pumasok si Quenny. Sumama daw ang pakiramdam niya. Pupuntahan ko siya sa bahay nila mamaya at aalagaan.
Nakita ko si Vince sa corridor ng building namin at sinalubong ko siya nang suntok. Napasigaw si Anna sa ginawa ko.
"Oy pre!" hawak ni Migo sa braso ko.
"Tanga ka! Habang wala kang nasasaktan ngayon araw na 'to nakuha mo pang kausapin si Anna?! Lalaki ka ba ha?!" sabi ko at sinugod siya. At ang bading hindi gumagalaw at nakatingin lang sa baba..
Sinuntok ko siya nang isa. "Para 'to sa pang-gagamit mo kay Quenny!" sigaw ko at sinuntok ko ulit siya. "At 'yan para sa pagpapaiyak mo sa prinsesa ko! Tanga tanga mo Vince! Binigay ko na nga sayo si Queeny! Nag-paubaya ako para sa ikaliligaya niya. Pero bobo ka dahil sinayang mo iyon! Magsama kayo ni Anna!" duro ko sakanya dahil nahila na ako ni Migo.
"Harvey ano bang pinagsasabi mo?!" sigaw ni Anna na pumagitna sa amin.
"Itanong mo diyan sa bading na yan!" inalis ko ang pagkakahawak ni Migo sa akin. Bumaling ako sakanya,
"Bakuran mo 'yang si Anna, baka masulot pa bigla ng kung sino man dyan." sabi ko dito at umalis.

BINABASA MO ANG
Unnoticeable
Подростковая литератураBecause she will never be one of those noticeable.